Isang linggo na ang nakalipas pero ni text o tawag wala akong natanggap mula kay Steven. Pumupunta rin ako sa hospital nila pero ni anino niya hindi ko nakita. Ni hindi ko rin makita ang kakambal niya at tinanong ko rin si Juliana tungkol kay Steven pero wala rin siyang alam. Matamlay ako buong linggo at napansin iyon ng mga kaibigan ko pati nila Mama at Nanay. Wala rin akong ganang kumain pati mga quizzes ko naapektuhan na. Parang may mabigat na bagay kasing nakadagan sa dibdib ko sa mga pagnaiisip ko ang mga nangyayari. " Miss Silva, see me in my office after our class. " Lahat ng kaklase ko napatingin sa akin kaya naman napayuko ako. " Ikaw naman kasi eh. Hindi kaba nag aaral? " Kakatapos lang namin mag quiz at itlog yung score ko. Meron pa kaming 10 minutes kaya sinamantala na iyon

