CMB 44

1530 Words

Tahimik kaming apat na lumabas ng opisina hanggang sa magsalita si Jason. " I'm so proud of you, sister! " Sabi nito sabay tapik sa braso kong may sugat. Binatukan ko siya dahil mahapdi pa ang mga kalmot ni Melissa. " Tumigil kayong dalawa. " Suway ni Daddy ng guluhin ako ni Jason. " Sorry po Dad. " Sabi ko. " You have your guards, Jade. " Sabi nito na parang hindi makapaniwalang hinayaan akong makipagsabunutan ng mga bodyguards ko. Halatang dismayado rin ito. " Pinigilan ko silang lumapit. " Umiling ito at masama namang tumingin sa akin si Steven. " Sa bahay na tayo mag-usap, nak. Kailangan ko pang pumunta ng Bulacan. Hindi na sana maulit to. " Tumango ako at hinatid namin siya sa parking lot. " Sorry hijo kong naabala kita. Hindi ka tuloy nakapag duty. " Sabi ni Daddy kay Steven.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD