Date 1

1367 Words
Sabado ng umaga.  Maagang nagising si Jessie, hindi rin naman sya masyadong nakatulog dahil mahaba haba din ang pag uusap nilang tatlo ni Jessica at Dakota. Minsan na lilihis pa ang usapan at napapalitan ng kulitan at tuksuhan tungkol kay Lennox Boo nila. Napag usapan din nila ang mga pwedeng mangyari mamaya sa Date, Ang tungkol kay Matthew at ano ang gagawin at paano sasabihin na hindi matutuloy ang arranged marriage, At syempre kung paano maghahanda para maging isang ganap na Healer.  Ikinuwento rin ni Jessie kay Jessica at Dakota ang maaring magbago sa katawan nila. Medyo may alam si Jessie sa pagbabago kay Body ni Jessica, pero kay Dakota ay hindi. Hindi naman nya kasi nabasa ang part na yun. Actually, konti lang ang nabasa nya na lubos nyang pinagsisisihan. Pati kung sino rin ang kontra- bida sa istorya (Ehem, maliban sa kanya na ratrat ng ratrat ang bunganga sa kaka komento kung ano ang dapat gawin ni Jessica ) hindi nga akalain rin ni Jessie na merong isang Lennox sa kwento. Kasi, ayon sa nabasa ni Jessie initially, hindi naman ito main character at walang ugnayan kay Jessica. Somehow, her being there changes the story. Makatapos mag almusal ng mag Lola ay kinuha ni Apo Metring ang aklat tungkol sa Healer. Ayon sa aklat, magkakaroon ng pagbabago ang katawan nito. Magkakaroon ng maraming marka o tattoo na parang mga orasyong nakasulat sa buong katawan. Hindi naman karamihan ito, kalat lang sa buong katawan. Magkakaroon din nga tattoo sa gitna ng dibdib, ito ay hugis Crescent Moon, may linyang parang tribal at alibata signs hanggang pusod. Mayroon sa bandang collarbone. Leeg, balikat, hanggang daliri. Pati na rin bandang kilikili pababa ng paa.  Ang mga tattoong ito ay para bang sinusundan ang kanyang mga buto sa katawan. Para itong daanan ng enerhiya o sa atin pa ay parang daluyan ng kuryente. Habang nanggagamot ang isang Healer, ay nagliliwanag ang lahat ng tattoo sa katawan.  Wala naman daw magiging tattoo sa mukha, hanggang leeg lamang. Pati buhok ay mananatili sa orihinal na kulay. May halimuyak na amoy bulaklak din lalabas sa katawan na maaamoy ng mga taong Lobo hanggang 100km radius. At habang gumagamot, ang halimuyak ay umaabot hanggang 200km radius.  Ito ay lubhang mapanganib sapagkat maraming magkaka interest sa isang Healer para sa sariling kapakanan. Kaya pag nag umpisa nang lumabas ang mga tattoo ay kailangan ng mag asawa ng isang Healer. Tanging ang pag angkin at marka ng isang taong Lobo lamang ang makakapag patigil ng halimuyak na ito. “Paano po ito Lola, Paano mapipigilan ang halimuyak kung wala pa akong asawa?” tanong ni Jessie sa kay Apo Metring. “Huwag ka mag alala, mayroong gamot para itago ang amoy ng isang nilalang. Mayroon tayo nun. Kailangan mo lang uminom noon at wala tayong magiging problema.” Sagot ni Lola. “Okay po.” sagot ko “ Sya nga pala iha, pupuntahan ko mamaya ang ating Alpha at siya ay kakausapin tungkol sa pag uurong nag napagkasunduang pag aasawa ninyo ng kanyang anak na si Matthew” pahayag ng kanyang Lola “Sana po maintindihan ng Alpha at para po mapakilala ko na si Lennox sa inyo at sa ating Pack.” wika naman ni Jessie  “ Sana nga apo. Mabait naman ang ating Alpha at malaki ang paniniwala nating mga taong Lobo sa pag ibig. “ ngiting sabi ng Lola ni Jessie. ---------- Jessie’s POV Makatapos mananghalian ay umuwi na ako sa aking bahay, dahil kailangan ko pa maghanda sa laban, este, sa Date namin ni Boo. Gusto ko din sana  munang  umidlip dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi… eyebags… naku, ang beauty! May Date pa naman ako. Naka idlip naman ako kahit papaano. Alas singko naman ako susunduin ni Boo.  (Song playing at the back of Jessie’s mind… Kapag Tumibok ang Puso by Donna Cruz)   Sha-ram-da-ra, sham-da-ra (sha-ram-da-ra) Sha-ram-da-ra, sham-da-ra (sha-ra-ram-da-ram-da-ra) Sha-ram-da-ra, sham-da-ra, oh (ah-ah, ah) Heto na naman naririnig Kumakaba-kaba itong dibdib Lagi na lang sinasabi "Pwede ka bang makatabi?" Kahit sandali lang, pweda ba? Sana'y pagbigyan, sige na Mukhang tinamaan yata ako (Sana'y pagbigyan, mukhang tinamaan) Kapag tumibok ang puso Wala ka nang magagawa kung 'di sundin ito Kapag tumibok ang puso Lagot ka na, siguradong huli ka… Ano ba yan, na LLS ako. Paulit ulit ang kanta sa utak at bibig ko, may isang oras na. Nabibingi na yata sila Jessica at Dakota sa akin. Sorry naman. 4:30 pa lang ay nakarating na si Boo sa aking bahay, may dala pa syang bulaklak para sa akin. Tutal ay nakaready na ako… umalis na rin kami. Inabot kami ng 30 min bago makapunta sa Red Rock Pack, and another 15 minutes bago kami makarating sa treehouse.  “Anong masasabi mo Jessica?”, tanong ko dito “Hindi na ito flashback…” dagdag ko pa. Ito ang unang pagkakataon na makita ni Jessica si Boo ng narito sa katawan na ito. “Wonderful. He is perfect!” sagot ni Jessica sa akin. Mababa lang naman ang treehouse. Nagmukhang studio type na condo ito pero gawa sa kahoy. Mga labin-liman baitang lang paakyat. Kumpleto ito sa gamit. Sa gitna ay mayroon mababang table na pag kakain ay naka squat. Naroon na rin ang pagkain at inumin. Sa side naman malapit sa bintana ay maroong nakalatag na parang Mat na puno ng maliliit na unan, masarap siguro umidlip doon. Ang cr naman ay nasa baba at may parang outdoor shower pa. May mga mumunting ilaw din na mga nakasabit . Walang kuryente pero may generator. “Ang ganda dito Boo, pwede na tayo tumira dito…” wika ko “Talaga Boo, magsasama na tayo?” excited na tanong ni Boo na may ningning na mga mata “Darating din tayo dyan Boo…” sabi ko na lang “Okay Boo… can’t wait.” sagot naman ni Boo “ahmm, gusto mo na ba kumain?, Si Mommy nagluto nitong lahat” dagdag nito “Wow, talaga… amoy masarap! Sigurado masarap din to” wika ko Paupo na kami ng  tumingin sa pinto si Boo na nakakunot ang noo. Inamoy pa ang hangin. Maya maya lamang ay may kumatok. Nabigla ako, nasa pinto ang mga magulang at kapatid ni Lennox Boo! “Mommy naman… Daddy You too?… and Ashley!” naiinis na sabi ni Boo “Anak… kc, naiwan yung Pie…” palabing sabi ng Mom ni Boo “Mom, sabi mo kumpleto na to” sabi ni Boo “Don’t know, for some reason,naiwan sya, diba favorite mo to at gusto mo matikman ni Jessica?...” sagot naman ng Mom nya. Sumilip sa akin lahat , nakangiti ang mga ito. Palipat lipat ang mata sa akin at kay Boo na para bang naghihintay na ipakilala ako. Nahihiya naman tumingin sa akin si Boo na kumakamot pa ng ulo. Ako na ang unang nagsalita. “Hi….” wika ko lang.  Nang narinig iyon ng Mommy nya ay binigay na ang pie kay Boo at lumapit sa akin at ako ay niyakap. “Nice meeting you iha, finally. I am Mommy Faye, this is Daddy Lando and Lennox’s twin sister Ashley!” nakangiting pakilala ng Mommy ni Boo “Hello po, I am Jessica Vega po” pakilala ko “How are you related to Apo Metring?” tanong ng Daddy ni Boo “Isa po ako sa mga apo nya” sagot ko “Brilliant! Kailan kami mamamanhikan?” tanong ulit  Sumingit na sumagot si Boo. “Daddy naman, alis na kayo please” Lumapit sa akin si Ashley at ako ay niyakap. “Welcome to the family Jessica, sabihin mo lang kung may nagawang kalokohan ito ha at lalatiguhin ko”  Ngumiti lang ako. Masama naman ang tingin ni Boo sa kambal nya “Sige na nga, at kami ay mauuna na iha, nice meeting you. Pasyal din minsan sa bahay ha…” wika ni Mommy Faye Hinatid na ni Boo sila sa pinto at sinara iyon. Bumalik naman ito agad at ako ay hinalikan bigla sa cheeks sabay bulong…” alone at last...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD