Third Person POV Naabutan ni Charles na nakaupo sa engrande nilang sofa si Kristine. Nakadekwatro ito at nakahalukipkip habang pinapanood ang paglapit niya. Hindi niya maintindihan kung bakit mainit ang ulo nito at ngayon ay talagang nagpapakaba sa kaniya. "Hello, baby... Bakit ang aga-aga ay mainit ang ulo mo? I almost made the car fly just to be here as fast as I could," saad agad ni Charles at tangkang hahalik sana sa asawa ngunit mabilis namang umiwas si Kristine. Labis niya itong ikinabigla. "Totoo ba? May kinalaman ka ba talaga sa nangyayaring gulo sa Martel ngayon?" diretsahang tanong ni Kristine kay Charles. Nanlaki naman ang mga mata nito at awang ang mga labing tumitig kay Kristine. "H-How... how did you know?" halos pabulong na lang niyang tanong. Naningkit naman agad ang m

