Chapter 30 Love Last

2312 Words

“Kanina ka pa tahimik. Iniisip mo pa rin ba iyong matandang babae kanina?” tanong ni Charlie sa akin. Nakahiga na kami ngayon dito sa master’s bedroom. “Yeah. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi siya mawala-wala sa isip ko. Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya,” naiiling kong sagot. Tumagilid ako saka iniyakap ang isang kamay sa baywang niya. Hinalikan naman niya ang noo ko at patuloy na hinahagod ang likod ko. “Sabagay, hindi naman talaga magandang eksena iyong nakita natin kanina. Matanda na siya pero nakaranas pa rin siya ng ganoong pananakit. I think they are husband and wife. Siguro may babae iyong matandang lalaki at nahuli nitong asawa,” hula niya. Napabuntong-hininga ako. Nilalaro-laro ng hinlalaki niya ang cheek bone ko pero nagsumiksik ako lalo sa dibdib niya. I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD