CHAPTER 70 IT'S BEEN A WEEK since na nag-stay ako dito sa Pilipinas, Dumating ako noong nakaraang linggo na hindi malaman ang dahilan. “Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ako nandito? Dahil nga ba ito kay Brandon? Bakit? Mahal ko pa ba siya?”’ katanungan sa isip ko. Sariwa pa rin sa alaala ko kung paano kami nagkita muli noon at meron pang nangyari sa amin pero at the end ay iniwan ko siya at pinili ang fiance ko pa noon. I was engaged when we met again and akala ko at akala namin dalawa na manumbalik ang anuman ang meron sa amin, Dala lang pala ng bugso ng damdamin at init ng katawan, Dahil ang bilis lang at cold na ng pakikitungo niya sa akin pagkatapos kaming nakapag-usap bago ako tuluyang umalis at bumalik sa ibang bansa, I choose my ex-husband over Brandon that time,

