"Will you please stop looking at him? You're too obvious kaya!" Kanina pa ako pinapagalitan nina Joana at Leah dahil titig na titig ako kay Steven. Siya lang naman ang nag-iisang lalaki sa puso ko simula nang tumungtong ako ng college. Nung una ko siyang nakita napanganga talaga ako dahil sobrang nagwapuhan ako sa kanya.
"Shhh!" Saway nang nasa tabing table namin. Nasa library kami ngayon at nag rereview dahil may long quiz kami mamaya kay Sir Dan.
"Pag talaga ikaw na zero sa long quiz bahala kana sa buhay mo." Pagalit na bulong ni Leah.
Nakakainis naman kasi ang Filipino literature na to. Ang daming sasauluhing pangalan ng mga tao at nabubulol pa ako sa mga pangalan nila.
"Oo na!" Pasimple kong tinaas ang notes na nakangisi. Ang totoo kasi kay Steven parin ako nakatingin.
Sinong hindi magkakagusto eh ang tangos ng ilong, mapula ang labi at higit sa lahat kutis mayaman, yung wala kang makitang pores. Inaamin ko naman na marupok ako sa mga pogi. Hihihi.
"Aray!" Napalakas ang boses ko dahil binatukan ako ni Joana.
"Shhhh!" Lahat ng tao napalingon sa amin at nanlaki ang mata ko nang pati ang grupo ni Steven ay napatingin rin sa akin. Nakakahiya!
Agad akong nagligpit ng gamit at dali-daling lumabas ng library kasama ang dalawa kong mabait na kaibigan.
"Kita niyo na ang ginawa niyo? Sa wakas napansin rin niya ako kaso di ko kaya ang mapanindig balahibo niyang tingin. Wahh! Pag nandyan siya batukan mo ako ulit ha?" Sabi ko kay Joana nang makababa na kami sa library. Kulang na lang ay magtatalon ako sa saya.
Kinurot ni Leah ang tagiliran ko kaya napa layo ako sa kanya. Akmang hahampasin naman ako ni Joana ng libro kaso napigilan ko. Mapanakit talaga itong mga kaibigan ko!
"Oo na. Joke lang. Hehehe." Nagpacute ako sa kanila at mukhang mas nagalit pa sila.
"Pag talaga ako hindi maka sagot mamaya sa quiz ipapa-salvage kitang maharot ka!" Angil ni Joana at naglakad papuntang canteen. Malapit na rin namang maglunch kaya sakto lang ang labas namin ng library.
"Pwede ba Alyana Jade Silva ilang beses na kitang sinabihan na wag kang mag invest ng feelings sa badboy na yun." Sabi ni Leah nang maka-upo na kami dala yung tray ng pagkain.
Well, Steven Saavedra is known for being a badboy. Lahat ng tao ayaw makasalamuha ang isang katulad niya dahil natatakot sa kanya. Sinong hindi matatakot eh sa tingin pa lang matutunaw kana pero di ko alam kung bakit mas nagustuhan ko pa siya.
Meron siyang kambal kaso hindi sila ganun kapareha ang mukha. Mabuti na ang ganun at baka dalawa pa sila ang magustuhan ko. Ayaw ko namang mag two time no.
Bilang din ang mga taong kinakausap niya sa campus at palagi niyang kasama ang dalawa niyang kaibigan at ka teammate na sina Brent at Newt.
Takot ang karamihan sa kanila dahil may usap-usapan na palagi silang may inaaway sa labas ng school. Nakita ko na rin silang nagyoyosi sa labas ng campus pero never ko pa silang nakitang nakipag suntokan.
"Last night nakipagbugbugan daw sila sa bar. Kita mo ang pasa sa mukha ni Newt? Meron ding band aid yung noo ni Brent." Kwento ni Leah. Ito talagang mga kaibigan ko hobby na nilang siraan si Steven sa akin pero hindi talaga ako nadadala. Loyal po ako.
"Kahit ganun si Steven matalino pa rin siya at kita mo nasa library sila at nag-aaral. " Pagtatanggol ko. Matalino naman talaga si Steven at palaging nasa deans list ang pangalan niya kaya nga lalo pa akong humanga sa kanya.
"Bahala kana nga diyan." Napangiti ako dahil alam kong hindi nila ako mapipigilan.
