( SCARLETH POV )
Hindi ko man kagustohan ang mag trabaho dito. Pero tama bang sisihin ko ang mama ko? Kahit pwede ko naman s'yang suwayin sa gusto n'yang mangyari pero hindi ko ginawa. Mahal ko lang talaga ang mama ko kahit mali man ang desisyon n'ya ngayon? Alam kong tama din ito para sa akin at para rin maitago ang buong pagkatao ko. Wala ni isang nakakaalam kong bakit pumasok at nilagay ko sa kahihiyan ang sarili ko. Pero may part din sa sarili kong nag sasabing mali ang ginawa kong desisyon. Wala na akong magawa pa ang mahalaga ay natakpan ko kong ano ang totoo.
FLASHBACK..
Maria anak makinig ka kay papa kailangan kong gawin to ayaw kong madamay kapa anak.
Papa wag n'yo po akong iwan dito kailangan ko po kayo papa. Masakit pa ang sugat ko parang awa n'yo na, wag kayong umalis.
Maria makinig ka sa'kin para sa'yo rin ang gagawin ko. Alam mo ang pinasukan nating trabaho alam kong naiintindihan mo yon. Alam mo rin kong bakit nag tatago tayo sa totoo nating pagkatao. Kahit bata kapa pero alam ko matalino ka at maiintindihan mo ang kalagayan natin.
Pero papa papatayin ka nila! Mag tago nalang po tayo papa para makalayo.
Hindi pwede anak, hahanapin parin nila tayo at papatayin yan ang ayaw kong mangyari sa'yo. Bata kapa anak at malayo pa ang marating mo Maria matapang ka at matalino alam kong kaya mo ang buhay kahit wala na ako.
Pero papa bata pa ako para maging ulila. Alam ko kong anong plano n'yo pero hindi ako papayag papa please tumigil na kayo. Kailangan ko kayo dito papa parang awa n'yo na.
Tama na Maria, paparating na ang ambulansya gagamutin kana nila mabubuhay kapa anak.
Papa sumama po kayo!
Oo anak sasama ako.
END OF FLASHBACK..
Hanggang ngayon naalala ko parin yong panahong nagising ako sa ospital wala na akong kasama at si papa wala rin sa tabi ko. May inabot sa akin ang nurse sulat iyon walang nakalagay kong kanino binasa ko nalang agad para malaman ko. Hindi ko napigilan ang luha ko hindi ko pa nga natapos basahin yong nakasulat. Napalakas na ang iyak ko dahil ang papa ko ay wala na. Iniwan na n'ya ako ng tuloyan itatanong ko pa sana s'ya sa nurse pero agad namang sumagot ang nurse na walang s'yang alam. Basta lang daw iniwan sa kanya ang sulat. Doon ko rin napansin iba na ang pangalan ko hindi na ako si Maria Claire Samantha Grace Scarleth Zamora ll. Ang nababasa kong pangalan sa sulat ay Scarleth Zamora. Pangalan ko rin yon pero pina-ikli lang ni papa kilala ako noon bilang Maria kaya malabong makilala nila ako sa pangalang Scarleth. Hindi ko maisip kong anong plano ni papa sa akin nong tinangka kong lumabas sa kwarto ko para sana hanapin s'ya?. Nahagip ng mata ko ang salamin napahinto ako para kilalanin kong sino ang bagong mukha ang nakikita ko. Hindi lang pala pangalan ko ang pina-ikli ni papa pati rin pala ang mukha ko. Napansin ko ring maskara lang ito matagal akong nakatingin sa salamin at iniisip kong anong plano ba ang gustong gawin ni papa sa'kin? Alam ko rin sa oras na yon ay wala na ang papa ko. Dahil limang oras bago ako nagising at bumongad agad sa'kin ang balitang patay na ang papa ko. Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay may narinig akong kumatok sa labas ng pinto.
