GAEL’ s PoV
“Karishma, dear. I would like to introduce my new boyfriend. His name is Gael, Gael si Karishma ang only granddaughter ko.” Nakangiti habang nakaakbay si Madam Kamila habang ipinapakilala sa akin ang kanyang apo.
Gumuhit sa kanyang mukha ang matinding pagkabigla pero ilang segundo lang ay napalitan ng pagkadisgusto
“Paki-ulit nga Mamita? Siya, boyfriend mo?” iritadong tanong nito
“Yes and look” ipinakita ni Kamila ang singsing sa kanyang apo na mas lalong nagpaalab sa galit sa kanyang mga mata.
“WHAT?! Nagpapatawa ka ba, Mamita? Magjojowa ka na lang, Mamita yung mahigit sampung taon pa ang kinuha niyo? At may balak ka pa talagang pakasalan. Ano na lang sasabihin ng mga tao! Baka pineperahan ka lang niyan!” palatak na sigaw ni Karishma na tila hindi makapaniwala sa sinabi ng Mamita nito.
“Umayos ka ng pananalita mo, Karishma ha! I’m still your grandma at wala kang karapatang pagsabihan ako kung sino ang gusto kong makasama o hindi. Hinahayaan kita sa mga gusto mo kaya wala kang karapatan na kwestyunin ang mga desisyon ko sa buhay.” pagalit na sigaw ni Madam Kamila sa apo nito.
Matalim ang mga mata ng dalaga nitong apo habang nakatitig sa akin.
Ramdam ko ang bahagyang pagpisil ng kamay ni Madam Kamila sa aking braso.
“I still can’t accept this!” padabog na sabi nito
Tinapunan niya akong muli ng isang matalim na tingin bago padabog na lumabas ng bahay. Bahagya niya pa akong nasagi ng dumaan ito
“Karishma! Saan ka pupunta?” tanong ni Madam Kamila at sinundan ang apo nito
“Magpapawala ng inis! Have fun and play with my young grandpa!” sarcastic na sabi nito at muli akong pinukulan ng isang mapangkutyang tingin bago sumakay sa kotse nito.
“Ayos ka lang?” tanong ko kay Kamila ng mapansin ang panginginig ng braso nito kung kaya agad ko itong dinaluhan at hinawakan upang igaya sa upuan.
“Hindi ko na talaga siya makontrol. Hindi ko na alam kung naging tama ba ang pagpapalaki ko sa kanya o nasobrahan ko sa pagbibigay ng kalayaan.” sapo sapo ni Kamila ang kanyang noo.
Nasa tabi niya lang ako at nanonood sa pagtatalo ng maglola na alam ko naman na ako ang pinag-uusapan.
“Halika na Gael sa kwarto mo para makapagpahinga ka na” yaya sa akin ni Kamila at sinamahan niya ako patungo sa isang bakanteng guest room.
“You see? Hindi ko makontrol si Karishma. Nalayo ang loob niya sa akin simula ng mamatay ang mommy niya. Hindi ko na rin siya maasikaso dahil sa kompanyang iniwan sa akin ng aking asawa. Wala akong kaalam alam tungkol sa pagpapatakbo ng isang kompanya kaya isinubsob ko ang aking sarili para matutunan iyon. Kapalit naman noon ay ang pagiging matigas ang ulo ng batang iyan. Natatakot ako na baka dumating ang araw na may magsulsol sa kanya at magtanim ng sama ng loob sa akin.” malungkot na saad ni Kamila
“Naiintindihan ko. Wala kang dapat ipaliwanag” simpleng ngiti lang ang ibinigay ko rito.
“Sige, magpahinga ka na. Kailangan ko na rin magpahinga.” sabi pa nito bago tuluyang pumasok sa isa sa mga kwartong naroroon.
Ibinaba ko ang aking bag sa gilid ng kama saka ibinagsak ang aking sarili sa malambot na kama. Masarap sa likod kaya lang mukhang mas sanay ang aking likod sa papag na yari sa kawayan. Ipinikit ko ang aking mga mata. Napalunok ako ng marahas ng maalala ang napakagandang apo nito. Napakalaki ng ipinagbago nito sa nakalipas na sampung taon. Kaya pala uang kita ko palang sa kanya kagabi ay parang pamilyar siya sa akin iyon naman pala ay siya ang nag- iisang apo ni Kamila. Hindi mo aakalain na ang batang masayahin noon ay lumaking isang maldita, easy go lucky at matigas ang puso. Ganun pa man ay nagflashback sa aking alaala ang paghalik nito sa akin. Ang malambot nitong mga labi at ang paghalik nito na parang eksperto. Pakiramdam ko rin ay parang hanggang ngayon ay naiwan pa rin sa aking balat ang init ng katawan nito ng magdampi ang aming mga katawan. Hindi ko mapigilang mag-init ang aking katawan. Kung hindi ako nakapagtimpi kagabi ay malamang ay naikama ko na ito at sa ngayon ay wala na akong mukha na maihaharap kay Kamila. Nagpabaling baling ako sa paghiga upang sana ay makakuha ng tulog ngunit kahit anong gawin kong posisyon ay hindi pa rin ako dalawin ng antok dahil ang mukha ng dalagang Weitzner ang tumatakbo sa aking isip. Nang mapagod sa pagpipilit na makatulog ay tumayo ako saka kumuha ng damit na pamalit sa aking bag at nagtungo sa comfort na nasa loob ng kwarto.
