Bracelet

1172 Words
Apo Metring’s POV Pagkatapos ng pagpupulong ng Konseho , umuwi agad si Apo Metring na akay akay naman ng isang Omega. Matanda na ito at di na makalakad ng walang tungkod o ng walang umaalalay.  Naisipan niyang mag kape at pumunta sa Veranda. Biglang sumama ang panahon at maya maya pay kumulog na at kumidlat.  "Parang may mali..." bulalas ng matanda “Kailangan kong malaman ang kutob kong ito sa lalong madaling panahon! nang huling nakadama ako ng ganito, ay may masamang nangyari sa mga magulang ng aking apo na si Jessica.  Sana lang mali ang nararamdaman kong ito. -------------- Jessie’s POV Pagmulat ng aking mga mata, ako'y nabigla....” Nasaan ako?”  Pinikit ko ulit ang aking mga mata at maya maya’y dumilat. “Teka, hindi ito ang aking silid.”Luminga linga ako sa paligid,  pamilyar ang lugar pero hindi ko matukoy kung nakapunta na ba ako dito o hindi. Lumingon ako sa nightstand at nakita ang isang Bracelet. Ang gandang porselas! Ito ay isang charm bracelet na gawa sa white gold at may mga palawit. ang palawit ay may iba't ibang stages ng Buwan. Full moon...Crescent moon... Half moon... at Letter J? “ What!!! Letter J?”  bigla akong napatayo. Ngayon ko lang narealized na alam ko kung nasaan ako. Alam na alam ko! Dahil buong araw akong binagabag ng istoryang iyon kahapon. Pero... bakit ako naririto? Imposible! Bumangon ako na nagtataka pa rin. Luminon lingon ako sa paligid at naghanap ng salamin. Gusto ko i-check ang itsura ko. Kung ako ba ito… na itsurang Jessie, o baka…. Itsura ni Jessica, na tanging description lang sa istoryang nabasa ko ang pagkakakilanlan sa kanya. Nakakita naman ako ng  salamin sa may bandang gilid ng kwarto. Full length mirror iyon na pwedeng makita ang buong katawan, mula ulo hanggang paa. Dahan dahan akong lumapit sa salamin, kinakabahan… this is it, pancit!  Napa nganga ako sa nakita. Ang repleksyon sa aking harapan… hindi ako bilang Jessie, kundi, itsura ng magandang babae, maputi, makinis, mahaba ang buhok. Lumapit pa ako sa salamin at pinagmasdan ang animoy aking mukha. Hazel Brown Eyes, cute nose and full lips. Napa atras ako. Ito ang description ng itsura ni Jessica sa istoryang binasa ko. Sa puntong iyon, Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magpapanic. Mayroon parte ng utak ko na nagsasabing, “ Wow, ang ganda ko.” mayroon naman nagsasabing “ Hindi! Hindi ako ito” .Sa talambuhay ko, ngayong ko lang nakita ang aking sarili na ganito kaganda. Oo, lagi ko sinasabi sa sarili ko na maganda ako, pero tanggap ko naman talaga na ordinaryo lang talaga ang itsura ko. Sabi nga ni Mama, average daw. At alam ko din na may mas gaganda sa akin. Kung itabi man ako sa ibang Babae, di agad masasabing mas maganda ako sa isa, dahil siyempre, depende naman yan sa tumitingin. Gusto ko mag panic! Naiiyak na ako. Ano ang gagawin ko! Paano ito! Mamamatay na ba ako? Omg, wala pa akong boyfriend…. Marami pa akong pangarap… at ang nanay ko… Naku, baka hinahanap na ako ng nanay ko. Baka sinumpa ako ng writer! O may magic yung site na binasahan ko at narinig ang mga komento ko kaya pinarusahan ako. Ano na…. Ano na ang gagawin ko. Patawarin mo na ako writer…. Patawarin mo ako Jessica sa pagsasabing tanga ka...huhuhu….Kinurot ko ang aking sarili at baka panaginip lamang ito. Hindi pa ako nasiyahan at sinampal pa ang aking mukha. Wala talaga. Narito pa rin ako.  