Cris's POV
Isang linggo ko nang nakikitang mag landian ung dalwa ultimo yakapan nag gagalit ako kine-kwestyon na nga ako ng mga kaibigan at kuya ko ehh
'Bakit ba ang selfish mo,hindi mo ba nararamdaman ang puso mo?'
'Tanga kaba?'
'cris girlfriend ka ba talaga?'
Lahat ng yan lagi nilang sinasabi sakin,hinfi lang nila alam ang sakit sakit kaya lalo napag nakikita kong tumitingin muna sakin si rose bago nya halikan sa pisngi si levi
o kaya pag nag uusap kami ni levi sasabat sya at ngingiti ng makahulugan sakin 'hindi mo ko mapapantayan'
Gustong gusto ko ipamukha sa kanya na wala akong nararamdaman kay levi pero ayaw ehh,ayaw gumawa ng katawan ko
Ang tanging ginagawa lang nito magalit,manakit,tumawa ng mapait,ngumiti at lalong lalo ang umiyak--
"Kain naa!!" Utos ni steph at nag patigil sa pag iisip ko
"Oo,sige ayos lang" wala sa sariling sagot ko
"Tatanga tanga ka kasi cris ehh alam mo kung ako sayo sasabunutan ko na yang rose na--"
"Edi ikaw gumawa!!" Nilakihan ko ng mata si klenn "kala mo madali lang sakin ang lahat,nag papanggap akong walang nakikita,kulang na nga lang mag pa tanggal ako ng mata ehh" saad ko at tumayo na
"May practice pa daw" saad ko at tumalikod narinig ko pa silang nag bubulungan kaso hindi ko nalang pinansin
Alam ko masyado akong bitter, masyado akong mayabang pero masyado din ako pag nasaktan sa ngayon naibuhos ko na ang lahat
Sabado ngayon kaya hanggang mamaya pa kaming 8 hindi ko alam pero ang bigat ng katawan ko
"Hey cris wan'a dan--"
"Dance mo mukha mo" singhal ko kay dino nakita kong napa kamot sya ng ulo kaya ngumiti ako ng mapait
Habang nag lalakad ako sa may court nakita ko nanaman si rose na tumingin sakin pero iba ang sinasabi
'wala kang magagawa'
Bakit kaya parang ganon ang gusto nyang sabihin, nakita ko nalang na hinawakan nya si levi sa dalwang panga at hahalikan
Gusto ko sana ipikit ang mata ko kaso napag isip-isip ko na mag kunwaring walang nakita at--
"Alam mo kung ayaw mong makita isara mo ang mata mo" saad ni kian habang tinakluban ang mata ko
Matagal tagal nya din bago nya alisin pero nung alisin nya nakita kong umulit uli si rose kaya tinakpan nya uli
Naramdaman kong may lumapit sa bandang tenga ko may naramdaman din akong mainit na hininga
"Talagang pinag seselos ka ni fatima,I mean rose" bulong nya sakin at hindi parin inaalis ang kamay
"Ayos lang di nama---apekta huyy" awat ko ng makita kong suntukin ni levi si kian "ano ba para kayong mga bata" suway ko at don na dumating sina kuya
Naawat agad nila si levi sa pag suntok
"Ano ba problema mo?" Mahinahong tanong ni kian habang nag pupunas ng dugo sa may bandang labi
"Ikaw" umayos nasi levi ng tayo at hinawakan ang pulso ko "ikaw ang problema ko" saad nya at hinila na talaga ang pulso ko
Nakakailang hakbang palang kami mula kay na kian ng tumigil sya
"Wag mo nang hahawakan ang girlfriend ko!!" Diin nya pa kaya nag taka ako
Lalo mo kong pinapahulog,dapat dika ganyan dapat nga natutuwa ka kasi may kalandian ang peke mong girlfriend
"Ano ba?" Saad ko at ibinalikwas ang kamay nya
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong nya sa mahinahon at mababang boses ramdam ko na galit sya
"Ang alin,wala nama---"
"Tinatanong kita!" Bahagyang tumaas ang boses nya kaya nagulat ako
"Ah-wa-wala na..naman akong..gina-ginagawa ehh" saad ko at bahagyang kinagat ang ibabang labi natatakot ako at kinakabahan din pinipigil ko ang pag tulo ng namumuong luha ko
Ayokong umiyak sa harapan nya,ayokong ipakita sa kanya na mahina ako pag dating sa kaniya,mahina ako pag un ang ginagawa nya
"What the---umiiyak kaba?" Tanong nya at pinantay ang mukha sa mukha ko bahagya nyang hinawakan ang baba ko at sinigurado
Naiyak ba talaga ako,hindi no wayy
"A-ako hindi ahh--oo naiyak ako" saad ko at tiningnan ang naka ngisi nyang mukha "wala ka namang pake este wala kang pake kung umiyak ako" saad ko at aakmang lalakad na sana kaso hinawakan nya ang bewang ko at hinigit patungo sa kanya
"Nag seselos kaba?" Naka ngisi nyang tanong na ikina inis ko
"Para saan pa,wala naman dapat pag selosan dba?" Naging sarkastiko na ang tono ng pananalita ko siguro dahil narin sa inis
"Pero satingin ko nag seselos ka!!" Asar nya kaya napa roll eyes nalang ako at padabog na tumingin sakanya
"Ano ba problema mo,ano ngayon sayo kung nag seselos ako dba wala,kaya let go!!" Utos ko kaso lalo syang yumakap sakin
"Ayoko!!" Saad nya at inilagay pa ang mukha sa balikat ko
Cris tatagan mo kaya mo toh,hindi dapat lumalim ang nararamdamn mo sakanya
"Pano kung sabihin kong may gusto ako sayo,titigilan mo na ba ako?" Tanong ko
Hays nailabas din....
"Ehh ano ngayon kung may gusto ka sakin" saad nya at kumalas na sa pag yakap
Nalungkot naman ako kasi si mind eh inisip ba naman 'sabihin nya na gusto nya rin ako,lalo nya pang higpitan ang yakap sakin' ung tipong kala mo nasa loob ka nang damit nya
Lumakad na ko palayo sa kanya inshort pabalik sa court
Pag kabukas ko plang ng pinto sa court ay bumungad agad sakin ang kaibigan ko pati ang mga kuya ko
"What?" Huminga ako ng malalim "Why?" Isa pang tanong ko at patuloy na pumasok sa court
"Anong nang yari?" Tanong ni steph na kitang kita ang liwanag ng mukha
"Naka toner kana naman noh" tumango lang sya at umiwas ng tingin
"Ginamit ko ung toner ko na binigay ni klenn!!" Sigaw ko na tinanguan nya lang napa buntong hininga na lang ako
"Yayayain nya daw kasi ako mag date mam--'
"Ano?!" Gulat ko na ikinatigil nya sa pag sasalita
Nakakapag taka bakit kaya, "baka naman napipilitan lang sya" tinignan ko si steph
"Un nga din ang sinabi ko kasongumiti lang sya" napahawak si steph sa pisngi nya siguro dahil ramdam nya nag pamumula o kaya ang pag iinit ng mukha nya
"Hey christina mag practice na tayo" aya ni dino kaya napa roll eyes nalang ako lumapit sya sakin at ako naman paatras ng paatras
"Pede ka naman mag back-out dba?" Tanong ko na ikinagulat nya "hindi pa kasi ako comportable sayo ehh" saad ko na ikina buntong hininga nya
"Ok if that's the case I will not force you" saad nya at tapik sa balikat ko kaya napa ngiti ako
"Naks naman si dino nagiging mature na" saad ko at umakbay sakanya umakbay din sya sakin at inihatid ako sa bench
"Alam mo ikaw lang ang babaeng kilala ko na marunong makisama sa lalaki" saad nya kaya tinignan ko sya
"Satingin mo ilan ang kapatid ko?" Pinanliitan ko sya ng mata nag sign lang sya ng four fingers kaya napatango ako
"Ano ang gender nila?" Tanong ko
"Lahat sila ay lalaki?" Di nya siguradong sagot
"Satingin mo bakit ako ganto kadaling makipag usap sa lalaki" saad ko at napa pikit nalang ng hindi sya mag salita
"Alam mo bobo karin eh noh,syempre apat kuya ko tapos ako lang ang babae ... GETS" saad ko at umupo na
"Ang init ng ulo mo noh, gusto mo sumali" tanong nya na ikina taka ko
"Saan?" Inis na tanong ko
"Sa infarnitate sasabihin ko kay boss kung pede k--"
"Tigilan mo ko,at tsaka ayoko nga" iling ko kahit di ko alam un nakaramdam ako ng kaba
"Bakit, bagay nama--"
"Sabi nya ayaw nya kaya wag mapilit"saad ni levi na nasa likod lang ni dino napa buntong hininga na lang ako at tumayo
"Wan'a dance" tanong ko kay dino kaya napatingin sya sakin at mukhang nag tataka "taena minsan lang ako sipagin kaya sumakay ka nalang"saad ko at nilagay ang dalwang kamay sa kanyang balikat
Hindi ako nahirapan kasi hindi sya masyadong matangkad di katulad ni levi sobra sa tangkad kala moy sampung galon na cherifer ang ininom
"Papayag ka din pla" saad ni dino at sumasabay sa musika
"Hindi ko alam kung bakit ako sinipag,nakaka inis nga ehh dapat natutulog ako ngayon" reklamo ko pero ngumiti lang sya
Nandito ako ngayon sa classroom at ayun 5-8 pm kaming mag aaral lagi naman ehh
"Oyy bechi ano nakain mo bakit parang gustong gusto mona mag sulat" saad ni steph na hindi ko nalang pinakinggan
"Kinain nyan?" Sabat ni cyrus pero ayokong makipag lokohan
"Ano bili sabihin mo" pilit ni steph kaya lalo akong nairita
"Si levi" sagot ni cyrus na ikina tingin ko ng masama "haha dba si levi!" Ulit pa nya kaya napatayo ako ng padabog dahilan para matumba ang upuan
"Ikaw luko ka---"
"Ms. Salonga on my office" saad ni miss lina kaya no choice nakita ko pang natawa ang dalwa
Kung tinatanong nyo kung nasaan si levi,hindi ko sya kaklase nilipat sya ni dean kasi tatay ni rose si dean ehh kaya yun nilipat si levi sa class 1
"Ms. Salonga your to noisy,get 6 books then put them on your hand and squat" tumingin sakin si miss "Im sorry!" Bulong ni maam
Ano kaya ang dahilan ng pag so-sorry ni maam- kumuha na ko ng 6 na libro nag tungo sa may labas ng room ko at nag simula sa pag squat walang sinabi si miss na oras kaya baka isang oras lang ako dito
Break time daw pero ako ay naka headset at naka squat pa din halos mag ti-30 minutes na kaso pagod na agad ako
"Lalaki pwet ko netoh ehh" bulong ko nakita ko ang dalwa kong braso nanginginig na kaya binaba ko muna
Ini-stretch ko ito at pinatunog
"Ohh kain ka muna" bigay ni steph ng tinapay kinuha ko naman ito at nag angel sit "satingin mo kagagawan toh ni rose" panimula nya
"Bakit naman" saad ko at kinain ang tinapay
"Kasi tignan moha,si miss hindi naman sya nag rereklamo pag nag iingay ka dati tapos kanina alam mo ba" tinanguan ko lang sya "alam mo ba si miss kanina hindi mapakali pag tinitignan ka nya" saad nya na ikinatigil ko
"Oo nga noh" pag tango ko "uyy pede mo ba ko bilhan ng patches o kaya salonpas" saad ko at tumayo sya nag paalam na bibili daw sya
Tumayo na ko at tumingin sa langit kahit na nasa 3rd floor ako ay ramdam ko nasa baba ako para kasing ang init ng pakiramdam ko kahit na malalamig na hangin ang dumadampi sakin
Hindi naman ako pinapatakbo nina kuya simula ng sumali ako sa competition 3 buwan pa bago ang competion pero ang nangyayari nalulungkot lang ako
Kasi as long na nakikita ko ang dalwa as long na nasasaktan ako...minsan nga gustong gusto ko na tanggalin ung mata ko
paulit ulit narin ako tinatanong ni dino dun sa infarnitate isa daw yun grupo na ang boss na hinihirang ang namumuno sa school sinasabi ko nalang na 'ayoko' 'bala ka jan' 'ewan ko' kinakabahan kasi ako pag pinag uusapan namin un
Halos lahat daw ng lalaki sa school nandon di ko lang alam kung nandon sina kuya pero ayokong sumali sila don
To be continued....