Muntikan pa akong mabunggo sa isang estudyante sa kakatakbo ko. Ramdam ko na ang pawis sa likod at batok ko. Ba't ang layo kasi ng parking lot sa building namin. Nang nasa parking lot na ako ay huminto muna ako para mag ayos. Tinali ko ang mahaba kong buhok at naligo ng perfume para mag mukhang fresh ako tignan. " Are you done? " Napatalon ako ng may nagsalita sa likod ko. " H-hi. Kanina kapa? " Nahihiya kong tanong. Nagkibit balikat ito at naglakad papuntang kotse niya kaya sumunod ako sa kanya. Ang ngiti ko ngayon ay abot hanggang Batanes sa sobrang kilig. Na untog ako sa likod niya ng bigla itong tumigil kaya napa atras ako ng konti. " Dun ka. " Nandito na pala kami sa kotse niya. Umikot ako at umupo sa tabi niya. " Date tayo? " Tanong ko at kitang kita ko ang paghigpit ng hawak n

