"Mahal mo ba talaga ang anak ko kahit na alam mong ganito lang ang buhay na mayroon ang pamilya niya?" tanong ni Divine kay Lovely. Umalis si Gabby dahil may bibilhin lang ito saglit. Kaya naiwan mag-isa sa bahay na iyon si Lovely kasama si Divine. Hindi maipaliwanag ni Lovely ang kaniyang nararamdaman habang kinakausap siya ni Divine. Tila kakaiba ang awra nito at mabigat sa pakiramdam. Ngunit binalewala niya iyon lalo na't ito ang ina ng lalaking kaniyang minamahal. "Opo. Mahal ko po talaga si Gabby. Minahal ko siya dahil sa ugaling mayroon siya. Masipag po iyan sa trabaho at palagi niya kayong naikukuwento sa akin. Sinasabi niya kung gaano niya kayo kamahal. Nagagawin niya ang lahat para mapasaya po niya kayo. Para sa akin kasi kapag ganoon ang lalaki, mapagmahal sa magulang, magiging

