Chapter Five: News
_______________________________________
NAGPAKAWALA ako nang malalim na buntong hininga habang inaayos ko ang mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa ko. Magtatanghali na at hindi pa ako nangangalahati sa ginagawa ko. It's been two days since we left Manila and came back here in Estancia. Natapos ko naring asikasuhin ang mga dokumentong kinakailangan ko at naghihintay nalang ako sa araw nang pag-alis ko.
"Scarlet, tawag ka ni Boss."
Napaangat naman ako ng tingin nang tinawag ako ni Mae, isa sa mga katrabaho ko dito. Ano naman kaya ang kailangan sa akin ni Boss?
"Bakit daw, Mae??"
"Ewan ko. 'Yon lang naman ang sinabi niya sa akin kanina. Puntahan mo nalang sa opisina niya," she said.
Tumayo naman ako at iniwan ang dokumentong pinagkakaabalahan ko at agad na nagtungo sa opisina ni Boss. Nang makarating ako sa harap ng pintuan ng opisina niya ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago kumatok ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Nakita ko naman siyang prenteng-prenteng nakaupo sa swivel chair niya.
"Magandang umaga po, Sir," bati ko. "Pinapatawag niyo raw po ako?"
Tuluyan na akong pumasok sa loob nang umayos nang upo si Sir Mike at bahagyang tumikhim. Umupo naman ako sa upuang nasa harap ng table niya.
"Uh, oo dahil mayroon akong importanteng kailangang sabihin sa 'yo," seryosong saad niya. Bigla naman akong kinabahan sa narinig.
"Tungkol po ba saan ang sasabihin niyo sa akin, Sir?"
"It's about Sanitachi Corporation, Scarlet," agad na sagot niya. "Tumawag sila kanina lang sa akin at pinapasabing hindi na raw matutuloy ang pag-alis mo sa Friday."
"Po?" hindi makapaniwalang ani ko. "Paano po nangyari 'yon? Bakit hindi na po matutuloy ang pag-alis ko?"
Pakiramdam ko nanghina ang buong katawan ko nang dahil sa balitang natanggap. Gusto kong umiyak. Pangarap ko pa namang makapagtrabaho sa ibang bansa pero bakit ganito ang nangyari?
"Hindi ko rin alam, Scarlet. Babayaran nalang daw nila ang lahat ng ginastos mo tutal daw ay hindi ka pa naman nakakapirma ng kontrata. I'm really sorry."
"It's okay, Sir. Maraming salamat po," I said with a heavy heart.
Nanghihinang tumayo naman ako at lumabas ng opisina ni Boss.
Bakit ganoon? Ano'ng nangyari? Akala ko ba okay na ang lahat.
Gusto kong maglumpasay sa sobrang inis. Hindi ko talaga maintindihan. Ilang araw nalang ang hihintayin ko, aalis na ako.
Hindi kaya....No!
Ipinilig ko naman ang ulo ko sa ideyang pumapasok sa isipan ko. Hindi magagawa sa akin ni Mavien 'yon. He said he was okay with it kaya malabong may kinalaman siya rito.
"Bakit mukhang binagsakan ka yata ng langit at lupa riyan, may nangyari ba?"
Napalingon naman ako sa gawi ni Mae nang marinig ang itinanong niya nang makarating ako sa loob ng opisina namin. Malungkot na ngumiti ako sa kanya.
"Hindi na raw ako matutuloy sabi ni Boss, Mae," malungkot na pahayag ko.
Nalaglag naman ang panga niya nang dahil sa narinig. Pinaghirapan ko pa namang makapasok sa kompanyang 'yon dahil bibihira lang ang nakakapag-trabaho doon.
"What?!" impit na bulalas niya. "Ilang araw nalang at aalis ka na, uh."
Nanghihinang napaupo nalang ako sa upuan ko.
"Hindi ko rin alam, Mae. Paano na 'to? Gusto ko talagang magtrabaho doon," nagmamaktol na tanong ko.
"Ikaw lang ba ang hindi matutuloy? How about Sheila and Megan?" she asked that caught my attention.
Nabaling naman agad ang tingin ko kay Mae. Tama! Bakit ko ba nakalimutang tanungin si Sir tungkol doon? Kung hindi ako matutuloy dapat sila rin. Tatlo kaming IT specialist ang nakapasok sa Sanitachi Corporation at nabigyan ng pribiliheyong makapagtrabaho doon pero sa kasamaang palad, nawala pa sa akin 'yon.
"Hindi ko alam, eh. Sa sobrang pagdaramdam ko sa balitang narinig, hindi ko na nagawang tanungin si Sir kanina. Hindi ba sila pinatawag ni Sir?"
Umiling naman sa akin si Mae at agad na binalingan ang trabaho nito. Kung matutuloy ang pag-alis nina Sheila at Megan sa Japan ngayong linggo, ang unfair naman yata kung ganoon. Bakit ako lang ang hindi?
"Ay, palaka!" impit na tili ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Gosh, nagiging nerbyosa na yata ako. Walang ganang sinagot ko naman agad ang tawag.
"Hello, Mavien?"
"Bogs, sabay tayong maglunch ngayong araw," he said excitedly.
"Hindi ako makakasabay sa 'yong maglunch ngayong araw, Mavien, dahil marami akong dokumentong kailangang tapusin," I answered directly.
"Pero---"
"Sige, bye!" putol ko sa sasabihin niya at agad na ibinaba ang tawag.
Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga. Paano na ang pangarap ko? Kasi naman, eh!
Ginawa ko nalang busy ang sarili ko sa trabaho upang makalimutan ang sinapit kong kamalasan ngayong araw. Binalingan ko naman ng tingin ang orasan na nasa gilid ng table ko. It's already one o' clock in the afternoon and I can feel my stomach aching. I want something to eat. Kinakain na yata ng mga bulate ang small intestine sa tiyan ko dahil walang laman. Ngunit hindi pa tapos 'tong mga paperworks na pinapagawa sa akin ni Boss.
"Scarlet, hindi ka pa nag-lu-lunch, uh. Iwan mo muna 'yan at kumain ka na," biglang sabi ni Mae.
Umiling naman ako at agad na binalingan ang trabaho.
"Hindi na, Mae. Okay lang ako. Tatapusin ko muna 'to," nakangiting sagot ko kahit na nagngingitngit parin ang kalooban ko hanggang ngayon dahil sa nangyari.
Naagaw naman ang pansin naming lahat nang biglang bumukas ang pinto ng department namin at bumungad sa amin si Sir Mike na may kasamang lalaki. Nalaglag ang panga ko nang makilala kung sino ang kasama niya.
"This is the department where Ms. Crawford is working, Mr. Montenegro," magalang na pahayag ni Sir Mike kay Mavien.
Ano'ng ginagawa niya rito?
Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko at naglaglagan din ang mga panga nila habang nakatingin kay Mavien na kasalukuyang kinakausap ng Boss namin.
"You can leave me here now, Mr. De Castro. Thank you for your accommodation," magalang at maawtoridad na sambit ni Mavien dito.
Tumango naman si Sir Mike at nakangiting bumaling sa akin bago tuluyang lumabas ng department namin.
What can I expect from a Montenegro?
They're powerful and always get what they want.
"Good morning, Sir," sabay na bati naman ng mga kasamahan ko dito sa loob ng opisina. 'Yong iba nga ay halatang nagpapagandahan pa para lang mapansin ng isang Mavien Montenegro. Ngumiti lang si Mavien sa kanila bilang ganti habang naglalakad ito patungo sa kinaroroonan ko.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" inis na tanong ko gamit ang mahinang boses nang makarating siya sa kinaroroonan ko.
"I told you we're going to have lunch together," seryosong saad niya dahilan upang mapairap ako.
Damn! Kulit din talaga ng isang 'to.
"May trabaho pa ako, Mavien. Ikaw nalang ang mag-isang kumain do'n," I said irritatingly.
"Hiniram na kita sa Boss mo para sa buong maghapon at pumayag naman siya," he stated.
Parang napakasimpleng bagay lang 'yon sa kanya habang sinasabi sa akin 'yon.
"Sumama ka na, Scar. Ako nalang ang tatapos sa trabaho mo," singit naman bigla ni Mae.
"'Ayan naman pala!" he exclaimed. "Samahan mo na ako. Kanina pa ako nagugutom, eh."
Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
"Hindi pwede, Mavien! Kailangan ko pang tapu---"
"Should I need to drag you out just for you to come with me today?" putol niya sa sasabihin ko.
Pakiramdam ko nanindig ang balahibo ko sa tono ng boses na ginamit niya. Nakipagtagisan naman ako ng tingin sa kanya at hinintay kong susuko siya pero hindi nangyari dahil sa huli ako parin ang unang nag-iwas ng tingin. Inis na hinablot ko naman ang bag ko at tumayo.
"Bilisan mo riyan!" inis na singhal ko sa kanya at naunang naglakad.
Arghhh!!! Nakakainis talaga siya!
He would never stop until he couldn't get what he wants.
*****************
"BOGS, excited na ako dahil ngayong araw na ang uwi ni Samantha. Bukas na ako mag-pro-propose sa kanya ng kasal. Dapat huwag kang mawawala sa araw na 'yon, uh," he said while the smile on his face keep on plastering.
Kanina pa daldal ng daldal si Mavien habang kumakain kami sa isang chinese restaurant na pinuntahan namin.
"Magsalita ka naman diyan, Bogs. Kanina ka pa hindi umiimik diyan, uh," puna niya.
Hindi ko naman siya pinansin at ibinaling ko ang atensyon ko sa pagkain.
What does he really expect me to say?
Na sasabihin kong.....I'm happy for you, Mavien. Okay na okay 'yang plano mo. Atlast, magpapakasal din kayo ng childhood sweetheart mo. Like duh!! Ayokong makipag-plastikan sa kanya ngayon lalo na't nasira ang plano ko. Because I know deep inside, I'm not happy for him. I'm not happy for them because I'm hurting. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung malalaman mo na ang tanging lalaking minahal mo ay magpapakasal na sa girlfriend nito at samahan pang makakatanggap ka ng balitang hindi na matutupad ang pangarap mo.
"Bogs, ano ba?!" he asked annoyingly. "Magsalita ka naman..."
"Will you please shut up, Mavien?!" I hissed in irritation. "Kita mong kumakain ako..."
Ewan ko, kumukulo talaga ang dugo ko ngayon. Dahil na rin siguro sa balitang natanggap ko at sa mga pinagsasabi niyang hindi ko gustong marinig.
"Bakit ba ang sungit-sungit mo?!" inis na tanong din niya.
"You're really asking me that? Okay fine!" iritadong saad ko. "Wala ako sa mood ngayon dahil hindi na ako matutuloy sa Japan kaya badtrip ako."
At mas lalong nadagdagan ang pagka-badtrip ko kasi dinala mo lang ako dito para pag-usapan ang pesteng proposal mo na 'yan sa girlfriend mo!
Umusbong ang galit sa dibdib ko nang wala manlang siyang naging reaksyon sa sinabi ko. Naghintay ako na magugulat siya sa sasabihin ko ngunit hindi nangyari. As if na inaasahan na talaga niya ang bagay na 'yon. Ipinilig ko nalang ang ulo ko sa ideyang pumapasok na naman sa isipan ko.
No! Alam kong walang kinalaman si Mavien dito. He is my bestfriend, I know he wouldn't do such thing.
"You know what, Mavien, if you just want me to congratulate you for that, then congrats dahil malapit ka nang ikasal."
Inis na hinablot ko naman ang bag ko at aalis na sana ako nang bigla niyang pinigilan ang kamay ko. Mariing ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang braso niyang unti-unting pumulupot sa bewang ko. How I wish na sana ganito nalang palagi...Na sana kami nalang...Na sana ako nalang...
"I'm sorry," he uttered sincerely. "Akala ko kasi matutuwa ka para sa akin because you are my bestfriend, you are my Bogs. Akala ko kasi kapag makita mong masaya ako sasaya ka rin para sa akin. I'm really sorry, Bogs."
Pinigilan ko ang sarili kong mapaluha nang dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko namang isinubsob niya ang mukha niya sa balikat ko.
'Yon na nga ang masakit, eh!
Bestfriend ako! Hanggang bestfriend lang ako!
Gusto ko namang maging masaya para sa kanya pero hindi ko kaya dahil nasasaktan ako, sobrang nasasaktan ako.
"Mavien," I uttered his name softly.
"I'm sorry, Bogs. Please huwag ka nang magalit. Hindi ako sanay na nagagalit ka sa akin. Huwag na tayong mag-away. I'm sorry," he said begging.
Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Oo na!" I said in defeat. "Naiinis lang kasi ako ngayon kasi nga hindi na matutuloy ang pag-alis ko. You know how much I wanted to go pero wala na. Nawala nalang nang parang bula ang mga pangarap ko. Paano na ko ngayon?" I asked bitterly.
Humigpit naman ang pagkakayakap nito sa akin.
"I'm sorry," he uttered. I flinched at what he said.
"Bakit ka nagso-sorry? 'Di mo naman kasalanan 'yon," I said to him.
Please tell me you didn't do anything, Mavien. Please don't let me hear anything that you did it.
"Basta sorry," he said.
Nangunot naman ang noo ko nang dahil doon. Kinurot ko agad ang braso niya. I heard him sigh.
"I'm saying sorry cause I feel bad for what happened to you samantalang ako nagpapakasaya para sa nalalapit na kasal ko," he explained.
Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. I knew Mavien woudn't do such thing. I trust him.
"Huwag kang mag-alala. Naiintindihan ko naman. Sorry din kasi nasungitan kita ngayong araw," I apologized sincerely.
"Okay lang sanay na naman ako," he said teasing.
Hinampas ko naman ang braso niya.
Loko talaga 'to!
Napakalas naman ako sa pagkakayakap niya sa akin nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kaagad na kinuha ko naman ito sa loob ng bag ko at nagtaka ako nang makita kung sino ang tumatawag.
"Hello, Tita Belle," magalang na bati ko.
"Magkasama ba kayo ngayon ni Mavien, hija?" bungad nito.
Sandaling sinulyapan ko si Mavien na nakakunot na ngayon ang noo.
"Opo," agad na sagot ko.
"Pwede bang ikaw nalang ang magsabi nito sa kanya."
"Ano po ba 'yon, Tita?" tanong ko.
Sinabi naman ni Tita Belle sa akin ang mga dapat niyang sabihin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman at halos hindi ako makapagsalita sa mga naririnig ko sa kanya.
Nanghihinang pinatay ko ang cellphone matapos ang pag-uusap namin ni Tita Belle. Binalingan ko naman agad si Mavien na bumabakas ang pagkalito sa kaniyang mukha.
"Ano'ng sinabi ni Mama? May nangyari ba?" kinakabahang tanong niya.
Nanghihinang napaupo ako sa upuan ko kanina at nagpakawala nang malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"Bumagsak ang sinasakyang eroplano ni Samantha pauwi dito sa Pilipinas, Mavien."
-
♡lhorxie