CMB 22

1474 Words
Ang balak kong 10 am na gising ay naging 3 am. Hindi ko alam pero dilat na dilat na ang mata ko. Hindi pa luto ang pandesal sa bakery ni Mang Erming eh eto ako naka upo na sa kama. " Grabe! Tulog pa si Steven tapos heto ako gusto ng maligo at magpalit ng dress! " Tumayo ako at pumunta ng kusina para uminom ng gatas. Bumalik ako ng kwarto bitbit ang mug ng gatas at umupo ng kama. Kinuha ko yung wallet ko sa mesa at binilang ang pera. Sige, mag waldas ka Jade dahil mataba pa iyang wallet mo. Sa susunod na buwan kapa makakatanggap ulit ng allowance kaya magtipid ka! Gusto ko mang magtipid pero hindi ko naman kayang pakainin ulit si Steven ng isaw at fish ball. Ang yaman yaman kaya nun baka magkasakit pa siya ng dahil sa akin, patay ako sa pamilya niya. Maya maya pa ay humiga ako para matulog ulit. " Jade! Tanghali na tulog kapa? " Sigaw ni Mama sa labas at kinatok ng napakalakas ang pinto. Nanlaki ang mata ko at agad na umupo sa kama. Nasapo ko yung ulo ko dahil nahilo ako sa biglaang pagbangon. Tinignan ko ang oras at tanghali na nga. Kinuha ko yung cellphone ko sa mesa at tinignan ito. Tinext ko si Steven na magkita kami sa mall bandang 3pm. Mabilis akong lumabas ng kwarto at kumain. " Saan ka pupunta? Akala ko maglalaba ka? " Tanong ni Mama habang kumakain kami. " Bukas na po ako maglalaba, Ma. May pupuntahan po ako. " Tinaasan niya ako ng kilay at binalingan ang kapatid ko para lagyan ng ulam. " Wag mong ubusin yang pera mo, Jade. " " Opo. " Kong maubos man ang pera ko manghihiram na muna ako kina Leah. Pagkatapos kumain ay umalis na si Mama para pumunta ng market. Naligo rin ako at nagtagal ng isang oras sa cr. Napasobra pa yung conditioner sa buhok ko kaya natagalan ako sa pagbanlaw. " San ka? " Tanong ni Kyle ng pumasok siya ng kwarto. " May pupuntahan lang si Ate. " Sabi ko habang nagsusuklay. Umupo ito sa kama at tinignan ako. " Oh? May problema ba? " Umupo ako sa tabi niya at inakbayan siya. Umiling ito at humiga sa kama ko. Tumayo rin ako at hinanap ang pouch na pinahiram ni Leah kahapon. Tinuruan nila akong mag make up noon kaya mabilis akong umupo sa tapat ng salamin at nagsimulang mag make up. Mag aalas dos na ng natapos akong mag ayos. Mabilis kong kinuha ang maliit kong sling bag, wallet at cellphone. " Kyle, tara na sa labas. " Hindi sumagot ang kapatid ko kaya nilapitan ko siya. Napangiti ako ng makitang tulog ito. Lumabas ako ng kwarto at binuksan lang ang pintuan. Tinawag ko si Nanay at sinabing tulog si Kyle sa kwarto. Nag paalam rin ako na baka magabihan ako sa pag uwi. " Mag ingat ka, Jed-jed. " Sabi ni Nanay. Habang naglalakad papuntang kanto ay saktong nakita ako ni Bugrong at Junior na naka tambay sa labas ng bahay ni Tita Bebs. Mabilis akong naglakad ng makitang tumayo si Bugrong at si Junior. Tumakbo sila papunta sa akin kaya tumakbo rin ako. Para kaming tanga dito nanagtatakbo naka payong pa ako! " Jade, teka! " Sigaw ni Bugrong at naramdaman kong malapit na sila. " Wag niyo nga akong habulin. " Sigaw ko. Yung make up ko! " Ba't ka ba kasi tumatakbo? " Tanong nito. " Basta! Wag niyo akong habulin! " Sigaw ko at mas binilisan pa ang pagtakbo. " Uy uy! Sandali, Jade. " Sabi ni Junior. " Sabing wag niyo akong habulin! " Sigaw ko sa kanila. Nahirapan pa ako dahil sa payong saka sabog na ang buhok ko at pinagpapawisan na ako. Mabuti na lang at flats ang suot ko kaya mabilis ang takbo ko. " Teka nga, Jade! " Sigaw ni Bugrong at hinatak ako. " Ba't kaba tumatakbo? " Tanong nito. " Ba't nyo ba ako hinahabol? " Habol hininga kong tanong. " Eh bakit kaba kasi tumakbo. " Binawi ko yung siko kong hawak ni Bugrong. " Ah basta! May pupuntahan ako. " Sabi ko at nag abang ng masasakyan. " Saan? Tsaka ba't ka naka make up at naka bihis ng maayos? " Tanong niya na ikinainis ko. " Pakealam mo ba, Bugrong? Alis na nga kayo. " Nag para agad ako ng may makita akong taxi. Magsasalita pa sana si Bugrong ng pumasok agad ako. Pinunasan ko yung noo at batok ko dahil pinagpawisan ako kakatakbo. Tinignan ko rin sa maliit na salamin kong