Bigla ko naalala ang mga pangyayari sa Kwento, inalis ko ang aking damit at chineck ang buong katawan. Wala pang tattoo! Buti naman. Hindi ko alam kung saang parte na ako ng kwento. s**t. Dapat pala hindi ako tumigil sa pagbabasa at nalaman ko kung ano mga susunod. s**t talaga. Kalma lang ….kalma lang….. Kailangan ko lang iwasan yung mga nagyari na. Babaguhin ko ang istorya sa paraang alam ko. Bahala na. Siguro, para itong “Jumanji” na kailangan tapusin para bumalik sa dati ang lahat. Kailangan ko muna itong pag isipan ng maigi.  Nahagip ng aking mata ang parang isang Cellphone na tumutunog. Sinagot ko ito “ Hello?” “ Hi BFF, nakagawa ka ba ng assignment natin?” the person in the other line asks “Ahmmm… ahmmmm…” wala akong masagot. Teka, sino ba to? BFF daw, then boses binabae, Wait… hindi kaya ito si Jake? “Ano?, wala ba? Tatanungin ko si Rhoda kung mayroon siya. Sige magbihis kana at anong oras na. Baka Lunes na lunes eh late ka.” sabi ng kabilang linya “ Jake?” para makasigurado lang kung si Jake talaga to, sana ma confirm…. “ O, Bakit?, sige na , Bye, see you later.” paalam ni Jessie “Ok, see you later” hayyyy… si Jake nga. Laking tulong na tumawag siya, atleast alam ko na Lunes ngayon at dapat akong pumunta sa school. Pumunta ako ng banyo at naghanda. Hinanap ko ang Closet para humanap ng maisusuot ng makita ko na mayroon ng nakahanda sa isang silya. Pamilyar ang damit sa akin. Pink Blouse… skirt… Umilaw ang aking utak, Yes, i know this, ito ang araw na kailangan pumunta ni Jessica sa kanyang  Lola. Sige sige, alam ko na ang gagawin mamaya. Pero di ko alam kung saan siya nakatira at saan ang school namin….Bahala na . gagawa ako ng paraan! Tinignan ko ang laman ng shoulder bag na nakahanda din. Mayroong wallet doon. Tinignan ko ang laman. Aba, swerte, dami pera, may mga ATM pa. Hinalungkat ko pa ang Bag. ayun ID! Yes. Tinignan ko kung may address ng school sa ang ID,  at tama ako. First problem...solved! Galing ko talaga! Ngayon, aalamin ko na lang ang ibang bagay bagay na maisipan ko mamaya. Sa ngayon, kailangan ko makarating ng school… saan sasakay at paano ako makakapunta mamaya sa bahay ng Lola ni Jessica. Paano kaya ito…. Aha! Ok , alam ko na. Magpapanggap na lang ako na napilayan para mahatid ako ng isa sa mga kaibigan ko. Siguro naman, alam nila kung saan nakatira ang Lola ni Jessica dahil BFF sila. Second problem, half solved! Sana nga… goodluck to me. Lumabas na ako ng bahay at naghanap ng matatanungan kung saan may sakayan. Medyo nagtataka sa akin ang mga napagtanungan ko, Idinahilan ko na lang na medyo masama ang pakiramdam ko at medyo hilo pa. It’s a lame excuse but I need to mag come up ng dahilan. Kahit pagkamalan nila ako na baliw, matawid ko lang ang araw na ito. Nakasakay naman ako at sinabi ko sa driver kung saan ako papunta at binilinan na sabihan ako pag nakarating na kami sa school. Habang umaandar ang sasakyan ay tinatandaan ko ang bawat madaanan namin. Para atlest hindi na ako maging ignorante sa susunod na mga araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD