Naging tahimik ang aming pananghalianat pagkatapos kumain ay isinama ko si Karishma sa kubo na malapit sa bukid. Mainit ang sikat ng araw subalit malamig naman ang dalang hangin nito sa paligid. Si Mara naman ay kasama ang kanyang pamangkin na si Stanley. MUla sa mga kilos nito ay alam kong mahal na mahal nito ang kanyang pamangkin habang ang binatang Dela Cuadra naman ay nakabantay lang sa magTiyahin. Nakaunan sa aking hita si Karishma habang nasa loob kami ng kubo hanggang sa dapuan ito ng antok. Alam ko na sa mga nakalipas na mga araw ay naging abala ito. Alam kong pagod na pagod ang katawan nito maging ang kanyang isip dahil sa sunod-sunod na dagok sa buhay na kanyang naranasan. Masuyo kong hinahaplos ang kanyang buhok habang pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha nang lumapit sa akin