maayos pa ang make up ko. Nag dagdag lang ako lipstick at sinuklay ang mahaba kong buhok. Pagdating ng mall ay agad akong pumasok ng burger king. Sa pinaka dulo ako umupo at nilabas ang cellphone para tignan kong nag text si Steven. Mga sampung minuto na at wala parin siya. Pagtingin ko ng oras ay malapit ng mag 3:30. Padami ng padami na rin ang tao at isang crew ang kanina pa nakatingin sa akin. To: Steven Where are you? Nandito na ako. Maya maya pa ay may lumapit na dalawang babae at isang bading. " Hello. Pwede pong paupo? Wala na kasing vacant na table. " Magalang na tanong ng isang babae. Agad akong tumango. Wala pa naman si Steven kaya maghihintay na lang ako dito. Tahimik lang ako na naghihintay ng text ni Steven samantalang ang ingay ng tatlo. Panay pa ang selfie nila kaya nakayuko lang ako hanggang sa naubos nila ang burger nila. " Hello, pwedeng paupo? " Tanong ng dalawang babae. Ngumiti ako sa kanila at tumango. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa samantalang laglag ang balikat ko sa kakahintay kay Steven. Sumasakit na ang puwet ko kakaupo pero wala parin siya. Ng tumayo ang dalawang babae ay tumayo na rin ako para umalis. 5:30 na pero wala parin si Steven kaya bumili na lang ako ng burger para kay Kyle at lumabas ng burger king. Naiiyak na ako dahil hindi niya ako sinipot. " Yan! asa kapa kay Steven, Jade. " Huminga ako ng malalim at malungkot na naglakad papalabas ng mall. Sakit pa lang umasa sa taong wala namang gana sa'yo. Umasa kasi ako eh. Akala ko ok na, akala ko... hay. Naka yuko lang ako at walang ganang naglalakad ng nabunggo ako. Muntikan pa akong matumba mabuti na lang at agad kong nabalanse ang katawan ko. Tumingala ako at kumunot ang noo ng makita si Steven na hinahabol ang hininga. Tumibok ng napakalakas ang puso ko, kulang na lang lumabas ito sa dibdib ko at magtatalon sa tabi ko. Agad akong napangiti at pinigilan ang sariling wag siyang yakapin. " A-akala ko hindi kana makakarating. " Sabi kong maluha luha habang nakatingin lang sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nandito na siya sa harap ko. " Yeah. Sorry, I was late. Exam. " Paliwanag nito. " Ayos lang atleast sinipot mo ako. " Alanganin akong ngumiti sa kanya. Bumuntong hininga ito at agad na hinawakan ang kamay ko. Parang kinikiliti ang puso ko habang pinagmamasdan ang mainit niyang kamay na nakahawak sa kamay ko. Palihim akong ngumiti at panaka nakang tumitingin sa kanya. Dumiretso kami sa parking lot at pumasok ng kanyang kotse. Hindi na ako nag tanong kong saan kami pupunta ng paandarin niya ito. Tahimik lang kami sa byahe at aliw akong nakatingin sa labas. Hindi ko alam kong saan kami pupunta. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising na lang ako ng mahina akong tapikin ni Steven. " Wow! " Nasa mataas kaming lugar at mistulang christmas lights ang mga ilaw mula sa naglalakihang buildings at bahay sa syudad. Nanginig ako ng maramdaman ang malamig na hangin. Tinali ko yung mahaba kong buhok at agad na niyakap ang sarili. " Wow! Ang ganda dito. " Sabi ko kay Steven na tahimik lang na nakatayo sa tabi ko. " Yeah. Beautiful. " Sabi niya at nagkatinginan kaming dalawa. Parang na glue yung mata ko sa mata niya. Hindi ko magawang kumawala sa magaganda niyang mata. Hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ko ng hawakan ko ang dalawang kamay niya. " Steven, alam mo naman sigurong gusto kita. " Tahimik lang itong nakatingin sa akin. " Bumibilis ang t***k ng puso ko makita lang kita. Matagal na kitang gusto, first year ako nun ng makita kitang naglalaro ng soccer. Tahimik akong nagpapapansin sa'yo noon pero ngayon lang ako na bigyan ng chance na makapalapit sa'yo. " " Hindi ko alam pero ba't ang lungkot mong tao? Kitang kita sa mga mata mo na malungkot ka. " " Alam mo bang ang gwapo mo pag nakangiti? Gustong gusto kitang pasayahin, Steven. Gusto kitang alagaan. Gusto kong lagyan ng ibang kulay ang malungkot mong mga mata. " " Pwede ba kitang ligawan, Steven? "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD