Natulala lang ako habang naka-upo parin sa tabi niya. Gusto kong makain na lang ng lupa ngayon. Wahhh, nakakahiya.
Narinig ko ang mahinang mura niya at naramdaman ang kamay niya sa braso ko. Pinatayo naman niya ako pero may dalang pitik sa noo.
"Aray!" Naiiyak na ako sa kahihiyan ngayon. Tiyak na kakalat na naman to sa f*******: ang nangyari, mga tao kasi dito mahilig sa tsismis.
"Tanga ka talaga no?" Seryosong sabi nito.
"Nakita rin ba nila?" Wala sa sariling tanong ko. Ba't ba kasi nakalimutan kong mag cycling shorts ?
Napatingin ako sa kanya at nakitang namumula na ang kanyang mukha.
"Bahala kana nga!" Singhal niya at iniwan ako sa lobby na naiiyak na.
Nang nakabawi sa nangyari ay dali-dali akong pumunta sa aming building. Bumili kaya ako ng mask para hindi ako masyadong makita. Magpapaload na naman ako mamaya para ma deactivate ko yung sss ko. Hirap talaga pag walang wi-fi.
"Oh,nag tahimik mo ah?" Napatalon ako nang magsalita si Kisses.
"H-ha? Wa-wala." Sumubsob ako sa desk at pumikit. Parang lalagnatin pa ako ah. Pwede na akong umabsent bukas kapag sumama pakiramdam ko.
"Wow! Anong kadramahan naman yan?" Tanong naman ni Leah at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
"Patayin niyo na ako." Hinarap ko siya at niyugyog ang kanyang balikat. Nabigla siya at natampal niya ang noo ko.
Hindi ko saki kayang makalimutan ang nangyari kanina. Palaging sumasagi sa isipan ko ang kahihiyan na nangyari sa lobby at parang nanghihina na ako.
"Ano ba?" Reklamo ng kaibigan ko.
"Gusto ko na umuwi!" Sabay sabunot sa buhok. Ikakabaliw ko na yata to.
"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Leah.
"Nakita ni Steven yung panty ko." Bulong ko at nanlaki ang mga mata nila. Kasunod nun ang malalakas nilang tawanan.
"Grabe! Pinakita mo agad panty mo? Landi ah." Mahina akong sinabunutan ni Joana habang tumatawa.
"Hindi no! Nadulas kasi ako sa lobby." Pagdadahilan ko.
"Aww, okay lang 'yan at least nakita niya ang panty mo baka magbago ang isip nun at i-date kana. Hahaha." Sinamaan ko sila ng tingin habang naluluhang tumatawa. Mga walang kwentang kaibigan!
"Mga kaibigan ko ba kayo?" Naiinis na tanong ko.
"Syempre naman!" Sabi nila at niyakap pa ako ni Joana.
"We're so proud of you." Sabi naman ni Kisses kaya napasubsob na lang ako sa desk, nanghihina.
Nung lunch ay halos pumikit na ako habang naglalakad papuntang canteen. Kung pwede lang sanang hiramin ang invisibility cloak ni Harry Potter eh hindi na sana ako nagmumukhang tanga ngayon kakatago ng mukha ko sa madla.
"Oh ano? Sama ka sa amin bukas?" Tanong ni Kisses habang kumakain.
Sabado na pala bukas at hindi ko pa nakausap ng maayos si Steven. Napaka-arte naman kasi.
"Hindi pa ako sigurado." Malungkot kong sagot.
"Hapon pa naman yun at pagkatapos nating manuod ng sine ay kanya-kanyang date na agad tayo." Sabi naman ni Joana.
"Sige. Ite-text ko kayo bukas." Gagawa talaga ako ng paraan para makasama ako bukas sa kanila.
"Pssst. Anong answer sa number 25?" Pasimpleng bulong ni Joana na nasa tabi ko. Meron kasi kaming quiz sa isang major namin at sure akong hindi na naman ito nag-aral.
"Traumatic Brain Injury." Bulong ko habang nakayuko.
"Sa 30?" Tangina! Pinandilatan ko na siya dahil naiinis na ako kakatanong niya. Pag talaga nahuli kami kakalbuhin ko siya gamit ang tweezers. Kahit kasi matanda na ang Prof namin naririnig niya parin pati bulongan namin. Naniniwala na talaga ako na may lahi siyang aswang kaya takot na takot kami sa kanya.
"Ms. Cruz, do you have questions?" Tanong niya kay Joana na ngayon ay pinagpapawisan na.
Sinasabi ko na nga ba!
"No, Ma'am." Seryosong sagot ni Joana at tinignan ulit ang kanyang papel.
Pinigilan ko ang sarili ko na tumawa at baka ako naman ang makita niya at ibagsak ako. Matapos ang isa't kalahating oras ay bagsak balikat na lumabas si Joana sa classroom.
"Ang matandang yun!" Inis na sabi niya at ginulo ang buhok.
"Ba't kasi hindi ka nag-aral? Kita mo namang may quiz tayo." Sabi naman ni Leah.
"Eh busy yan kakatext sa ka-date niya eh. Hoy, Joana! Ang date na yun ay hindi para makahanap ng boyfriend. It's for us to know more about the difference between a man and a woman. " Singhal ni Kisses.
Napatingin kaming lahat kay Kisses. Salubong na ang kilay nito at namumula ang mukha.
"Napano ka naman?" Takang tanong ko.
"Wala." Sagot niya at nagwalk out.
"A-ako ba ang may kasalanan na nag walk out niya?" Takang tanong ni Joana habang nakaturo sa sarili.
"Napano yun?" Turo ni Leah kay Kisses na ngayon ay malayo na sa amin.
"Meron siguro. Tara na nga at maghahanda na ako bukas para sa date." Sabi ni Leah at agad na naglakad palabas ng university.
Habang naglalakad papuntang sakayan ay napa-isip ako kung paano ko mapa-oo si Steven para bukas.
"Magpapasagasa kaya ako sa kotse niya?" Sinabunutan ko agad ang sarili ko.
"Saan ka kukuha ng pera pampa-hospital mo ha?" Nababaliw na yata ako, baliw kay Steven. Hihihi.
Napatingin ako sa kalangitan at agad na napatingin sa suot kong relo. Alas cinco pa lang naman pero madilim na ang langit at ang kakapal na ng mga ulap. Mukhang uulan na naman ah. Pagdating ko sa kanto ay swerteng nakita ko si Steven sa tindahan. Nagyoyosi na naman sila ng mga kaibigan niya. Sila ang mga taong mas nakakaintindi na masama ang pagyoyosi dahil mga MedTech students sila pero araw-araw naman silang nayoyosi.
Hindi pa nila ako nakikita kaya naman dali-dali akong naglakad papuntang kotse niya sa di kalayuan at nagtago. Nakayuko at sinisilip sila sa gilid at mukhang hindi naman nila ako nakita.
May planong pumasok sa isip ko at napangiti ako. Hindi ko namalayan na lahat pala ng tao na naglalakad sa gilid ko ay weirdong nakatingin sa akin. Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng aking buhok.
Makalipas ang sampung minuto ay nangangawit na ako kaya naman napaupo na ako sa gutter sa tabi ng kotse ni Steven. Kailan kaya sila matatapos kayoyosi? Tagal naman.
Napatalon ako nang marinig kong tumunog ang kotse niya kaya sinilip ko sila. Sumakay ang dalawa niyang kaibigan sa kanilang motor at nakita ko na palapit na si Steven. Lumapit ako ng kaunti sa kotse niya at nang buksan niya ang pintuan ay binuksan ko rin ang sa front seat at pumasok.
"What the hell!" Nabigla siya sa ginawa ko at muntikan na niya akong suntukin. Phew, scary! Pero nginitian ko lang siya ng sobrang tamis at napanganga agad siya.
"f**k, Get out! Get your ass out!" Hindi na maipinta ang mukha niya at hinawakan pa ako sa braso.
"No." Nag seatbel tagad ako at niyakap ang bag. Inayos ko ang pag-upo ko at prenteng sumandal.
"Lumabas ka sa kotse ko." Mahinahon niyang sabi at mukhang pinipigilan ang sarili na itulak ako palabas.
"Aalis ako dito pagnakakuha ako ng assurance." Pumikit ako at hinanda ang sarili sa sasabihin niya.
"What? Assurance? Pinagsasabi mo?" Pagalit niyang tanong at mahina akong tinapik sa braso.
"Assurance na ide-date mo ako tomorrow." Sabi ko at hindi parin dumidilat.
"You think papatulan ko ang walang kwentang activity na yun ha?" Kunot noong tanong niya nang buksan ko ang mga mata para makita siya.
"Of course dahil grades ko ang nakasalalay dun." Kahit grades ko na lang muna, Steven sa susunod na lang ang hidden agenda ko sa'yo.
"Pass or Fail lang naman ang subject na yun. Just admit that you really want me to date you." Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya pero di talaga pwede na hindi niya ako sisiputin bukas.
"Basta, bukas ha." Nagpacute pa ako sa kanya pero mukhang mas nagalit pa siya.
"Get out." Umiling ako.
"Date!" Tinutulak-tulak na niya ako palabas.
"Out!" Sigaw niya at kinalas ang suot kong seatbelt.
"Please." Pinagsiklop ko ang dalawang kamay at pumikit pa para mapa-payag siya.
Naramdaman agad ang kamay niya sa mata ko at pilit niya itong binubuksan. Medyo natusok pa niya ang mata ko kaya naman malakas akong napa-aray.
"Masakit yun ah!" Reklamo ko at parang naluluha na.
"Your fault, lumabas kana kung ayaw mong itapon kita diyan." Sabi niya at matalim na nakatingin sa akin habang hawak ang steering wheel.
"Basta i-date mo ako bukas ng hapon." Padabog kong binuksan ang pinto ng kotse niya, takot na baka itapon talaga niya ako palabas.
"Desperate." Napanganga ako sa sinabi niya at mahinang tinulak palabas pero biglang umulan nang napakalakas kaya pumasok ulit ako ng kotse niya, basa na ang buhok at balikat.
"Ano ba naman yan." Reklamo niya nang makita na medyo basa na ako.
" Can't you see ? It's raining at paglalabas ako dito mababasa ako. "
"You have your umbrella. Use it dahil uuwi na ako."
"Oo na, lalabas na ako dito basta i-date mo ako bukas ha." Nilabas ko na ang payong sa bag at inayos ang mga dala ko sa loob.
"Bye." Nag wave pa ako sa kanya bago lumabas. Grabe! Wala pang five seconds basa na ang sapatos ko.
Naglakad ako sa kanto at naghintay ng jeep. Merong dumaan pero punuan na at gabi na kasi. Naghintay pa ako ng ilang minuto at damang dama ko na talaga ang ulan sa paa ako. Basa narin ang braso ko at giniginaw na.
"Tagal." Wala pa namang masisilungan dito.
May dumaang jeep ulit at sardinas na sila kaya napagpasyahan ko na lang ang maglakad total basa narin naman ako. Alam kong may kalayuan pero keri lang basta maka-uwi na ako.
Ilang metro na rin ang nalakad ko nang may kotseng pumarada sa gilid ko. Bumukas ang bintana at nakita kong nakabusangot si Steven.
"What are you waiting for?" Sigaw niya. Malakas ang buhos ng ulan kaya hindi ko siya masyadong narinig.
"Ha?" Hindi ko siya maintindihan.
"Pasok!" Sigaw niya ulit at binuksan ang pinto sa side ko.
Basang basa ako pagpasok ng kotse niya samantalang siya ay ayos na ayos at mabango pa. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang mukha at braso ko.
"Thank you." Sabi ko habang nagpupunas parin.
"Whatever. Ituro mo na ang daan papuntang inyo."
Medyo nahirapan pa siya dahil sa traffic at konting baha papunta sa amin. Tahimik lang ako sa tabi niya at siya naman ay panay ang nguso at tapik sa kanyang manibela, naiirita sa traffic.
"Dito na lang." Hininto niya sa kanto ang kanyang kotse at mabuti na lang hindi bumabaha sa amin.
"Salamat." Ngumiti ako at hinanda na ang payong.
"Is that your house?" Turo niya sa isang boarding house.
"Ha? Hindi nasa loob pa ang bahay namin, boarding house yan ni Aling Lolit." Sagot ko habang nakatingin na sa kanya.
"Hatid na lang kita doon. It's still raining." Aba! Bumait ah.
"Hindi na tsaka baka mahirapan ka dahil medyo makitid ang daan, gabi na rin baka hinahanap kana sa inyo."
"Okay." Hindi man lang ako pinilit? Hmp.
"Sige, salamat ulit." Nginitian ko siya bago lumabas ng sasakyan.