Naging tahimik si Lorna buong klase. Wala siyang matutunan sa tinuturo sa kaniya dahil nahihilo sya at masakit ang kaniyang ulo. Parang gusto na lamang niya matulog at magpahinga. "Hoy... ang tahimik mo. Hindi ako sanay na ganiyan ka. Gusto mo bang umuwi na lang? Ihatid na lang kita sa inyo. Iba ang itsura mo eh. Parang hinang- hina ka..." nag- aalalang wika ni Geraldine. Hinawakan niya ang noo ng kaniyang kaibigan upang tingnan kung mainit ba ito pero hindi naman. Normal lang ang init ng katawan ni Lorna pero ang itsura nito, halatang hindi maganda. Tipid na ngumiti si Lorna. "Huwag na. Ayos lang ako. Mas gusto ko pa dito kaysa umuwi. Makikita ko lang ang nakakainis na pagmumukha ni mommy. Naging kulungan tuloy bigla para sa akin ang bahay na iyon. Hindi na katulad dati. Wala na akon

