PAGKAGISING NIYA kinaumagahan, binilisan niya ang paglilinis ng bahay at nagluto rin siya ng pagkain para kay Zandro. Tinext kasi siya ni Ryder na hindi pa pwede lumabas ng ospital ang bugnutin nitong kaibigan dahil kailangan pa nito ang sapat na pahinga. Wala pa naman ito naiisip kung anong request ang ipapagawa nito sa kanya ay uunahan na na lang niya ito. Ayaw rin naman niya nangiiwan ng taong napahamak dahil sa kanya kaya nagluto siya ng arozcaldo. Ito lang ang makakaya niyang lutuin ngayon kesa gagastos siya para bumoli ng pagkain sa labas. Hindi man sosyal ang pagkain inihanda niya para sa isang billionario, at least may maibigy siya rito bilang pasasalamat. Kadarating lang niya ng ospital. Hindi pa man siya nakakapasok sa kwarto ni Zandro, ay dinig na niya ang ingay sa loob. Baka

