Pagkatapos ng rebelasyon ni Francis sa akin ay tinawagan ko agad ang abogado ko na siya na lang muna ang mag-asikaso sa papers dahil may importante lang akong pupuntahan. Ini-start ko agad ang kotse ko at tinungo ang condo. Kahit papaano ay nag-alala rin ako para kay Marco pero ganoon pa man ay hindi pa rin nagbabago ang decision ko sa kabila ng mga nalaman ko. niloko niya pa rin ako. Mas masakit ang malaman na nambabae siya kaysa malaman ang kasinungalingan niya. mahirap tanggapin para sa akin ang malamang nambabae siya at ang Tingin ng lahat ng tao sa akin ngayon ay ipinagpalit ako ng asawa ko. dahil sa traffic ay mahigit isang oras din ako sa kalsada at alas tres na ng hapon ng dumating ako sa condominium building. pumasok ako agad at sumakay elevator. Bago ko pinindot ang password ng d