Mula first year hanggang ngayong third year ay crush ko pa rin siya. Hindi lang crush at like, love na ata! Inadd ko siya sa f*******: pero hanggang ngayon hindi niya ako inaccept at hindi naman ako sure kung active pa siya dun eh.
Hindi ko pinapakita sa kanya na crush ko siya at baka ma turn off agad sa akin, maudlot pa ang love story naming dalawa kaya patago ko lang siyang hinahangaan.
"Tayo na at baka ma late tayo." Malapit na kasing mag ala-una at may activity pa kami sabi ni Miss Tin nung last meeting namin.
"Eh hindi naman major yung Homeroom and Guidance eh tsaka kahit tulugan mo si Ms. Tin hindi yun magagalit." Sabi ni Joana.
"Ah bahala na. Tara na!" Hinatak ko silang dalawa papasok ng room namin.
"See? Wala pa si Miss." Sabi ni Joana.
Hindi ko na siya pinansin at naupo na lang sa tabi ni Leah. Ilang minuto ang lumipas at dumating si Ms. Tin may malaking ngiti.
"Good afternoon." Bati niya nang makatayo siya sa harap namin.
"Good afternoon, Miss." Bati rin namin.
"So yesterday napag-aralan natin ang kaibahan between sa mga babae at lalaki ngayon meron akong project sa inyo." Karamihan sa amin ang nag reklamo. Sawang sawa na kami sa mga projects na yan.
"Ayaw niyo? Masaya pa naman sana to." Nakangusong tanong ni Miss Tin.
"Ano po ba yun, Miss?" Tanong ni Adi.
"Makikipag date kayo." Masaya niyang anunsyo habang pumapalakpak at lahat ng kaklase ko naghiyawan sa tuwa.
Nasapo ko ang noo ko. Date? Ano ba naman tong si Miss Tin.
"Quiet! Excited kayong masyado eh no? Sorry to disappoint you guys pero ako ang pipili na makaka-date niyo."
Natahimik ang klase at mukhang disappointed ang lahat sa inanunsyo ni Miss Tin.
"Yung makaka-date niyo ay nasa ibang department and to prove to me na nakipag date talaga kayo sa magiging partner niyo ay dapat mag lagay kayo ng pictures kahit sa dalawang long bond paper lang at ilagay niyo yung mga nangyari sa date niyo." Maligayang paliwanag niya.
Ano ba naman to? Ang laking problema sakin nito. Napatingin ako sa dalawang kaibigan ko at si Leah ay naka busangot kagaya ko at si Joana naman ay parang nakakita ng aghel sa balita ni Miss Tin.
"After this pwede niyong makita yung list sa office. Dapat naka tatlong date kayo, maliwanag ba?" Tumango na lang kami dahil wala naman kaming magagawa.
"Sana naman normal yung maka partner ko." Usal ni Leah.
"Sana si crush yung sa akin." Sabi ni Joana na todo ang ngiti.
"Tseh." Sabay pa kami ni Leah.
Matapos ang Home and Guidance ay sumunod ang Filipino Literature kaya hindi pa kami nakapunta sa office para makita ang partner namin sa date.
"Tanginang long quiz eh parang exam nayun." Sabi ni Leah nang makalabas kami ng room.
"Oo nga! Bwesit na teacher yun." Mahinang usal ni Joana.
Naglalakad kami ngayon papuntang office para makita na yung partner namin. Yung kaba ko kanina nung pasimula pa lang ang quiz ay nanumbalik na naman.
Panu pagmabaho yung kilikili ng ka-date ko o di kaya weirdo. Nako naman, wag naman sana!
Pagdating namin ay maraming tao ang naghahanap ng kanilang pangalan sa bulletin board. Ang iba nagtitilian, ang iba naman parang nabagsakan ng langit sa lungkot ng mukha.
"Owemge! Excited na ako." Sabi ni Joana at nakipag siksikan pa talaga kami para lang makita ang pangalan ng makakasama sa date.
"Ay, sino si Klent?" Tanong ni Joana habang kagat-kagat ang labi.
"My gosh! Engineering yung sa akin. Von ang pangalan." Sabi naman ni Leah.
"Criminology naman itong si Klent." Sabi ni Joana.
Hindi ko na sila pinansin at tahimik na hinanap ang pangalan ko.
Silva.....
Ayun!
Alyana Jade Silva (BEED) - Steven Ryle Saavedra (BSMT)
FOR REAL?