“Bakit hindi ka makasagot, Lily? Ano’ng ginagawa ng lalaking iyon sa kuwarto mo? Of all the places sa kuwarto mo pa talaga? May respeto pa ba siya sa iyo, ha, Lily? Sa amin?” halos pasigaw na untag sa akin ni Daddy. Lumandas ang mga luha ko dahil sa takot. “D-Dad… it’s not what you’re thinking… he, he just asked how I was. He was just worried and then–” “Your Mom came in there, too? Nakita ba niya si Charlie? What did she say?” putol niyang tanong sa akin. Muli na naman akong napalunok. “Hindi po sila nagkita, Daddy. Natakot po kasi ako na baka magalit siya kaya pinagtago ko po siya sa–” “I am going to kill that bastard!” tatalikod na sana si Daddy para sugurin si Charlie pero patakbo akong humarang sa harapan niya. “Dad, makinig ka po muna sa akin, please…” pagmamakaawa ko. “Kung