Tumayo naman ako agad para sabihan si Santa ako nalang ang magbubukas ng pinto. Sino kaya ito? Sabay bukas ko ng pinto at laking gulat ko sa sa'king nakita.
Anak Scarleth kumosta kana? Bumalik ako anak.
Mama? Ikaw nga namiss ko kayo mama halika pasok po kayo.
Dito kana pala nakatira anak?
Oo mama, maupo po muna kayo para makapag-pahinga ano po gusto n'yo ma? Kape, juice oh tu...
Pera ang kailangan ko Scarleth hindi kong ano-ano. Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa gusto ko ng pera ngayon.
Po? Pera?
Ano ba scarleth nawala lang ako ng tatlong linggo na bingi kana?
Di naman sa gano'n ma, nabigla lang ako sa sagot n'yo.
Yon naman pala alam ko naman may customer kana kaya bigyan muna ako ng pera.
Dahil lang pala sa pera mama kaya ka pumonta dito? Kaya ka bumalik? Di mo ba ako kukunin ma?
Anong kukunin ka d'yan? Pag-umalis ka dito may papasukan ka bang malinis na trabaho? May tatanggap pa kaya sa'yo? Scarleth baka nakalimotan mo? Pokpok kana marumi kapa sa basura itatak mo yan sa kukute mo.
Ma' Ikaw ang nag pasok sa 'kin dito. Tapos ngayon sasabihan mo lang ako ng ganyan?
Scarleth ito na naman ba tayo? Mag tatalo na naman ba tayo? Ano? May pera ka ba oh wala?
Meron po.
Ano pang hinihintay mo? Bigyan mo nalang ako para matapos na.
Tayka lang po kukunin ko po sa loob. Agad naman akong lumabas dala-dala ang pera ko. Ito po mama yan lang po ang pera ko dito.
Mag kano to?
10,000 po mama?
Kita mo na? Ang bilis ng pera kapag dito ka mag tatrabaho? Sige aalis na ako pag butihin mo pa ang trabaho mo scarleth para dadami pa ang pera mo, sige bye..
Muli naman akong napaasa ni mama kahit sarili ko s'yang ina. Hindi n'ya manlang naisip ang naramdaman ko. Hindi pa ako basta-basta makakalabas sa bar nato dahil may kontrata kaming penepirmahan. Kapag papasok ka sa ganitong trabaho hindi kana pwedeng lumabas.
" Hindi rin nag tagal umalis narin si Lorna pero si scarleth hinabol pa rin ng tingin ang papaalis na ina. Hindi parin s'ya makapaniwalang nilamon na sa bisyo at pagbabarkada ang mama n'ya.
Sino yon?
Mama ko Santa!
Bakit gano'n s'ya?
Anong bakit gano'n?
Rinig na rinig ko ang pag uusap n'yo scarleth ang tanong ko bakit s'ya gano'n? Kong nanay mo s'ya?
'Di ko alam Santa, pero isa lang ang alam ko dahil daw sa 'kin pinalayas at inabanduna s'ya ng mga magulang n'ya.
Ano naman ginawa mo?
Wala" noon kasi mayaman ang magulang ni mama nag aaral s'ya sa sikat na paaralan kaso lang nabuntis s'ya ng boyfriend n'ya at yon ang papa ko.
Saan naman ang mali mo don?
Ako ang pinag-bubuntis ni mama nong panahon na yon. Hindi daw nila plano ang mabuntis agad eh kaso yon ang nangyari. Kaya pinalayas s'ya ng magulang n'ya. Wala na s'yang ibang mapuntahan kundi ang papa ko kahit mahirap lang sila papa wala na s'yang nagawa kasi buntis na nga s'ya..
Yon naman pala pinanagutan naman pala s'ya ng papa mo. Hindi tulad ng iba kahit gaano pa sila kayaman basta ayaw nilang makasama ka. Magiging dalagang ina ka talaga.
