CHAPTER 11: SABAW

1349 Words
"ANDITO na si baby..." anunsyo ni Khal habang maingat niyang karga ang sanggol na anak ni Orah. Muli na namang tumulo ang luha ni Orah nang masilayan ang anak habang karga ni Khal at naglalakad palapit sa kanya. Parang bumalik siya sa panahong akala niya 'di niya kayang mag-isa. Iniwan at itinakwil siya ng lahat. Tanging ang pamilya Mangahas at ang Marina Azul ang buong- buong tumanggap sa kanya. "Ang apo ko. Puwede ko ba siyang makarga, Orah?" Singit na sabat ni Isagani. "Oo naman po, Tatay Isagani," pinupunasan ni Orah ang kanyang mga luhang sagot sa ama ni Khal. Dahan-dahan ibinigay ni Khal ang sanggol sa kanyang ama. Malapad ang ngiti ni Isagani habang kinarga ang anak ni Orah. "Ingatan mo si baby, Tay. Malambot pa ang mga buto n'yan," biro ni Khal sa ama. "Hoy! Marunong akong kumarga ng sanggol. Noong maliliit pa kayo, ako ang nag-alaga sa inyong dalawa ni Kele habang nagtatrabaho ang nanay n'yo. Kaya 'wag mo akong pagsabihan," sagot ni Isagani, bahagyang nakakunot ang noo. "Binibiro ko lang po kayo. Kayo naman masyadong seryoso." Napapakamot sa ulong sambit ni Khal. Natawa naman si Orah sa nakikita sa mag-ama. Hindi na siya natatakot harapin ang bukas para sa kanilang mag-ina. Mayroon na silang magiging kakampi at palaging andiyan kapag kailangan nila. Kinabukasan ay umuwi na ang mag-ina. Karga ni Khal si Baby Sapphire habang tulog ito. Si Orah naman ay nakaupo lang sa upuan na pinapanood ang binata. "Hindi ka ba nangangalo? Tulog naman na si baby. Akina muna para makapagpahinga ka rin," sabi ni Orah. "Hindi naman." Mabilis na umiling- iling si Khal. "Masaya nga sa pakiramdam na hindi ilang sa akin si Baby Sapphire. Di ba, 'ying ibang bata nangingilala? Gusto ko ring masanay siya sa akin at kilalanin niya akong ama." "Ku--, sorry. K-Khal, saka na natin pag-usapan ang tungkol doon. Kapapanganak ko lang kaya." Napa-second look si Khal kay Orah. Tila sumilay ang magandang ngiti sa labi. "Ibig bang sabihin nun may pag-asa ako sa'yo?" Napa-roll ng kanyang mata ang dalaga. "Makulit ka rin, ano? Sinabi ko na saka na natin pag-usapan." Nabanagan ng lungkot si Khal. Napabaling ang tingin niya sa dalawang araw palang na sanggol. "Ang ganda ni Baby Sapphire. Sana ako na ang papa mo. Handa naman akong maging ama. Pangako ko sa'yo, anak, hindi ko kayo pababayaan ng mama mo," sabi niya na kinakausap ang sanggol na natutulog. Animo'y sumagot si baby nang ngumiti ito. "Nakita mo, ngumiti si baby. Kahit siya gustong- gusto akong maging ama. Tanggapin mo na ako, Orah," pangungumbinsi pa ni Khal. Napapakamot si Orah sa kanyang ulo. Masyadong nagmamadali si Khal na sagutin. Para tuloy hindi na ito makapaghintay ng ilang buwan pa. "Gusto ko lang mapatunayan sa sarili ko na walang anuman na magiging problema. Ayoko kayang sugurin ako ng mga taga-hanga mo. Pagkatapos, sabihan akong mang-aagaw. Saka, ilang araw ka palang ba nanliligaw?" "Sino naman ang mga tanga-hanga ko? Ikaw talaga, Orah, pinapatawa mo ako. Seryoso ako." Nagsalubong ang kilay ng dalaga. "Hindi ka talaga makapag-hintay, Khal. Akala ko ba hihintayin mo na tanggapin kita. Bakit ngayon para kang hinahabol ng ilang tao sa pagmamadali mong sagutin kita?" Naiinis na siya sa kakulitan ng binata. "Baka maunahan pa ako ng iba. Lalabas ang kagandahan mo ngayong nakapanganak ka na. Maiisapuwera mo ako kapag nagkataon." "Pambihira... bakit ka nag-iisip ng ganyan? Sino naman ang magkakainteres sa isang dalagang ina? Walang tatanggap sa buy one take one na katulad ko." Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ni Khal. Napalitan ng galit ang mga mata niya. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Andito ako handang tanggapin ka. Maging sino ka man." Nalaglag ang panga ni Orah sa naibulalas ni Khal. "Hanep naman ang dialogue mo, Khal. Kanta 'yon, ah." Pambubuska ng dalaga. "Grabe ka sa akin. Seryoso ako. Andito nga ako handang i-offer ang sarili ko sa'yo." Tumayo si Orah at kinuha si baby sa binata. "Maghintay ka. Patunayan mo sa akin na kaya mong maghintay. Papasok muna kami sa kuwarto, baka gutom na si baby." Walang nagawa si Khal at hinayaan si Orah na pumasok sa kuwarto nito. Maghapon na aburido si Khal. Ramdam naman niyang gusto din siya ni Orah pero pinipigilan ng dalaga amg sariling damdamin. Hindi na siya bata at 'di siya naniniwala sa ligaw- ligaw. Pero dahil kay Orah ay gagawin n'ya kahit labag sa prisipyo niya. "Eh, tama naman si Orah, Kuya Khal. Masyado kang nagmamadali. Ramdam mo naman pala at malakas ang kutob mo na gusto ka rin ni Orah. Bakit hindi ka makapaghintay?" tanong ni Baldo. Tinawag ni Khal ang kaibigan para may masabihan ng sama ng loob. "Kanino ka ba kampi? Tinawag kita para damayan ako. Naghihirap na nga ang kalooban ko. Alam mo bang ngayon lang ako ka-desperado na mapasagot ang isang babae? Parang tagilid pa." "Ikaw naman ang kinakampihan ko. Ang sa akin lang sana'y maintindihan mo ang paliwanag niya. Galing sa heart break si Orah. Iniwan at hindi pinanagutan ang anak. Nagsisigurado lang 'yon para hindi na muling masaktan." Sa sinabi ni Baldo parang naliwanagan siya. Tama nga ito at mali siya na ipinipilit ang gusto. "Eh, 'di sana sabihin niya sa akin ng maaga na may pag-asa ako sa kanya. Para naman mapanatag ako." Napa-tsk si Baldo. "Ano pa ba ang ibig sabihin nung sinabi niya na maghintay ka? Hindi ka na nag-iisip, kuya." Napaamang si Khal saka unti- unting lumalaki ang kanyang mga mata. Napaharap siya kay Baldo. "Oo nga! Thank you, thank you... uminom pa tayo. Sagot ko na lahat." Tuwang- tuwa na bulalas niya. 'Di sumagi sa isip niya 'yon. Sobrang tanga mo, Khal... Napakamot si Baldo sa kanyang ulo at umayon na lamang sa kaibigan. Umaga, lumabas si Isagani ng kuwarto nilang mag-asawa. Naabutan niya ang kanyang panganay na nasa kusina. "Khal, hindi ba kayo papalaot ni Baldo ngayon? At, bakit ikaw ang nagluluto ng almusal?" Sunod- sunod niyang mga tanong. "Tay, bukas na ho kami mangingisda ni Baldo. Sinusulit ko lang po ang mga araw na kasama ko si baby." May mapanuksong ngiti ang pumaskil kay Isagani. "Para ba kay baby Sapphire o para doon sa nanay?" Nilapitan niya ang anak at mahinang tinapik sa balikat. "Kunwari ka pa, hindi pa naman kumakain ang baby. Para sa nanay niya ang mga niluto mo." "Ganoon na din po 'yon, Tay. Kailangan ni Orah ang sabaw para bumalik kaagad niya ang kanyang lakas. Mahirap din manganak, na-witness ko po." Napupuyat din si Orah sa pag-aalaga sa anak sa gabi. Kaya dapat na siya na ang maghanda ng mga kailangan ni Orah. "Ganyan na ganyan ako sa nanay mo noong kapapanganak lang niya. Sayang lamang at nagkasakit siya. Hindi na niya ako maalala," napalitan ng lungkot ang mukha ni Isagani nang sumagi sa kanya ang sakit ni Merlita. Sumeryoso ang mukha ni Khal. "Gagaling si Nanay, 'Tay. Alam ko, kahit parang hindi natin siya kasama, hindi nawawala ang koneksyon n'yo. Ang puso ni Nanay, kilalang- kilala kayo. Sa bawat t***k, ramdam niya ang pagmamahal n'yo." Pilit niyang pinapalakas ang loob ng ama. Hanga siya sa pagmamahal nito para sa kanyang ina. Sa kabila ng sakit na dinadala ni Nanay, hindi ito kailanman iniwan o ikinahiya ng kanyang tatay. Bagkus, mas lalo pa itong minahal at inalagaan nang buong puso. Gusto nilang umasa na gagaling pa ang ina. Pero, sinabihan sila ng doktor nito na walang lunas ang dementia. Ang ginagawa na lamang nila ay iparamdam sa ina kung gaano nila ito kamahal kahit na minsan ay hindi sila kilala nito. Tumango- tango si Isagani. Iba ang naging hatid ni Orah sa kanyang pamilya, lalo na kay Khal. Masaya siya kung sila ng anak niya ang nakatadhana. Ngunit, 'di niya maikakailang darating ang araw na aalis ang dalaga sa poder nila at babalik ito sa dati ntong buhay. "Oh, siya. Ikaw na ang bahala d'yan. Aasikasuhin ko pa ang nanay mo." Paalam ni Isagani sa anak. "Sige po, Tay. Tatawagin ko na lang po kayo 'pag tapos ko na ihanda ang almusal," tugon ni Khal, tango lamang ang naging tugon ni Isagani at binalikan ang asawa sa kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD