Part 4

1120 Words
Scarlet's POV Isang linggo na mag mula nung nilipat kami sa special section and that room is so damn annoying tsk! Ano pa ba ang kailangan kong asahan? mga gangster pala ang kasama ko pero matatalino naman. Psh enough 'bout that. kinutuban talaga ako bakit sila nandito. ano ba ang university na 'to? school ng mga gangster? And if i know hindi normal na mga gangster ang mga taong yun tsk! Ano ba naman 'tong napasok namin? Mas lalo dapat akong mag ingat. I'm so thankful nalang na hindi nila nakikita ang mukha ko everytime na pumupunta ako doon. "Scar!" napahinto naman ako sa paglalakad ng may tumawag saakin. "What?" walang gana kong tanong sa kanya. I know na classmate namin to yung isa ata sa black plague. ano nga bang pangalan nito? : ah bahala na hindi naman ako interesado sa kanya tsk. "Hindi mo ba ako kilala?" napataas naman ang kilay ko sa tanong niya at napakunot narin ang noo -.- ano kaya pinagsasasabi nito? "Uhm as far as i remember i just met you last week" walang ganang sabi ko. pero kung tignan mo siya matangkad, maputi, matangos ang ilong, ang ganda rin ng mata nitong kulay brown, makulit din ang isang to atsaka uhm hot din naman at gwapo pero diko type -.- ako talaga yung tipo ng babae na hindi madaling magkagusto sa isang lalaki. "ah-eh nevermind nalang hehe" sabi nito sabay napakamot sa ulo. Ano bang problema ng isang to? -.- "Uhm sge i have to go ah...." ano nga ba pangalan nito? "Sheol" sabi habang naka ngisi. seriously gangster ba ang isang to? ang kulit at napakasiyahain naman nitong gangster :3 "oh that's it Sheol , sge una nako" tumango lang ito bilang sagot. pagpasok ko ng cafeteria ay agad na akong order ng ice choco atsaka iba ko pang itetake for lunch. Habang nag lalakad patungo sa lamesa namin nila eme bigla naman akong may nabanggang isang pader kaya ayun natapon ang mga dala kong pagkain 'oh my lagot siya' 'patay talaga siya kay king' 'waaahh lintik na babae nadumihan tuloy mukha ni king' napaangat naman ako ng tingin sa lalaking nakabangga ko at ganun nalang ang paglaki ng mata ko ng makita kung sino siya 0.0 Matangkad, maputi, ang gaganda rin ng blue eyes nito pero deadly, matangos ang ilong, pink lips mukhang mas pink pa nga ang lips nito saakin eh, ang hot din niya at ohh ang gwapo pero d parin ako maattract sa kanya. Eh sa ang sungit atsaka ang lamig lamig niya super. natigilan naman ako ng makita ang nanlilisik nitong mga mata kung nasa tv lang to iisipin ko talagang umuusok na ang ilong at tainga nito sa galit. Eh sino ba namang di magagalit kung matapunan ka ng ice choco sa mukha at mapaliguan ng sarisaring pagkain. "What the fvck! hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo!?" galit na sigaw niya saakin. Teka nga bakit ba parang ako pa ang may kasalanan? wala naman akong ginawa ah atsaka pagcheck ko naman sa daraanan ko kanina wala naman tao ah. Kaya wag ako masisi sisi ng lalaking 'to. "For your information ikaw ang bigla bigla nalang sumusulpot sa dinaraanan ko kaya wag kang umaktong walang kasalanan" ganting sigaw ko rin sa kanya "No one dares to talk to me like that" tumindig naman ang mga balahibo ko kulang nalang pati buhok ko dahil sa lamig niya pero hindi... hindi ako papatalo He don't know me! "Well i think that was just before and oh I'm sorry kung natapon sayo ang pagkain ko. It was not my fault kung may pader na haharang harang sa daan. Trabaho na ng janitor ang linisan yan baka pati ikaw gusto ko rin magpalinis nalang sa janitor?" yan lang ang sinabi ko sa kanya. Talagang naiinis narin ako kala mo kung sinong hari argh! aalis na sana ako ng bigla niya akong hilain "You will pay for this" cold parin nitong sabi. at anong akala niya matatakot ako sa kanya? tsk no way si Scarlet Shevik ata 'to, i mean the fearless one *wink* nagsmirk naman ako saka umayos ng tayo at hinarap siya "Okay, no worries my dearest King" sabi ko saka siya kinindatan 'grabe diko aakalaing ganyan pala talaga katapang si scarlet iba talaga siya sa ibang nerds' 'siya lang ang nakakasagot ng ganyan kay king' 'ang taas din ng confident ng babaeng yan' sa huling pagkakataon hinarap ko si Wall Man. Eh sa totoo naman parang pader -.- nakita ko naman ang nanggagalaiti sa galit nitong itsura at saka ako tinapunan ng pagkasamasamang tingin binelatan ko lang ito saka kumaripas ng takbo. tsk kala siguro niya matatakot niya ako. di porket siya na ang king ng university nato sasagarin na niya, no one can rule this academy just the owner but sadly his not the owner kaya wag siyang feeling. "Oh girl anong ngiti yan?" salubong sakin ni rave. wala nga pala sila sa cafeteria kanina walang tao sa table namin eh :3 "uhm ngiting tagumpay?" patanong kong sabi saka ngumiti ng pagkatamistamis "Aha sino naman nakaharap ko?" tanong ni eme saakin ng may mapaglarong ngiti "Hades" tipid kong sabi "WHAT!?" sabay nilang sigaw. Inirapan ko naman sila saka sinenyasan na maupo saka ko naman kinwento sa kanila ang nangyari. "Girl sayang face ni fafa hades dinungisan mo" malanding sabi ni emerald. Tsk 'tong babaeng to talaga lahat naman para sa kanga gwapo at hot kahit na totoo man wala parin akong pake basta ayaw ko sa wall man nayun 'sino bang may sabing gusto mo siya?" boses sa utak ko tsk shut up you stupid mind. "tigilan mo nga kalandian mo dapat lang yun sa kanya kala mo naman kung sino" sabi ko kay eme saka siya inirapan nagulat naman kami ng biglang bumukas ng pagkalakaslakas ang pinto ng room. May balak bang sirain ng nagbukas ang pinto!? Napalingon naman ako sa nag bukas na sana diko nalang ginawa "uh-oh" yan nalang ang nasabi ko ng makita ang masamanh tingin ni hades saakin habang papunta sa table nila, para bang im-going-to-kill-you look, psh "patay tayo jan" narinig kong sabi ni rave "walang tayo" sabat ni eme kaya binatukan siya ni rave. patay nga kung kanina ang taas ng confident kong sagut sagutin siya ngayon naman para na akong pinutulan ng dila sa sama ng aura niya at ramdam ko ang dilim ng aura niya. Oh no ano ba 'tong pinasukan kong gulo!? What have i done!?! malaking gulo 'to, panigurado. Napasalpak nalang ako sa table namin at hindi na sila tinignan. Lutang talaga 'tong utak ko sa gulong pinasok ko ni hindi na nga ako nakikinig sa mga prof. hay nako. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD