Halos napatayo na lamang ako sa sobrang gulat nang mapagtanto ko na wala ng pulso si Hera. "Hera! Hera, gumising ka!" ang paulit-ulit na pagtawag sa kaniya ni Bon, habang niyuyugyog ang kabila niyang balikat. Napamaang na lamang ako sa kaniya at parang batong nanigas. Tila ba ay wala akong naririnig sa aming paligid at tangging sa kaniya lang din nakatuon ang aking atensyon. Tulala ako at hindi alam ang aking gagawin. Patay na ba siya? ang tanong na bigla na lang sumagi sa aking isipan. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay, pagkatapos kong mahawakan ang kaniyang pulsuhan at wala akong madamang pagtibok ng puso niya. Natauhan na lamang ako nang marinig ko ang hudyat ng pagdating ng mga ambulansya at rescuer. Napalingon ako sa kanila at tipong lalapitan ko na sana sila ay bigla

