(He’s just another man who wants to teach me something) AYVA’S POV NASA sampung minuto na ako sa loob ng silid ko ngunit wala akong lakas na lumabas. Feeling ko piprituhin ako ng buhay sa oras na lumabas ako. Hindi pa ako handa sa lahat ng bagay pagdating sa pagpapakasal. Kanina pa ako nakapagpalit ng damit ngunit hindi ko magawang hawakan ang seradura ng pinto. Kung baboy ako marahil iyon na ang katay moment sa akin. Pabalik-balik ako sa paglakad sa palibot ng kama ko hanggang sa makarinig ako ng mahihinang katok. Ayaw ko ng hulaan kung sino iyon. I have a feeling na si Papa ang nasa labas ng silid ko. “Ayva.” Napalunok ako. Si Calix ang nasa labas! “Ayva, please open the door. It’s me,” anito. Hindi ko pa rin magawang sumagot. “Ayva, kanina ka pa sa loob ng silid mo. Pinapatawag ka