Oo nga Santa pero hindi s'ya sanay sa buhay mahirap. Nahihirapan s'ya ng tudo lalo pa nong pinag-bubuntis n'ya ako. Hanggang sa dumating na yong time sinilang ako at sakitin pa. Labas pasok sa ospital kaya mas lalong nag hirap si mama ginawa ni papa ang lahat pero parang kulang parin sa kanya. Hanggang sa pumasok si mama ng gaya sa'tin. Nagiging amo rin n'ya dati si momshe. Noong nalaman ng papa ko nag aaway sila kasi may pamilya na s'ya dapat di na s'ya pumapasok sa ganong trabaho. Hanggang isang araw nag kakasakit na naman ako. Subrang pag alala ni papa kasi iniwan lang ako ni mama sa bahay at pumonta s'ya sa club ni momshe. Dinala n'ya ako agad sa ospital pero nong kulang ang pera n'ya pang bayad sa ospital. Lumabas s'ya para makahanap ng pera simula nun hindi na s'ya nakabalik sa ospital..
Iniwan ka n'ya? Kahit may sakit ka pa?
Oo santa dahil na aksidente ang motor na minamaniho n'ya, namatay ang papa ko santa dahil sa 'kin. Kung 'di lang sana ako nag kasakit? Di sana s'ya maaksidente nung panahon na yun. Simula nun pinangako ko sa puntod ni papa lahat ng gusto ni mama ay susundin ko. Gaya ni papa kahit nahihirapan na s'ya kahit sinasakal na s'ya sa hiya dahil kay mama hindi parin n'ya iniwan si mama. Dahilang hindi daw sanay si mama sa hirap kaya ganun s'ya.
Ang kitid naman pala nang utak ng mama mo. Kung 'di sana s'ya nag pagamit noon sa papa mo? Hindi sana s'ya nabuntis. Hindi s'ya itatakwel ng magulang n'ya at lalong hindi s'ya naghirap..
Wala na akong magawa santa nandito na ako. 'Di ko na mabago si mama para sa kanya kasalanan ko lahat ang nangyari sa buhay n'ya ngayon. Dapat kung pagbayaran habang nabubuhay ako.
Kung ganyan din naman ang mama mo?Dapat mag isip ka din Scarleth! Wag yong ibibigay mo lahat ang perang kinita mo mag laan ka rin para sayo.
Ginawa ko na yan Santa. Kaya nga pag umaga umaalis ako? Kasi nilagay ko sa bangko ang perang binibigay ng customer ko..
Kung ganun bakit may inabot ka pa sa kanya?
Tatlong araw ko yong customer, Ngayon ko sana e huhulog kaso naunahan ako ni mama..
Ok lang yan, Sige na nga pahinga na tayo may trabaho pa tayo mamaya.
Oo nga tama na ang pag e-emote natin. Pasensya kana Santa kong puro kasinungalingan ang sinasabi ko sa'yo. Tungkol sa pamilya ko at sa pagkatao ko. Alam kong kaibigan kita pero hindi ako papayag na madamay kapa. Bulong ko habang nakatingin kay Santa papalayo sa'kin.
" Samantalang si Lucas naman laging lutang ang layo layo ng tingin kahit saan pa s'ya mapunta. Simula kasi nung nakapunta s'ya sa bar at nakita si Scarleth. Palagi nalang s'yang tulala hindi n'ya magawang kalimutan ang dalaga. Mukhang natamaan ang puso n'ya sa kakaibang postura nito.
Ano bang ginawa mo sa 'kin babae ka? Bakit hindi ka mawala-wala sa isip ko. Ano bang nangyari sa 'kin? Di naman ako ganito dati kahit kay smart hindi. Pero bakit sa kanya naramdaman ko to? 'Di s'ya mabura sa isip ko para bang nand'yan lang s'ya sa harapan ko.
Lucas anong nangyari sa'yo?
Ha, ahh wala naman babe, may iniisip lang sa trabaho. Pag-sinungaling ko sa kanya.
Alam kung may problema ka pwede mong sabihin sa 'kin ano ba yan?
Wala ito, Wag kana makulit ok lang ako, naputol lang ang pag-uusap namin ni Smart dahil may kumatok sa pinto. Agad ko namang pinatuloy para malaman kong anong sadiya n'ya sa opesina ko.
Hi magandang umaga sa inyong dalawa.
Junny anong kailangan mo?
Babe maiwan ko muna kayo sa kwarto lang ako mag hihintay.
Ok sige' anong ginagawa mo dito?
May kailangan lang akong papirmahan sa'yo sabi ni mommy pwede na daw ikaw ang peperma nito total nasa US naman ang daddy mo.
Akin na, pakisabi rin sa mommy mo kailangan din n'yang ipapakita kay daddy ang tungkol dito. Kahit may perma ko na Junny.
Oo Lucas,
" Pagkatapos n'yang nagpaliwanag sa kanyang kaibigan tungkol sa kanilang marketing pinapa-approved ni Junny sa kanya. Nang matapos s'ya sa ginawa na bigla nalang si Junny sa tanong ni Lucas.
Kailan kayo babalik sa bar?
Tama ba ang narinig ko Lucas? Tinatanong mo yan? Siguro ay may nagugustohan ka don noh?
Ha? Wala nag tatanong lang naman ako, masama na pala ang mag tanong ngayon'?
Sos diny pa tong si Lucas, aminin mo nalang kasi sino sa apat na yon?
Wala nga? Masarap lang kasing uminom ngayon kaya naisipan kitang tanungin. Ano? Kailan ang balik n'yo dun?
Sige tayka lang tatawagan ko si Rain, alam mo namang yon ang leader natin kapag babae na ang pag uusapan." Hello Rain!
Ahhm bakit?
Kailan daw ang balik natin sa bar? Tanong ni Lucas?
Si Lucas ang nagtatanong? Himala si Lucas Tolentino ngayon anong meron?
Kaya nga tinanong ko kung sino? Sabi n'ya wala daw? Kahit alam naman nating isa sa kanila ang napusoan n'ya.
Sige sabihin mo sa kanya mamayang gabi balik tayo ulit don.
Ok sige' oh Lucas mamaya daw dapat may maikama kana sa kanilang apat sayang naman.
Tumahimik ka nga, andiyan si Smart baka marinig ka n'ya.
Sige hihintayin ka namin don sa bar mamaya.
Oo nah.
" Umalis na si Junny sa opesina ni Lucas pero ang si Lucas naiwang naka ngiti. Tila kay tamis ng ngiti ang makikita sa mukha ni Lucas. Pero hindi n'ya lang pinahalata dahil naroon pa ang kanyang girlfriend. Ilang sandali pag mumuni n'ya tumayo s'ya at pumasok sa silid kong saan ang girlfriend n'ya.
Babe, tulog ka na ba?
Hindi pa, halika tabihan mo 'ko dito babe.
Sorry dahil busy ako sa trabaho. Para sa atin din naman ito at kailangan natin to para sa kinabukasan natin para sa magiging pamilya natin.
Lucas alam ko yon. Pero kailan mo ba ako pakaksalan?
'Di ba sabi ko kapag ok na ang lahat. Masyado pa akong busy ngayon gawa ng bumaba ang sale ng marketing namin. Kailangan kung atupagin yon.
Araw-araw ka namang busy Lucas tatanda na tayo 25 ka na at ilang taon na pero magkasintahan parin tayo.
Ano naman ngayon nasa idad ba ang mag papakasal?
Wala nga' gusto ko lang kasi makasal tayo natatakot lang akong maagaw ka.
Hindi mangyayari yon. Hayaan mo next week dadalaw ako sa inyo para pag usapan na natin ang kasal.
Talaga babe?
ABANGAN..