Third Person POV “Little Fairy, it’s been more than three weeks pero wala na tayong balita ulit kay Lily. Hindi pa rin ako mapanatag kahit na anong gawin ko!” reklamo ni Stan. Hindi naman agad sumagot si Raiza. Sa totoo lang linggo-linggo siyang tinatawagan ni Lily para mag-update sa kalagayan nila ni Charlie. Talagang pagre-relax at pagbabakasyon lang ang ginagawa nilang dalawa. Kaya naman kahit papaano ay hindi na siya nag-aalala. Naitawag na rin niya kay Kristine ang tungkol dito. Hindi lang talaga muna nila ipinapaalam sa mga asawa nila ang kompletong detalye dahil masyadong mainitin ang mga ulo ng mga ito. “Stan, please, hayaan mo na lang munang mag-enjoy ang anak mo. Sigurado naman akong hindi siya pababayaan ni Charlie. Stop overthinking and just trust the kids…” sagot lang ni Ra

