Habang kumakain ito ay nakaramdam naman ako ng pagkalam ng sikmura “Hindi ka pa kumakain?” takang tanong ni Rish habang ngumunguya “Hindi pa” matipid kong sagot habang pinapanood ko itong maganang kumain “Halika, saluhan mo na lang ako. Say ahh” anito tumusok ito ng kapirasong karne at inilagay sa kutsara na may lamang kanin at itinapat sa aking bibig. “Hindi na, Sa baba na ako kakain. Ubusin mo na iyan” “Bilisan mo na, nangangawit na kamay ko” “Kainin mo na iyan” “Isa! Kapag hindi mo to kinain, hindi kita kakausapin ng isang linggo” sabi nito sa akin. Pagdating talaga sa kanya ay lagi niya akong napapasunod. Kinain ko ang laman ng kutsara na isinubo nito sa akin. “Tama na. Ubusin mo na yan. Uminom ka na rin ng gamot pagkatapos kumain at tska gusto mo ba ako na lang ang mag- apply

