Chapter 21

2326 Words
Ilang araw ding namalagi sa kanilang bahay si Dana para ipahinga ang kanyang katawan. Si Maxine naman at Alfred ay biglaan ang engagement sa araw na iyon. Hindi alam ni Alfred na nagplano na pala ang kanyang ama kasama ang mga magulang ni Maxine tungkol sa Engagement at sa araw ding iyon ay umuwi si Patricia ng bansa para daluhan ang engagement ng kanyang bestfriend na si Maxine. “Where, where, where is the bride to be?  Oh my god! Very beautiful. Turn around.” Bungad ni Patsie sa kwarto ni Maxine. Sa Mansyon ng mga Sandoval idinaos ang engagement dahil umiiwas din sila sa maraming reporters. iilan lamang ang kanilang inimbitahan para i-capture ang engagement. “ohhh friend..you’re the most beautiful in the world.” Dugtong ng kaibigan. “Mas maganda sayo?” biro ni Maxine. Hinawakan naman ni Patsie ang kamay niya. “Siyempre mas maganda ka sa akin ngayon. ngayon lang dahil engagement mo kaya pagbibigyan muna kita.” Ganti nito at sabay silang nagtawanan. “Wait, are you done? It’s almost time and the elders already arrived.” Patsie ask. “I’m all done friend.” Masayang sabi naman ng dalaga. Bigla naman pumasok ang ina ni maxine sa kwarto. “Mom. Where’s Alfred?” lumapit naman sa kanya ang ina at hinawakan siya sa kamay. “He’s getting dressed anak.” Nginitian naman niya ang ina. “Finally, i’m getting engaged to Alfred. Sana inimbitahan niyo rin si Dana mom para makita niyang akin lang si Alfred at gusto kong makita ang reactions niya kapag nakita niyang isinusuot ni Alfred sa akin ang ring.” Maxine said at narinig iyon ng kanyang kuya na nasa pinto. “hanggang ngayon ba max. Di ka pa rin nagmo-move on? You’re getting Engage with alfred kaya itigil mo na yang galit mo kay Dana.” Marco said at napalingon silang tatlo. “Kuyaaaaa...” “Enough! Sige na. Maghanda ka na at bababa na tayo. naghihintay na sila sa baba.” Pigil ng kanilang ina at napangiti naman ulit ang dalaga sa excitement. habang si Alfred naman at ang kanyang kapatid na si Abigael ay nasa pool side ng bahay nila Maxine at nagtatalo. “Alfred..dad wants you to get engage to Maxine.” Abigael said pero nagagalit ang binata dahil hindi man lang siya kinausap tungkol dito. “You didn’t ask me first kung gusto ko ma-engage kay maxine?” sigaw nito dahil hindi na makapagpigil sa galit. “fred..lower your voice dahil baka may makarinig sayo. Maxine is adorable and from a decent family. Dad wants you to have a good life partner.” Paliwanag ng kanyang ate. “but abi i don’t want.” “Fred..i understand that you’re not ready but today is just an engagement. Dad already agreed to this. Just follow him fred..you knew Dad. Please..you don’t want to stress him. Right?” tiningnan lamang niya ang kapatid at huminga ng malalim at tumalikod na nakapa-meywang. Maya-maya pa ay nagsimula na ang engagement ceremony. Wala namang nagawa si Alfred kundi ang sumunod sa utos ng kanyang ama kahit na labag ito sa kanyang kalooban. Di naman mailarawan ang saya sa mukha ni Maxine ng official na silang engaged ni Alfred..nilapitan naman sila ng mga reporters pagkatapos ng Ceremony para interviewhin. “Mr. Montilibano Totoo po bang nagpa engaged kayo agad dahil gusto niyong pagtakpan ang issue niyo tungkol sa sikat na modelong si Dana Dela fuente na nauugnay sa inyo?” tanong ng reporter at nag-iba ang mood ni Maxine. Agad namang sinalo ng ama ni maxine ang tanong ng reporter. “Hindi totoo iyon. Nagpa-engaged sila dahil iyon naman talaga ang plano nilang dalawa noon pa man kahit wala pa ang kumakalat na bali-balita. But rest assured na walang katotohanan ang mga balitang iyon. Alfred loves my daughter so much. Right Alfred?” paliwanag ni Antonio ang daddy ni Maxine at pilit namang tumugon ang binata. “Yes tito..” masaya naman ang dalaga sa sinagot nito. Pagakatapos ng engagement ay isa-isa na rin umalis ang mga bisita pati si Alfred at Abigael dahil may importanteng lakad pa si Alfred. Naupo naman sa kanilang living room ang pamilya sandoval. “Alfred doesn’t seem happy to get engaged with me.” Mahinang sabi ni Maxine ng maupo siya tabi ng kanyang ina. “Alfred was forced, right?” tanong ni Marco at napalingon sa kanya si Maxine. “Kuyaaa..ano bang problema mo? Bakit lagi ka na lang kontra?” tampo ng dalaga at umismid lang ang binata. “Forced or willing, it doesn’t matter now. At very least, maxine and alfred are engaged now at para matigil na ang mga eskandalong nangyayari. By tomorrow, society will get front page news of it.” Ang kanilang ama. ilang sandali silang tahimik ng biglang tumayo si Marco. “Aakyat na ako sa kwarto. Gusto ko na magpahinga.” Paalam ng binata at agad na umakyat. Kinabukasan naman ay Pumunta si Dana sa jewelry shop ni Abigael para pag-usapan ang nangyari sa show. Sakto namang papunta din si Alfred sa kanyang kapatid. At Nagkasalubong silang dalawa sa labas ng Shop. “Dana.. what brings you here? Kamusta na ang likod mo? Ok ka na ba?” alfred ask. “Yeah! I’m Ok now..konting galus lang naman ang natamo ko at Nawala na rin ang pamamaga.” Sagot ng dalaga. “Are you here to meet my sister?” “Yes. She called me kaya pumunta ako dito.” Padaan naman si Patsie dala ang kanyang kotse ng mahagilap niya si Alfred na may kausap na babae. Nagulat siya ng makitang si Dana ang kasama nito at masaya pa silang nagtatawanan. Kinuha niya agad ang kanyang cellphone para kuhanan ng litrato ang dalawa at nakuha pa sa litrato ang pag-alalay at paghawak ni Alfred sa likod ni Dana. Isinend naman niya agad sa kaibigang si Maxine ang litratong kuha niya para ipaalam na magkasama ang dalawa sa jewelry shop ni Abigael. Uminit naman ang ulo ni Maxine ng makita niya ang pinadalang pictures sa kanya ni Patsie at agad na lumabas ng kanyang kwarto at pumunta sa shop. Naupo naman muna si Dana sa Office ni Abigael at pinuntahan muna ni Alfred ang kapatid na nasa Meeting room. Nagulat naman si Dana ng biglang sumulpot si Maxine sa office ni Abigael. “Oh Dana..mukhang napapadalas ang punta mo kay Abigael ah..trying to get close to them?” bungad ni maxine habang papasok sa opisina. “Abigael wants to talk to me so i come here.”sagot ng dalaga na hindi siya tinitingnan at lumapit naman sa kanya si Maxine. “Oo nga pala. Naaksidente ka nga pala sa event ni abigael. Maniningil ka ba ng Damaged?” Dana rolled her eyes. “At ikaw, anong ginagawa mo dito? Tumawa naman si Maxine. “Well..i’m looking for my fiance. Siguro naman alam mo na ang latest news ngayon.” nginitian naman siya ni Dana. “Yes. I heard and congratulations.” Napataas naman ang kilay ni maxine. “But too bad dahil hindi ka man lang naka-attend. Hindi mo Na-witness kung gaano kasaya si Alfred na engaged na kami. Pero hayaan mo sa kasal namin iimbitahan ka namin para naman makatulong kang mag-serve ng pagkain sa mga bisita. Serving is what you’re good at right dana?” tiningnan naman siya ng dalaga ng matalim na tingin at