(LOLA PERLA ADVICE) Winter Pov. Walang naging maayos na pag-uusap sa pagitan namin ni mama sa cellphone ng umagang iyon. Agad din itong nagpaalam sa akin kaya't hindi ko rin nasabi ang aking side, base sa tinig ni mama kanina; galit ito at halatang dismayado sa akin. Napabuntong hininga ako habang hindi maipalagay ang sarili bago ilapag ang nagawang kape para sakin. Alas nuebe na ngunit hindi na ako nakatanggap pang muli ng tawag mula kay mama. Hindi rin sumasagot sa mga mensahe ko si ashong, nag-aalala ako kung ano ng nangyayari doon. Nahalata ni lola ang kabalisaan ko kaya't hindi na nito natiis mag-usisa. "Anong problema mo apo?" naisara ko ang bibig. Nakatingin ako kay lola na may bakas na pagtataka rin sa aking kilos. "Mukhang may bumabagabag sa'yo?" "Si ashong ho kasi." paunang

