Tulog na sila mama ng dumating ako sa bahay kaya dumiretso na ako sa aking kwarto. Nilapag ko ang aking dalang bag at nahiga sa aking kama. hayyy! It’s been a long and tiring day.. bigla naman pumasok sa isip ko ang bruhang si kamila. “that b***h! Humanda siya sa akin. Hindi ako papayag na hindi makaganti sa kanya.” I said and my phone ring..i grab my bag and get my phone. Sam calling.. “Hey sam..” sagot ko. “How’s the fashion show? Nakauwi ka na ba?” sam asked. “Yeah kakarating ko lang. Medyo irita lang ako sa event kanina..that b***h kamila is also there..and guess what? She tried to sabotage me by taking away my gown. Gumamit pa talaga siya ng ibang tao para ipahiya ako..my god! Lintik lang ang walang ganti.” “What?! That woman is really insane.. So, wala kang naisuot?” i sighed! “Ofcourse meron. Buti na lang at may dalang extra si Dino sa sasakyan niya kung hindi mapapahiya talaga ako.” Dinig ko namang huminga ng malalim sa kabilang linya si sam. “That’s good to hear..hayaan mo na at makakarma rin yang bruha na yan.” Sambit ni sam. “By the way..birthday ni Mark sa susunod na araw huwag kang mawawala huh? Magtatampo kami sayo.” she said. “Ofcourse! Don’t woory i’ll be there.. O sige usap na lang tayo ulit gusto ko na kasi maligo at magpahinga.. you know!” sam chuckled..”Yeah..yeah! sure.. bye..” at naputol na ang linya at tumayo na ako at tinungo ang banyo para maligo at nang makapagpahinga na. Lumipas ang dalawang araw at Kaarawan na ni mark ngayong araw kaya pina-cancel muna ni Dana ang kanyang ibang lakad para makapag-prepare sa Celebration. Bumaba ako sa living room ng maabutan ko si papa at kuya na nakaupo sa couch. “Hey kuya.. ” sambit ko while pababa sa hagdan at napatingin naman sila sa akin. “oh wala ka bang trabaho ngayon?” Kuya asked. “Wala kuya. I cancelled my schedules today because it's mark's birthday. ” i answered habang papaupo sa tabi ni papa. “Masyado namang special si mark at talagang nagpa-cancel ka pa ng lakad mo.” Biro ni kuya. “Mark is my friend.. natural lang na special siya akin. Isa pa magtatampo sa akin si Sam pag di ako pumunta. ” I answered. “Hindi ba't nobyo ni samantha si mark? ” dad asked. “Yes dad. ” sagot ko. “what about you anak? Wala pa rin ba nanliligaw sayo?” napalingon naman ako kay papa. “It’s not like that pa. Ayoko lang magka boyfriend. Sakit lang yan sa ulo. Naka focus ako sa career ko ngayon.So, I don't have time for that. ” and I saw kuya na pilyong nakangiti. “What? ” I asked him. “Why not makipagkilala ka sa anak ni Tito Antonio. He's here in the country. Right pa?” napataas naman ang kilay ko kay kuya. “Why are you bringing this up again kuya? I told you ayoko. ” napasandal ako sa couch sa inis. “Oh ayan ka na naman. Mainit na naman ang ulo mo. Osige na, hindi ka na namin pipilitin. Happy now? ” dad said. At tumango naman ako. Inirapan ko naman si kuya pero tinawanan niya lang ako. 6pm na at paalis na ako ng bahay. pagbaba ko sa living room ay inabutan ko si papa na nagbabasa ng magazine. “Where’s kuya pa?” Dad looked at me. “kakaalis niya lang anak. Dadaanan niya pa si maurielle sa bahay ng daddy niya. Aalis ka na ba?” lumapit naman ako kay daddy at humalik. “Yes dad. Where’s mama?” ngumuso naman si papa at itinuro ang kitchen. “Nasa kitchen tinutulungan si jelly maghanda ng dinner” “Sige pa, puntahan ko lang si mama para makapagpaalam. ” tumango naman si papa at tinungo ko na ang kitchen. Pagpasok ko sa kitchen ay napatingin sa akin si jelly “Wow! Mam Dana... Ang ganda niyo po. ” ngitian ko naman siya at nilingon ako ni mama. “Naku anak. Nakapaganda mo naman sa suot mo.” At lumapit siya sa akin. Suot ko ang Emerald V-neck lace above the knee dress. “You’re so pretty anak. ” ulit ni mama habang hinahawakan ang mukha ko. “Thanks ma..syempre nagmana ata ako sayo.” and smiled at her. “Naku Mam Dana. Siguradong maraming Mapapatingin sa inyo ngayong gabi. Ang ganda-ganda niyo po. ” jelly praised. I looked at her “Masyado ka namang nagagandahan sa akin jelly. Baka mamaya niyan mainlove ka na rin sa akin. ” biro ko at tumawa naman si mama at si jelly. “I’ll have to go ma. Baka matraffic na naman ako sa daan.” paalam ko at humalik na kay mama. “Mag-iingat ka anak.” Bilin ni mama. “I will.. ” at lumabas na rin ako sa kitchen at dinaanan si papa sa living room. “Pa. Aalis na po ako. ” nilingon naman ako ni papa. “Ok. Take care anak” sumenyas naman ako ng OK kay papa at lumabas na ng bahay. Swerte naman at hindi masyadong traffic at narating ko din ang Hotel. Ang hotel na pagdadaraosan ng birthday ni mark is one of our Five star hotel here in Ortigas. Agad akong sumakay ng elevator papaunta sa 5th floor kung nasaan ang party dala ang aking gift. Paglabas ko sa Elevator ay sinalubong ako ng isang usheratte at binati. “Good evening ma’am. This way please.. ” bungad nito sa akin at sumunod ako papasok sa venue. Pagpasok ko ay sinalubong ako ng tingin ng mga bisita at ngumiti ang iba naman ay nagbubulungan. Nahagilap ko sa malayo si sam kasama si mark na may kausap. Lumapit naman ako sa kanila at napansin din ako agad ni sam. “Dana.. Finally you’re here..” humalik naman sa akin si Sam at nagbeso naman ako kay Mark at inabot ang aking regalo. “Happy birthday mark.” Bati ko. Inabot naman ni mark ang regalo ko at nakangiti. “Thanks Dan.. Akala ko ay hindi ka pupunta. I know busy ka sa career mo ngayon.” I smiled at him. “Ofcourse pupunta ako. Birthday mo kaya. I cancelled all my schedules today just to be here.” Napangiti naman si sam at mark. “Ohhhh. Nakakatouch naman. Thanks dan! You’re really a good friend. ” hindi naman namin napansin agad ang kanina ay kausap ni mark at sam na nakatingin lang sa amin. “Oh.. By the way..Dan, this is Alfred Montilibano. Tropa ko nong college. He just arrived from England.” Pagpapakilala naman ni mark dito. I looked at him and smile. “Alfred, this is Dana Marie Dela fuente. Our bestfriend. She’s a Model. And they owned this hotel. ” he introduces me to him. Ngumiti naman ito at inilahad ang kanyang kamay. “Nice meeting you Ms. Dela Fuente.” Inabot ko naman ang kamay niya for shakehands. “Just Dana. Masyado namang porma ang Ms. Dela fuente.” I said. Ngumiti naman ito. “Ok Dana.” sabi nito habang nakangiti. Hindi nito naalala ang binata nung unang nagkita sila sa boutique. She easily forgets people lalo na kung hindi niya rin kilala. Excuse us boys puntahan lang namin ang ibang friends.” Paalam ni sam at tumango naman si mark. Nilapitan naman namin ng ibang kakilala namin na nasa party at naiwan si Mark at Alfred sa kanilang pwesto. Nakasunod namang nakangiti ang binatang si alfred sa papalayong si Dana. “Titig na titig ka pare ah..” mark teased alfred. “She’s very lovely! Ang swerte naman ng boyfriend niya.” Alfred said. Tumawa naman si Mark sa sinabi nito. “Si Dana? She doesn’t have a boyfriend. She’s single and no one dares to court her. I mean. She’s Dana Dela Fuente, number 1 model in the country and the only Daughter of Dela Fuente Group of companies.” Mark said at mas lalong napangiti si Alfred sa nalaman nitong single pa si Dana. Mark look at him curiously while alfred is still smiling. Hinampas naman ni mark ang kaibigan. “Hey!.. Don’t tell me you like Dana? Ohhhh.. Please don’t! You’re getting engage to Maxine Sandoval.” Babala naman ni mark dito. Nilingon lang siya ni alfred at ininom ang hawak nitong baso ng wine. “Oh come on! I know you pare.. ” tinapik naman siya ni alfred. “Hey! Calm down. Wala naman akong sinasabi.”. Habang si samantha at Dana naman ay lumapit sa kanilang kaibigan na sina Ingrid and bella. They are Models too. “Hey Dan.. You look lovely tonight.” Ingrid said. Our friend.. “Thanks Grid.. By the way, kamusta na kayo ng boyfriend mo? Bakit hindi mo siya kasama?” I ask. Napanguso naman ito “We broke up last month.. Alam niyo naman yon babaero.” She said. “What about you Dan.. Kamusta naman ang mga manliligaw mo?” Bella ask. “Hay naku bell.. You know Dana, she never entertained boys.. May balak atang maglaon itong kaibigan natin.” Sam said at inirapan ko naman ito. “I just don’t want to be... To be... ” putol-putol kong sabi nang maalala ko ang first heartbreak ko sa First love ko na si Paolo. He is my childhood friend.. We studied in different school in collage..and I was secretly inlove with him. Wala akong kompyansa noon sa sarili ko kaya hindi ko nasabi sa kanya ang totoo hanggang sa dumating ang time na handa na akong magtapat ng nararamdaman ko sa kanya. I went to his condo. I know his door password kaya dumiretso lang ako ng pasok. When I open the door, I saw him with someone else and kissing and half naked. I felt too much pain and After that day.. I decided not to see paolo until our graduation in college. After 2 yrs. Of our graduation Paolo got married with his girlfriend Janelle. Since then, hindi na ako ulit nagkagusto pa sa kahit na sinong lalake. Paolo is now happily married with his wife Janelle. They’re living in Canada now. “Dana.. Are you ok? ” sam ask me dahil natigil ako sa pagsasalita. I look at her..she look worried even Ingrid and bella. “Yeah! I’m fine.. ” hinawakan naman ako ni Bella sa kamay. “Are you sure?” tumango naman ako at ngumiti. Bigla namang napatingin si ingrid sa kasama ni Mark. “Wait sam.. Is that Alfred Montilibano?” Napalingon naman kaming tatlo sa gawi nila mark. “Yeah!.he is.. You know him? ” sam ask her. “Ofcourse! Partner ng daddy ko sa business ang daddy ni alfred.. And guess what? He is Maxine Sandoval’s Boyfriend and they’re getting engage next month. ” sambit ni ingrid. Napanganga naman si sam “What?! That b***h is Alfred’s future fiancée?” pasigaw namang sabi ni sam. Hindi rin naman masyadong naririnig ng ibang tao dahil sa music. Napalingon naman sa binata ang dalagang si Dana.. Really? That man is the future fiancé of that b***h Maxine Sandoval? Sa isip ni dana. “I’m just wondering.. May nagkagusto rin pala kay Maxine kahit na saksakan ng sama ng ugali at arte ng bruhang yon? ” bell said habang nakatingin kaming apat sa gawi ni Alfred and we all laughed. Maya-maya pa ay lumapit na sila may stage para sa speech ng birthday Celebrant. Panay naman ang tingin ni Alfred kay Dana. Pa-minsan minsan ay nahahagilap ng mata ni Dana na nakatingin sa kanya ang binata at napapansin din iyon ng kanilang mga kaibigan. Bahagyang bumulong si Ingrid kay Dana..
“Kanina pa nakatitig sayo yang si Alfred ah..mukhang tinamaan ata sayo girl..” “Oo nga..hindi ko gusto yang mga titig niya sayo..nangangamoy gyera na naman ‘to.” dugtong ni bella. I sighed and hold them both at humarap sa birthday celebrant. “Just ignore him..it’s Mark’s birthday..i don’t want to ruin the mood.” I said while smiling. After few hours ay isa-isa na ring nagpapaalam ang mga bisita ni Mark at inaasikaso niya ang mga ito kasama si Sam. Bella and Ingrid already left. Naiwan lang akong nakaupo sa isang table ng may lumapit sa akin. “Hi..” napatingin naman ako dito and it’s him. Alfred Montilibano. I just smiled at him. “May I..?” asking to sit beside me. “Yeah..sure!” nakatingin pa rin siya sa akin when i looked at him again. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong ko habang hinahawakan ko ang pisngi ko. “NO!..I’m just wondering..hindi mo ba talaga ako naalala?” he ask. Napakunot noo naman ako sa tanong niya. “What do you mean?” ngumiti naman siya sandali. “We already met before at the Boutique at Centris Mall.. Remember?” inalala ko naman ang araw na yon. Yeah! On that boutique where I saw Maxine and know that it’s hers. Kung ganun magkasama sila ni maxine ng araw na yon. “Yeah! I remember.. sorry madali lang kasi ako makalimot lalo na kapag hindi ko pa kilala.. Wait! Ikaw rin ang nagbigay sa akin ng flowers sa Fashion show sa opening ng resort..right?” napangiti naman ito. “Yeah..it’s me! The resort is ours.” Napataas naman ako ng kilay at tipid na ngiti. So twice na pala ako nakita ng mokong na ito. Sa isip ko while smiling at him. Ilang sandali pa ay lumapit na sa amin sina mark at Sam at nagpaalam na rin ako dahil late na rin at pagod na rin ako. “I’ll go ahead guys..” paalam ko habang patayo ako. “Ok..ayos lang ba kung hindi ka na namin maihatid?” mark asked.. “Yeah it’s Ok. Dala ko naman ang kotse ko.. So, paano? Mauna na ako..” Binalingan ko naman si Alfred.. “Mauna na ako..nice meeting you Mr. Montilibano.” I said while smiling at him. “OK. Nice meeting you too Ms. Dela Fuente.” Tugon nito. Lumapit naman ako kay Sam at Mark para magbeso. “Ingat ka..” bilin ni sam. “Drive safely!” habol naman ni mark.. “Yeah! I will..happy birthday again mark.” Sambit ko naman at ngumiti naman si mark. Lumabas na rin ako ng Room at sumakay na sa elevator. Pagdating ko sa lobby ay panay ang bati ng mga employees ng hotel..well, this is our hotel. They’re just giving respect. And i just nod to them. The hotel crew bring my car at front Door. Agad din akong sumakay at umalis na ng hotel. I arrived at home at 12midnight kaya tulog na rin ang parents ko. tanging si Jelly na lang ang gising sa bahay at hinihintay ako dumating. Pumanhik din ako agad sa kwarto ko para makapagpahinga.