1- Gael Najera

1375 Words
"Halina kayo rito!" Sigaw ni Ate Rhea na nasa kubo dala ang basket ng pagkain pang tanghalian. Kasama nito si Mara na kapitbahay namin na mas bata ng higit limang taon sa akin. "Gael, Tara na. Tirik na ang araw" tapik ni Kuya Dex sa aking balikat. "Sige kuya, susunod ako. Itali ko lang to" sagot ko rito habang ibinubuhol ang Sako na may lamang mais. Nang maitali ay pinunasan ko ang aking mukha na puno ng pawis. Araw ng pag- aani ngayon ng mais, katuwang ang aking ate at ang asawa nito ay magkatulong kami sa pag- aasikaso sa bukid na iniwan sa amin ni Tatay. "Gael oh." iniabot sa akin ni Mara ang Isang Plato at kutsara "Salamat" matipid kong sagot at kinuha ang hawak nito. Pinagsandukan pa Niya ako ng kanin at ng ulam. "Bakit hindi mo pa alukin ng kasal si Mara, Gael?" Tanong sa akin ni Kuya Dex "Oo nga naman. Hindi ka na bumabata, Gael Lalo na si Mara" sabat ni Ate Rhea. Sumabay sa kantyawan ang mga naroroon na kalalakihan na inupahan namin upang tumulong sa pagbubuhat ng Sako sakong mais upang maibilad sa araw. Pinamulahan ng mukha si Mara dahil sa sinabi ni Kuya Dex. "Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa kuya, marami pa tayong dapat asikasuhin bukod diyan." Sabi ko rito dahil ang inaalala ko ay ang Lupang aming sinasaka ay nakasangla at kailangan naming makahanap ng malaking pera upang matubos ito sa Bangko. Natahimik ang lahat dahil sa aking sinabi at PayPal Silang kumain. Mahalaga sa akin ang lupain namin dahil ito lang ang naiwan sa aming magkapatid ni Tatay bukod sa aming bahay. Nagkanda baon baon lang naman kami sa Utang ng sunod sunod ang naging gastusin namin Gaya ng magkasakit si Nanay at hindi rin nagtagal ay pumanaw rin. Pagkatapos Kong kumain ay bumalik ako sa aking ginagawa kahit pa tirik pa ang araw. Kinagabihan ay Niyaya akong uminom ni Kuya Dex. Naroroon sa lumang kubo si Kuya kasama si Ate Rhea. "Tagay muna,bayaw. Pampawala ng antok" Sabi ni Kuya Dex Nagsalin ito ng gin sa Isang maliit na baso at binigyan ako ng tubig na may yelo. "Seryoso kami ni Ate mo, Gael. Wala ka bang planong mag-asawa? Trenta'y syete ka na at hindi na bumabata." Sabi nito. Tinungga ko ang alak at agad na gumuhit sa aking lalamunan ang tapang nito kung kaya agad akong uminom ng tubig. "Wala pa Kong balak mag-asawa kuya." "Paano si Mara? Ano ba ang estado ng relasyon niyo?" tanong ni Ate Rhea "Maliwanag sa kanya na wala akong gusto sa kanya Pero siya itong pilit na lumalapit sa akin." Sabi ko habang pumapapak ng kornik "Sira/ulo ka! Huwag mong sabihin na may nangyayari na sa Inyo?" Nakangising Sabi ni Kuya Dex "Sino ba naman lalaki ang hindi aayaw kuya. Palay na ang lumalapit sa manok" nakangiti ring sagot ko "Yun oh" natatawang Sabi ni kuya at nakipag-apiran sa akin "Umayos ka, Gael. Baka hindi ka patulugin nina Nanay sa ginagawa mo. Mamaya mabuntis mo si Mara" binatukan ako ni Ate "Aray naman ate" hawak ko sa aking ulo "Matanda ka na, Gael. Wala na nga sa kalendaryo yang edad mo tapos kung makaasta ka para Kang teenager." Sermon ni Ate "Wala namang expiration ang sperm ko ate, makakabuo pa to kahit na senior na ko." Pagmamalaki ko pa na ikinatawa ni Kuya Dex "Yun naman pala, hahaha" sulsol ni Kuya "Ikaw rin Dex, huwag mong sinusolsulan kalokohan niyan ni Gael kaya nagiging babaero eh. Tandaan mo,Gael ha. Kapag ikaw sumabit dahil diyan sa pagiging babaero mo,naku hindi ko lang alam kung matutulungan pa kita" Sabi ni Ate at umalis na patungo ng kubo nila. "Pero aminin mo ang totoo. Naalala mo si Madam Kamila no?" Sabi ni Kuya Dex nang makaalis si Ate Ito lang ang nakakaalam ng naging karanasan ko sa bahay ng mga Weitzner ng minsan ay isama kami roon ni Tatay. Napatigil ako sa sinabi nito. Kinuha ko ang bote ng kwarto kantos at nagsalin sa baso. "Hindi nga,Bayaw? Tang**a, bayaw gurang na Yun ngayon. Ilang taon na ba ang nakalipas? Siyam o sampu baka pa Senior na Yun." Hindi makapaniwalang Sabi ni Kuya Dex Halos Isang oras din kaming nagkwentuhan ni Kuya Dex sa Kubo, nang maubos ang laman ng bote ay nagpaalam na itong maunang umuwi. "Mauna na ko sa'yo bayaw ha. Saan ka ba matutulog?" tanong nito sa akin "Doon na sa bahay ko, bayaw hindi ako makakatulog sa Inyo bubungangaan lang ako ni Ate ." Sabi ko "Hahaha, panigurado. Paano, mauna na ko. Ingat sa pagdrive ha." anito at nauna ng umuwi. Maaga pa naman, siguro ay Alas-otso palang ng Gabi Pero dahil sa malayo sa siyudad ay napakatahimik ng lugar. Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Kuya Dex. Sa dami ng babaeng aking naikama ay si Madam Kamila ang hindi ko makalimutan. Ilang taon lang ba ako noon? Isang driver at katiwala si Tatay ng mayamang foreign businessman. Matalino si Tatay Henry dahil nakatuntong ito ng kolehiyo subalit hindi Niya lang natapos dahil sa hirap ng buhay kung kaya naghanap siya ng trabaho at natanggap bilang Isang Driver. Hindi nagtagal ay pinagkakatiwalaan na rin ito ng kanyang amo dahil sa husay makipag-usap ng English. 28 years old ako noon nang una Kong makita si Madam Kamila. Sa ganda ng katawan nito ay hindi mo aakalaing lampas kwarenta na ang edad nito at may apo na. Palibhasa ay dating sumasali sa mga beauty pageant noong kabataan nito, idagdag pa na may pera sila upang mapanatili ang pagkabata ay maintain nito ang Ganda nito. Kung titingnan nga ay para lamang itong kaedaran ko. Flashback (10 years ago) "Gael, Sumama kayo sa akin bukas ni Dex ha. Walang magbabantay sa bahay ng amo ko, wala pa raw nakukuhang matinong security guard si boss kaya Isa sa Inyo ang maggwardya pansamantala." sabi ni Tatay habang naghahapunan "Sakto, may experience sa pagiging security guard si Gael. Hindi ba nagcriminology ka bayaw kaso hindi lang pumapasa" kantyaw ni kuya. "G**o to, nakapasa ako. Wala lang akong backer sa loob kaya hindi ako makapasok. Isa pa, tinamad na rin akong mag-apply dun." Sabi ko rito Pero totoo naman na ilang beses akong umulit mag-exam. "Sige, ikaw na magbantay sa bahay Gael. Dex sumama ka sa akin at para may kasama akong magbuhat ng mga gamit." Saad ni Tatay. Kinabukasan nga noon ay maaga kaming nagtungo sa bahay ng Weitzner. Napakalaki ng bahay ng mga ito at nasa loob ng Isang pribadong subdivision. Ilan din ang nakapilang mga mamahaling sasakyan, idagdag pa ang tatlong unipormadong mga katulong nito. "Ililibot kita sandali, anak bago namin sunduin si Sir Wilbert. Wala ang mga amo natin dito ngayon maliban sa mga katulong kaya ikaw na bahala rito." Saad ni Tatay. Nang makaikot sa buong bahay ay itinuro rin sa akin ni Tatay ang magiging kwarto namin ni Kuya Dex. "Mauna na kami, Gael. Mamayang Gabi pabalikin ko si Kuya Dex mo para may karelyebo ka sa pagbantay." Saad ni Tatay bago umalis. Kinagabihan noon ay dumating sila kasama ang mag-asawang Weitzner. Habang naghahapunan ang mga ito ay ipinatawag ako samantalang si Kuya Dex naman ang pumalit sa akin. "Sir, He is my son and his name is Gael. He's a graduate of criminology and a board passer." Pagmamalaki ni Tatay Nakangiti namang tumango si Sir Wilbert. "Nice to meet you, Gael" bati naman ng asawa nito "Gael, sila ang mga amo natin. Si Sir Wilbert at ang asawa Niya si Ma'am Kamila." Pakilala sa akin. Sa loob ng tatlong araw ay palitan kami ni Kuya Dex sa pagbabantay. Ako ang sa Gabi samantalang siya sa Umaga. Kung minsan ay sinasama ito ni Tatay kaya minsan ay napapahaba ang duty ko Pero sulit naman dahil sa laki ng sweldo. Nang sumunod na gabi habang nagbabantay ay dumating ang sasakyan ni Ma'am Kamila subalit hindi Niya iyon ipinasok sa loob ng garahe. Naghintay ito ng ilang minuto sa labas, dahil sa labis na pagtataka ay kinatok ko ang bintana ng kotse nito at nabungaran ko itong umiiyak. "Ayos lang po kayo,Ma'am? " Tanong ko ng lumapit ako. Mas natitigan ko pa ang mukha nito at masasabing mas maganda nga ito sa malapitan kahit pa mugto ang mata nito kakaiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD