(Tears come from the heart and not from the brain) AYVA’S POV SIMULA na ng programa. Dumating na rin ang mga Villaruel kasama si Calix na bakas ang kasiyahan sa mukha. Nakapagpasya na ako. Sa tulong ng mga kaibigan ko ay ito na ang magiging huli na pagpapanggap ko. Ang event na iyon ang katuparan ng pangarap ng mga estudyante mula sa Fashion Department. “Ready ka na ba?” tanong sa akin ni Rachel. Malapit na kaming tawagin ng emcee. Suot ng gown na kami mismo ang nag-design ang irarampa namin sa stage. Suot ko pa rin ang wig at malaking salamin dahil tatanggalin ko lamang iyon sa huling gown na irarampa. “Huwag kang mag-alala, hindi ka namin pababayaan. Nakaalalay lang kami sa iyo.” “Ready na ako.” Kasalukuyan kaming nasa fitting room na ginawa sa likod ng stage para sa mga rarampa. “G

