CHAPTER 9: PAGKAGISING

1610 Words
HINDI matapos ang malakas na tawa ni Khal habang nagku-kuwento kay Baldo sa nangyari kanina. "Pambihira ka, kuya. Basta para kay Orah, mabilis ka pa sa alas kwatro. Lahat nang naisin niya ay ibinibigay mo agad. Baka mamihasa..." sabi ni Baldo na sinalinan ng alak sa baso ang kaibigan. Napaisip tuloy si Khal. Masyado nang nahuhulog ang kanyang kalooban sa dalaga. Pero, hindi pa rin niya maamin ang kanyang nararamdaman. "Sa tingin mo, Baldo, dapat aminin ko kay Orah na gusto ko siya?" "Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mo. Sa akin lang kung totoo na ang nararamdaman mo, e, 'di totohanan na 'yan. Sabihin mo na kasi..." Para siyang biglang kinabahan at natakot. Paano kung i-reject siya ni Orah? Mahirap na muling mabigo sa pag-ibig. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanila ni Disha. "Pero, paano kung ayaw niya sa 'kin? Put@, Baldo! Sa dami ng nagkakagusto sa akin, 'yong pang mahirap abutin ang nagustuhan ko." Tumawa ng malakas si Baldo, 'yong tawang may halong pang-uuyam. Masamang tinapunan siya ng tingin ni Khal, dahilan para mapatigil ito at tahimik na lang na uminom ng alak. "Sorry," nahihiyang sabi ni Baldo. "Sorry? Kung makapang-asar ka wagas. Kung isungangal ko sa bibig mo ang baso." Birong babala ni Khal. Napaatras si Baldo, tila kinabahan sa tinuran ng kaibigan. Baka nga totohanin ni Khal ang sinabi. "Nagbibiro lang ako! Ikaw naman kasi, sobrang torpe mo. Ang lapit- lapit na ni Orah sa'yo, pero 'di mo pa rin magawang kumilos. Laging negative ang iniisip mo! Think positive naman, kuya. Ang hirap sa'yo, oh..." Napabuntong hininga si Khal, baka nga tama si Baldo. Masyado siyang torpe at advanced mag-isip. "Paano ba ako magiging malakas ang loob? Kung talagang marunong ka, sige nga, turuan mo ako." Panghahamon niya. Natahimik si Baldo, biglang nawalan ng maisagot. Napakamot ito ng kanyang ulo. "Uminom na nga lang tayo. Problema mo, idinadamay mo pa ako. Wala nga akong syota. Paano ko rin malalaman?" Napataas ang sulok ng labi ni Khal. "Ang yabang- yabang mo, tapos isa ka rin palang hindi marunong manligaw." "Pasensiya na, kuya," nasabi ni Baldo at kinuha ang baso ni Khal saka ibinigay. "I-toast na lang natin 'yan." Napangiti si Khal. Itinaas ang mga baso nila. "Kampai!" Sabay nilang sigaw ni Baldo saka sinundan ng malakas na tawa. Nagising si Orah sa malakas na katok sa pintuan. "Sino ba 'yong kumakatok? Madaling araw na nambubulahaw pa ng natutulog." Inis niyang sabi habang palabas ng kuwarto at tinungo ang pintuan. "Sandali..." sagot niya na binubuksan ang pinto. Pagkabukas niya sa pintuan ay bumungad sa kanya si Baldo na akay si Khal. "Pasensiya ka na, Orah. Nagisng ba kita?" Nahihiyang paumanhin ni Baldo. "Anong nangyari kay Kuya Khal? Madaling araw na, ah." iritadong tanong ni Orah na napatingin sa binatang nakatalungko ang ulo. "Eh, iyon na nga. Lasing na lasing si kuya. Kaya inihatid ko na." "Ipasok mo na siya." Utos ni Orah kay Baldo. Pumasok naman si Baldo sa loob ng bahay at maingat na inihiga si Khal sa upuan na mahaba. "Uuwi na ako, Orah. Ikaw na ang bahala kay Kuya Khal," paalam ni Baldo. "Ang bigat niya, grabe. Sumakit ang balikat ko." "Oh, sige na. Ako nang bahala sa kanya. Maraming salamat sa paghatid, Baldo." Tumango ang binata at umalis. Naiwan si Orah na nakatingin kay Khal, mahimbing ang tulog at humihilik pa. Napapailing si Orah habang pinagmamasdan ang binata. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding. Alas dos na ng madaling araw. Alam niyang bawal pa rin sa kanya ang magpuyat dahil sa kalagayan niya, pero paano niya iiwan si Khal sa ganoong sitwasyon? Dahan- dahan siyang pumunta sa kusina, kinuha ang palanggana, at nilagyan ito ng malamig na tubig. Tahimik niyang binalikan ang sala at inilapag iyon sa tabi ni Khal bago bumalik sa kanyang kuwarto upang kumuha ng bimpo. Umupo siya sa lamesang maliit at nagsimulang pinunasan ang mukha ni Khal. Napaungol ang binata sa bawat dampi ng malamig na tubig sa balat niya. Hindi maiwasan ni Orah ang mapatitig sa maamo niyang mukha, lalo na nang mapansin ang malalim na paghinga nito. Mula sa mukha ng binata ay bumaba ang kanyang pagpunas papunta sa braso ni Khal. Napadako ang tingin niya sa mga kamay ng binata. Matitigas, maugat, at parang kayang-kayang sumalo ng bigat ng mundo. Nang bahagya niyang ipitin sa kanyang palad ang mahabang daliri nito, tila lalo siyang lumiliit sa presensiya ni Khal. "Orah... Orah..." ungol na nasambit ni Khal. Nagulat si Orah sa narinig. Nanaginip ba si Khal? At siya ang nasa panaginip nito? Binalewala niya ang pagtawag ni Khal sa pangalan niya at tumayo. Pero bago pa siya tumalikod ay hinuli ni Khal ang kanyang kamay. "O-Orah... Ikaw ba 'yan, Orah?" Nilingon niya si Khal. Pinipilit nitong imulat ang mga mata, pero bigo ito. "K-Kuya, si Orah nga po ito. Matulog ka na," sabi ni Orah. Pero napasinghap siya ng umupo si Khal at hinatak siya paupo sa tabi ng binata. "Ano ba, Kuya Khal?! Nasasaktan ako..." reklamo niya at napahawak sa kanyang tiyan. Inaalala ang anak na nasa kanyang sinapupunan. Nakayuko ang ulo ng binata. "S-Sorry. G-Gusto ko lang kausapin ka." Napaamang na tumingin si Orah sa binata. Nakayuko pa rin ang ulo nito at nakapikit ang mga mata. Maamoy sa singaw ng kanyang katawan ang alak. Gayunpaman, hindi naman siya natatakot na mayroong hindi gagawing maganda si Khal sa kanya. "Ano bang gusto mong sabihin, kuya?" Nag-angat ng ulo si Khal. Ngumiti ito ng bahagya, itinuro siya. "A-Alam mo ba g-gusto kita..." sinisinok na sabi nito. Napasinghap si Orah sa sinabi sa kanya ng binata. "P-Pero, natatakot ako kasi mayaman ka. I-Isang hamak na mangingisda lang ako tapos mahirap pa. Andoon ka sa taas nasa lupa lang ako nakasayad ang mga paa. M-Mahihirapan akong abutin ka." Sumikdo ang pintig ng puso ni Orah. Ang bilis at para siyang hinahabol. Napipilan siya at hinayaan niyang magsalita si Khal. Pinakinggan na lang ang mga sinasabi nito. "P-Paano kapag umalis ka dito? Malulungkot ako, Orah." Nagsimula itong suminghot at narinig niya ang mahhinang hikbi ng binata. "H-Hindi ko na ata kayang 'di ka nakikita. Mahalaga ka at ang anak mo sa akin. Kung sino ka man, ano ka man at ang nakaraan mo, m-mamahalin kita. 'Di ko ipaparamdam sa'yo ang ginawa ng g@go mong ex boyfriend!" Pinunasan ni Khal ang luha niya sa mata at muling nagyuko ng ulo. Napaayos ng upo si Orah. "Bakit mo sinasabi 'to? Lasing ka lang. Pagkagising mo hindi mo na alam ang mga pinagsasabi mo." Napamulat bigla si Khal ng kanyang mga mata na ikinagitla ng dalaga. Matiim siyang tinitigan. Napahawak na naman siya sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. "P-Papatunayan ko sa'yo na totoo ang lahat ng sinabi ko. Galing 'yon sa puso... dito sa puso ko," turo pa ni Khal sa kanyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso. "Mahal nga kita! Oh, diretso 'yon. Mahal kita, Orah. Gusto kong maging parte ng buhay mo. Gusto kong bigyan ng ama ang anak mo at mahalin din siya kagaya ng pagmamahal ko sa'yo." Naglumikot ang mga mata ni Orah. Nagbabadya ang luha pero pilit niya iyong pinipigilan. Hindi pa rin siya makapaniwala na ito ang lumalabas sa miskong bibig ni Khal. Mabait na lalaki at responsable pero ayaw niyang idamay pa ito sa buhay niya. Baka mamaya ay awa lang ang nararamdaman nito sa kanya. "E-Ewan ko, hindi ko alam ang sasabihin ko." Saad niya na nagbawi ng tingin. "Mahirap para sa isang katulad ko na iniwan at niloko ang maniwala na mayroon pa ring lalaking magmamahal sa kabila ng pagkakaroon ng anak ss ibang lalaki." "Wala ka namang kasalanan. Huwag mong isisi sa sarili mo kung bakit ka niya inwan. Handa ako, Orah. Handang- handa akong mahalin kayo ng anak mo. Maniwala ka lang sa akin. Magtiwala ka..." seryosong sambit ni Khal na ginanap ang kamay ng dalaga. Napatitig ang dalaga sa mukha ng binata. Inaarok kung seryoso ito sa bawat kataga nito. Bigla niyang binawi ang kamay at napalunok. "H-Hindi ko talaga alam, Kuya Khal. Saka na lang natin pag-usapan kapag 'di ka na lasing." Sabay tayo niya. Para namang nahimasmasan si Khal at nawala ang kalasingan sa narinig. "Payagan mo akong patunayan sa'yo. Pagkagising na pagkagising mo liligawan kita...." pahabol na sabi ng binata. Napahinto si Orah sa paghakbang. Pero hindi niya nilingon si Khal. Ikang saglit lang ay dumiretso na siya papunta sa kuwarto. Nagising si Orah na parang ang bigat ng kanyang pakiramdam. Dahan- dahan siyang bumangon mula sa kanyang higaan. "Hala! Alas diyes na pala ng umaga." Bulalas niya. Nagulat siya nang makita ang oras. Tinanghali siya ng gising at sumagi kaagad sa isip niya si Nanay Merlita. Tumayo siya at kinuha ang kanyang towel. Maliligo lang siya at pupuntahan ang matanda sa kuwarto nito. Pagkalabas niya ng kuwarto ay napahinto siya nang makita si Khal. Sinusubuan si Nanay Merlita at mukhang nakapaligo na ang matanda. Napayuko siya, hindi niya alam ang iaakto sa harapan ng binata. "Good morning, Orah," bati ni Khal, bahagya pa siyang ngumiti sa dalaga. Ngunit, iwas na iwas ito na tumingin sa kanya. "G-Good morning, kuya. Pasensiya na tinanghali ako ng gising." "Okay lang. Inalagaan mo ako kaninang madaling araw kaya hinayaan kitang matulog," tugon ni Khal. Nagulat si Orah na alam ni Khal ang ginawa niya noong umuwi ng lasing. "M-Maliligo lang ako." Iwas niya dito. "May niluto na pala akong almusal. Hindi ako pumalaot para samahan kayo ni nanay. Si tatay ang kasama ni Baldo." Tumango lang si Orah. Pilit pinapakalma ang sarili. Paano niya iiwasan si Khal kung maghapon pala itong nasa bahay? "Magtago ka na sa kuwarto mo mamaya, Orah," bulalas ng sariling utak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD