Nasa locker room lang siya. Hindi pa kasi niya napapakalma ang kanyang sarili. Tapos na rin ang trabaho sa pagseserve ng mga pagkain. Ayaw niya lng sumali sa piging kaya nandito siya at nagiisa. Para may magawa siya, inaayos niya ang kanyang mga gamit sa locker pati na rin ang kanyang bagpack. Napapitlag siya ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Zandro. Bigla siyang napatayo. "A-anong ginagawa mo rito?" Gulat na sambit niya. Lumapit ito sa kanya at hinila siya nito papalabas. "What are you doing, Zandro. Let go!" "No." "Bitawan mo ko. Ano ba!" "No. Not until we're on the stage." Kahit anong hila ng kanyang kamay para makawala rito ay hindi niya kaya. Hindi niya ito naiintindihan anong sinasabi nito. Anong kailngan nito sa kanya? Nasa loob na sila ng pinagdarausan