“G**o ka, Gael. Pigilan mo iyang kalibugan mo! Hindi na dapat maulit ang kagaya sa nangyari sa inyo ni Ma’am Kamila. Mas bata sa iyo yun” suway ko sa aking sarili dahil maging sa aking pagligo ay ang malambot na bewang pa rin nito ang nasa isip ko. Ang kanyang su/so na dumikit sa aking dibdib ng ito’y aking hilahin. Ibinabad ko ang aking sarili mula sa malamig na tubig upang maibsan ang nagbabadya ng pagsiklab ng init sa aking katawan. Hindi ko napansin na napatagal na rin ako sa loob ng cr. Nang makalabas ay muli kong pinilit ang aking sariling matulog pero sadyang mailap sa akin ang antok. Siguro dahil sa hindi ako sanay matulog sa ganitong kwarto idagdag pa ang malambot na kama. Ala una na ng madaling- araw subalit hindi pa rin ako makatulog kung kaya nagpasya akong hubad- barong bumaba upang kumuha ng tubig.
Paakyat na ako ng aking kwarto ng bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Karishma na pasuray suray ang paglakad. Malakas nitong isinarado ang pinto na bagay na aking ikinagulat. Para ba itong walang pakialam kung may magising ba siya sa dis- oras ng gabi. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
“Hoy! Young Grandpa!” sigaw nito sa akin. Kung kaya napahinto ako sa aking paglalakad.
“Hoy! Young Grandpa! Manggagamit! Akala mo ba papayag ako sa relasyon niyo ni Mamita? Alam ko na ang liko ng bituka niyong mga mukhang pera! Maghahanap ng matandang papatulan para mahuthutan!” sigaw nito
Nagpanting ang aking mga tenga dahil sa mga salitang sinabi nito.
Nakakapangliit ng pagkatao ang sinabi niya.
Naikuyom ko ang aking mga kamao.
“Ano? Natahimik ka? Kasi tama ako ng hinala. Kilala ko na ang mga katulad niyo na manggagantso!” sigaw pa nito habang patungo sa living room kung saan naroroon ang sofa.
Ilang metro ang layo nito mula sa akin pero halos ilang hakbang lang ang aking ginawa upang makalapit dito kung saan ito nakaupo.
Marahas ko itong itinulak na naging dahilan upang mapaupo ito at mapasandal
Pumatong ako sa ibabaw nito at hinawakan ang kanyang baba. Halos isang dangkal ang pagitan ng aming mga mukha. Nanoot sa aking ilong ang amoy ng matapang na alak na nagmumula sa bibig nito kahalo ang gamit nitong mamahaling pabango nito na parang kasing tamis ng candy ang amoy sa bango.
“Masyadong matabil ang bibig mo,Hija. Kulang ka na sa respeto” mahinang sabi ko rito
“Bitawan mo nga ako! Bakit? Totoo naman ah, ginagamit mo lang si Mamita dahil sa pera niya!’ matapang na sabi nito na pilit nagpupumiglas
Sa halip na pakawalan ay kinuha ko ang magkabilang kamay nito. Gamit ang aking isang kamay ay buong lakas na inilagay ang magkabilang braso nito sa ibabaw ng kanyang ulo at muling hinawakan ang baba nito gamit naman ang isa kong kamay.
“Let me tell you something,hija. Your Mamita is old pero may maganda siyang pag- uugali. Sayang lang at hindi mo iyon namana.” titig na titig na sabi ko rito. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili na muli itong halikan at humanga sa ganda ng mukha nito. Halos isang pulgada lamang ang layo ng aming mga mukha sa isa’t isa. Nakakahalina ang samyo ng kanyang katawan dahil sa pinaghalong amoy ng pabango nito at ng kanyang shampoo na kahit na ilang oras ng nasa galaan ay mabango pa rin. May parte sa aking katawan na gusto ko siyang yapusin at halikan ng kagaya kagabi.
“Umalis ka diyan sa ibabaw ko! At pwede ba? Bitiwan mo ako, dahil kung hindi ay sisigaw ako!” pagbabanta nito.