" You like it? " Tumango si Kyle at niyakap ang malaking stuff toy na binili ko pa kahapon. Umuwi muna ako dito sa kanila Mama Michelle para mawala ang stress ko. Kakatapos lang kasi ng midterm exam at kailangan ko ng maraming tulog. Bumawi talaga ako dahil hindi ako satisfied sa prelim grades ko. Kakauwi lang nila ni Kyle kahapon mula hospital at patuloy parin ang chemo niya. Bumalik na ang sigla nito at nangungulit ng lumabas para maglaro. " Nak, kain kana. Bigyan mo narin ng pagkain ang mga nagbabantay sa'yo. " Hindi parin kasi nakikita si Santiago kaya hanggang ngayon ay pinapalibutan parin ako ng bodyguards. " Mukhang magaling mag tago ang taong iyon, Jade. " Sabi ni Mama habang sinusubuan si Kyle. " His goal is to avenge his father kaya hindi magpapahuli yun Ma. " Natatakot ak

