Hindi makapaniwala si Maxine sa kanyang mga natuklasan at kukuhanan niya sana ng video ang tatlo ng tamaan ng kanyang kamay ang desinyong kahoy na nakatayo sa gilid ng vase kaya nakalikha ito ng ingay. Mabilis namang napalingon ang tatlo sa kinaroroonan niya at nagsalubong ang kilay ni Patricia. Sa sobrang gulat ni Maxine ay nataranta siya at biglang may nagtakip ng bunganga niya at hinatak siya palayo doon at nagtago sa stockroom. Napatingin naman si Patsie kay Paolo. “What was that?” tanong ni Angel na kinakabahan ang itsura. Agad namang tiningnan ni Paolo kung may tao ba doon at tensyonado naman ang dalawa habang nakasunod ang tingin kay Paolo. Nagpalinga-linga si Paolo pero wala siyang nakitang ibang tao. Tanging ang nahulog lang na kahoy sa tabi ng vase. Pinulot niya iyon at ibinalik