biglang tumawa. Inis namang nakatingin sa kanya si Maxine. “I’ll be happy too if you’ll really have that day.” at napatayo naman ng maayos si Maxine. “What do you mean? Are you saying that i won’t get married to Alfred?” nagkibit balikat naman si Dana. “Well it’s up to what you’re thinking Max.” At biglang sasampalin nito si Dana dahil sa sobrang inis pero napigilan siya ng dalaga. “Don’t think that you’re the only one with hands Maxine.” Pinanlakihan naman niya ito ng mata at hinatak ni Maxine ang kanyang kamay ng biglang pumasok si Alfred at Abigael sa kwarto. “Max? What are you doing here?” tanong ni Alfred. “I just want to visit Abigael and ang sabi ng staff sa labas ay nandito ka rin kaya dumiretso na ako dito sa office ni Abi pero hindi ko alam na andito pala si Dana.” kunwari nito at napailing naman si Dana. “Ganun ba? alfred and I needs to talk to Dana..can you wait here? We’ll be back.” Sambit naman ni Abigael at pilit na ngiti lang si Maxine at tumango. “Let’s go Dana..” at agad silang lumabas sa kwarto at naiwan si Maxine. Inis naman niyang itinapon ang kanyang purse sa couch at nagdadabog sa inis. Lumipas ang tatlong araw at dumating na sa bansa sina Karina at Francis ganoon din sina Samantha at Mark na galing ng switzerland na nagbakasyon. It’s the day na magla-lunch date sila. Maagang dumating si Dana sa kanilang hotel para magprepare. Pagsapit ng 11am ay dumating na rin sina Karina at francis sa hotel. “Rina...” masayang tinakbo naman ni dana ang kaibigan. “I missed you so much!” rina said. “Hi franz..” at nagbeso naman ang binata dito. “Happy birthday Dan..” bati ni Francis sabay abot sa kanilang regalo. “oh thank you..thanks for coming. Umuwi pa talaga kayo dito sa bansa.” Dana said. “Oo naman noh. Birthday kaya ng bestfriend ko kaya dapat lang umuwi kami dito.” Yumakap naman sa kanya si Dana. “Ang sweet naman..tara upo muna tayo.” Yaya nito at umupo sila sa inihandang table ni Dana. at dumating sina Samantha at Mark. “Happy birthday!” bungad ni Sam at lumapit sa kanila. At yumakap kay Dana at nagbeso si Mark. “Happy birthday Dan.” Bati ni mark at inabot ang kanyang Regalo. “Thanks mark..” masaya naman nagyakapan sina Sam at karina saka sila naupo. Nagtataka naman si Karina kung bakit anim ang upuan samantalang lima lang naman sila. “Dan..may iba ka pa bang bisita?” tanong ni Karina at nilingon siya ni Dana. “Oh yes..” sagot ng dalaga ng pumasok si Marco sa door ng restaurant na may dalang flowers. Nagulat naman si Francis ng makita ang kaibigan. “Marco? Si marco ang bisita mo dan?” nginitian naman ni Dana si Francis. “Yes. He is your friend right?” napanganga naman si Karina at nagkatinginan sila ng kanyang nobyo. Kinikilig naman si Sam habang papalapit si Marco sa table nila. “Happy birthday Dana..” bati ng binata at inabot ang dala nitong bulaklak. “Thank you!.” Nahihiya namang inabot ng dalaga ang flowers. “Come, have a seat.” Yaya nito at napatingin si Marco sa kanyang kaibigan at tumayo si Francis para yakapin si Marco. “Kamusta pare? Matagal din tayong hindi nagkausap. Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Dana.” sambit ni francis. “Oh yeah..we met accidentally in Batangas. After that we became friends.” Tumango namang nakangiti si Francis sa kanyang kaibigan. “What a small world.” At ngumiti naman ang binata. Ipinakilala naman ni Dana si Sam at Mark ky Marco. “Marco, this is my friend Samantha and Mark.” Kinamayan naman niya ang mga ito. “Nice meeting you Marco.” Tugon ng dalawa. Ilang sandali pa ay nai-serve na ang kanilang pagkain at masayang nagkwentuhan tungkol sa kanilang mga buhay. Pero di na nila binanggit ang tungkol sa issue nina Alfred,maxine at Dana..sinagot naman muna ni Mark ang tawag sa kanyang cellphone at nagyaya namang pumunta ng Comfort room si Sam at sinamahan siya ni Dana. “Marco..napansin kong panay ang titig mo kay Dana. do you like her?” francis ask. Natigil naman sa pag-inom si Marco at nilagay ang hawak niyang baso. “Actually.. Yes, i like her.” Prangka naman ng binata. “And you think she likes you too?” si Karina. Napaisip naman si Marco. “I don’t know Rina..” “Alam ba ni Dana na kapatid mo si Maxine?” tanong ulit ni Francis. “No. She doesn’t know.” Napailing naman si Karina. “Alam mo naman sigurong Dana and your sister is mortal enemy right?” rina ask at tumango naman ang binata. “So anong gagawin mo ngayon?” dugtong ni rina. “Saka ko na siguro sasabihin sa kanya. Masyado pa kasing malala ang sitwasyon at baka bigla akong iwasan ni Dana kapag nalaman niya ang totoo. Sa ngayon gusto ko munang makilala niya akong mabuti para kapag dumating ang panahon na malaman niyang magkapatid kami ni maxine ay malaman niyang totoo ako sa kanya.” He said. “Sigurado ka bang magugustuhan ka ni Dana? remember. hirap siyang magtiwala sa mga lalake. And she never entertained anybody.” Ani francis. “i’ll do everything pare.” Tugon nito. “pero mahihirapan kang makuha ang loob ni Dana..handa ka ba?” tumingin naman sa kanya si Marco at tumango. Nagtinginan naman sina Francis at Karina. “Naku pare ..sa tingin ko ay hindi mo siya mapapa-Oo. hindi madaling ligawan si Dana.” dugtong ni Francis. “Hintayin mo lang at darating ang time na magugustuhan niya rin ako. I’ll do everything to get her.” Sagot naman ni Marco. “Do you really like my friend that much?” curious ni Karina. “Yes rina. I do really like her.” He said. “O sige. Pustahan tayo. Kapag napasagot mo si Dana ay ibibigay ko sayo ang Condo ko sa Makati. Pero kapag di mo napasagot si Dana within 6 months, ibibigay mo sa akin ang Mustang mo. Game?” Challenge ni Francis sa kaibigan. “baliw!. Sige.. pero nasisiguro ko sayong matatalo ka.” Sambit ni Marco at nagtawanan sila. Ilang sandali pa nilang pinag-usapan si Dana hanggang sa bumalik na ang tatlo sa kanilang table. Ilang sandali pa silang nag-usap hanggang sa sumapit na ang Alas dos ng Hapon at nagpaalam na rin sina Sam at Mark dahil dadaan pa sa bahay ng kanyang lola si Sam para ibigay ang kanyang pasalubong at nagpaalam din sina Karina dahil bibiyahe pa sila papuntang Tarlac para dalawin ang ina ni Karina doon. “Kita na lang tayo bago kami bumalik ng Dubai Dan..happy birthday ulit.” Paalam nila karina at umalis na rin sila agad. Naiwan naman si Dana at Marco sa restaurant. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni marco. “Actually, pauwi na rin. May dinner date pa ako mamaya with my family. Ikaw?” “Paalis na rin. May family matters din kaya kailangan umuwi agad.” Sagot ng binata. “Ganoon ba? sige mauna ka na at baka ma-traffic ka. Aalis na rin ako.” Nginitian naman siya ng binata. “Ok. Ingat ka.” “Ikaw din. Thanks sa pagdalo.” Tumango naman ito na nakangiti saka tumalikod kay Dana. agad ding umalis si Dana sa hotel para umuwi dahil may dinner date pa sila ng kanyang pamilya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD