"Teka, anong ginagawa mo rito?" usisa ni Gwen sa binatang nasa harapan niya ngayon na si Miguel. "Hindi ko inakalang may ganito palang silid rito sa loob. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito." Namamanghang turan ng binata sa kaniya. Humakbang naman palapit si Gwen sa kaniya at siyaka niya ito tinataboy palabas ng silid na iyon. "Hindi ka puwede rito kaya umalis ka na at baka madatnan ka pa ni Rona dito." Aniya at pilit siyang tinutulak sa kaniyang balikat nang bigla siyang hawakan nito sa pulsuhan niya at gulat na gulat na nakatitig sa cctv monitor. "Saglit lang, parang pamilyar sa akin ang lalaking iyan. Saan ko nga ba siya ulit nakita?" saglit namang natigilan ang dalaga sa sinabi nito at nilingunan ang tinutukoy niya sa monitor. Napagtanto niya na si Adante pala ang binabanggit n

