Tila walang gustong magsalita sa kanilang apat. Nagtungo muli si Gabby sa bahay nila Lovely upang ipaliwanag na kahit si Divine ang kaniyang ina, hindi niya magagawang lokohin at iwan si Lovely. Lalo pa't hindi niya rin gusto ang ugali ng kaniyang ina. Tumikhim si Lorna upang basagin ang katahimikan sa pagitan nilang apat. "Ahm... Gabby.... ano ba ang gusto mong sabihin kaya naparito ka?" Tumingin sandali si Gabby sa kaniyang nobya bago binaling ang tingin kay Lorna. "Sinabi na po sa akin ni Lovely ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niyo nang malaman niyo po kung sino ang mama ko. Hiling ko lang po sana na huwag niyo po kaming paghiwalayin. Walang magagawa si mama sa relasyon namin. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. At isa pa, kahit na siya ang nanay ko, hindi ko po gu

