Lily’s POV Nagising ako na may mabigat na nakadagan sa katawan ko. Nang bahagya akong gumalaw para tingnan ay nasa tabi ko si Charlie. Mahigpit itong nakayakap sa akin kahit napakahimbing ng tulog, base sa mahihinang mga paghilik niya. Napangiti ako nang tumitig sa mukha niya. Medyo oily na ang matangos niyang ilong at ang noo ay medyo nakakunot. Gayunpaman ay napakaguwapo pa rin naman talaga. Magagandang lahi ba naman kasi ang pinanggalingan. “Hmm… you’re awake?” inaantok na sambit niya nang subukan kong kumawala sa pagkakayakap niya. Pero ngayon ay mas lalo pa nga iyong humigpit. “Yeah. Let me go… I need to pee really bad,” tugon ko. Agad naman siyang nagdilat ng mga mata at tumingin sa akin. Pagkatapos ay kinintalan ng halik ang mga labi ko. “Sumasakit ang ulo ko…” bigla ay daing n

