Sa araw-araw na magkasama sila ni Zandro, walang pagsidhan ng saya ang kanyang narardaman. Naging isang malambing at mapagmahal siyang maybahay nito. Naiiwan siya sa bahay at si Zandro naman ay umaalis para magtrabaho at magdeliver ng mga gulay sa pamilihan. Araw ng linggo at kailangan ni Zandro na imalis dahil raw may aasikasuhin ito sa pamilihan kaya naman naiwan siya sa bahay. Nanonood lang siya ng telebisyon ng may biglang tumawag sa selpon niya. Tinawagan siya para kunin ang certipiko niya pati rin kay Elizabeth bilang patunay na nakumpleto na nila ang training. Heto pala ang nalimutan nilang dalawa. Di bale. Mabuti st nandito pa siya sa pransya kaya siya na lang ang kukuha sa sertipiko niya pati na rin kay Elizabeth. Tinungo na niya ang hotel at naghintay sa employees corner. Hal

