Umaga pa lang ay nandito na ako sa mansyon para sa final touch ng preparations namin para sa party mamayang gabi. Naka stand by na rin ang mga staff ko sa catering service namin para mamaya. Napatingin pa ako kay Sabrina habang nag iikot na rin dito kasama ko. Hindi ko nga alam kung bakit nandito s'ya. Basta kanina habang paalis na ako sa bahay ay nagpumilit siyang sumama sa akin at baka magbago na naman daw ang isip ko na 'wag pumunta mamayang gabi sa party. "Lorren! Sab!" Sabay kaming napalingon ni Sabrina sa tumitiling si Carmina habang palapit ito sa amin. "Carmina!" tili rin ni Sabrina at niyakap ito ng mahigpit. "Ang ganda mo, ha! Iba na talaga kapag nagkakaasawa, eh 'no!" papuri ni Sabrina kay Carmina matapos kumalas sa pagkakayakap. "Loka ka talaga! Hindi ka na nagbago. Mapan

