Anong Nangyari?

1201 Words
Lennox’s POV Dinala ko si Boo dito sa bahay namin para personal na mabantayan sya. Sinigurado ko pa na magkasama kami sa kwarto para 24-oras talaga. Hindi ko inaasahan ang rebelasyon na kanyang sinabi. Naguguluhan talaga ako. Alam ko na mahal ko siya. Mahal ko si Jessica, pero hindi sya si Jessica. Siya ang nakilala ko , so, Kay Jessie ako na inlove? At hindi kay Jessica talaga? Ang labo! Talagang naguguluhan ako. Nag walk out tuloy ako. Hindi naman talaga ako nagagalit sa kanya. Wala na ako magagawa doon. Naiintindihan ko iyon, kaso talagang mahirap lang tanggapin. I need space and time to think. Hindi ko naman sya pwede ihatid sa Lola nya. Kakukuha ko lang tapos isasauli ko na. Para naman yata akong tanga nun. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa treehouse. Doon muna ako mag iisip isip. Magdidilim na bago ako makauwi ng Main Pack House. Tinanong ko lang si Mommy kung okay ba si Jessica at kung kumain ba. Oo naman daw kaya hindi ko na inistorbo. Sa ibang kwarto na rin ako natulog.  Lumipas ang ilang araw ay ilap pa rin ako. Na mimiss ko sya pero nangingibabaw pa rin sa akin ang pagkalito. Habang tumatagal tuloy ay parang hindi ko alam kung paano sya i- aapproach. Pumunta ulit ako sa treehouse para magpalipas ng oras. Mayroon akong naabutan na mga tauhan doon na naglilinis. Dalawa sila, ang isa ay nasa taas at ang isa naman ay nasa baba. Pareho itong babae. Kilala ko ito mula ng bata pa ako, halos sabay na kami lumaki.  Tinulungan ko na lang maglinis ang dalawa. Paakyat sana ang isang babae sa taas para matulungan din maglinis ang kanyang kasama nang na out of balance ito, buti na lang at nasalo ko. Nagpasalamat naman ito at umakyat na. Nginitian ko lang din.  Makalipas pa ang ilang minuto ay natapos na sila . Nagpalipas lang ako ng kaunti at umuwi na din. Napag isip isip ko din na hindi ko na dapat patagalin pa ito. Eh ano naman kung tatlo sila sa katawan ni Jessica, Sya pa rin naman yun.  Pag uwi ko ay parang may salo salo sa Pack House. Birthday pala ng isang Delta. Maraming pagkain at may kantahan pa. Ganito pag may kasayahan sa Pack. Hindi mahagilap ng mata ko si Jessica kaya tinanong ko kung nasaan ito. Ang sabi ay nasa loob at may kinuha lang na pagkain para ilabas kasama ni Mommy. Tumango na lang ako. Maya maya ay lumabas na rin sila Mommy kasama si Jessica. Dala dala ang mga Pie.  Mayroong nagsalitang Delta… “ Future Luna Jessica, masaya po kami at kayo ay narito ngayon , may request po sana kami”  “Ano iyon?” tanong ni Jessica “Pwede nyo po ba kaming kantahan….” wika ng isang Delta ----------- Jessie’s POV  “Future Luna Jessica, masaya po kami at kayo ay narito ngayon , may request po sana kami”  “Ano iyon?” tanong ko “Pwede nyo po ba kaming kantahan….” wika nito Napa isip ako “May alam akong kanta, pero baka hindi nyo pa narinig….” sabi ko “Okay lang po iyon Future Luna, dito po kayo sa Gitna” sabi naman nito “Sige…” sabi ko Tutal, hindi kami nag uusap ni Lennox. Ilang araw na at kanina noong sinundan ko sya sa Treehouse para kausapin, nakita kong may kayakap syang babae sa may hagdanan. Gustong gusto na sya sugurin ni Dakota. Pero pinigilan namin ni Jessica. Kung galit si Dakota, Nasaktan naman kami. Galit at sakit na nagsama. Naguguluhan daw, space daw. Nambababae lang pala! Sinimulan ko ng kumanta.Kakanta ako ng “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa” ni Aiza . At ang kantang ito ay para sa kanya. Ito ang gusto kong sabihin sa kanya ngayon….   Ikaw ang pinangarap Ikaw ang hanap-hanap Ngunit bakit nagbago ang lahat Ang init ng pagmamahal Parang naging salat   (Bakit ka biglang nagbago Boo, ganun na lang ba talaga yun, hindi mo ako tanggap?)   Pangako habangbuhay Nangakong di magwawalay Ngunit bat lumamig pagmamahal Parang di na ikaw Sa maykapal ang dinasal   ( Sabi mo mahal mo ako, na you can’t wait for us to leave together….)   Anong nangyari sa ating dalawa Akala ko nun tayo ay iisa Ako ba ang siyang nagkulang O ikaw ang di lumaban Sa pagsubok sa ating pagmamahalan   ( Akala ko proprotektahan mo ako, akala ko ba babantayan mo ako 24-oras, eh hindi nga kita makausap at lagi kang wala…)   Anong nangyari sa ating dalawa Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na? Damdamin ay nasasaktan Puso'y nasusugatan Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan?   (May bago ka na ba? Hindi mo na ba ako mahal? O sadyang hindi mo talaga ako mahal…)   Anong nangyari? (Siguro nga kailangan ko na din mag move on….) Natapos ang kanta na di ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga Luha. Tumakbo ako bigla at hindi na lumingon pa. Narinig kong may tumawag sa akin, pero hindi ko na pinansin. Hindi ko alam kung paano ako nakatakbo ng sobrang tulin na hindi alam ang patutunguhan. Siguro, dahil sa Adrenaline? Napadpad ako sa may bandang ilog kung saan nagtampisaw sila Dark at Dakota. Mga masasayang alaala na mukhang hindi na mauulit pa, dahil nakatagpo na ng iba si Lennox. Wala na akong lugar dito. Kailangan ko na umalis.  Patayo na ako ng makarinig ako ng kaluskos. Luminga linga ako para tignan kung sino man yun. Pero lumaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang mga ito. Ito ay Limang lalaki. Ito na ba ang tutugma sa kwento? At may mapapahamak kung manlalaban ako? “Sino kayo at anong kailangan nyo?” tanong ko “Pang sinuswerte ka nga naman, tama palang dito kami dumaan at ikaw na ang kusang lumapit sa amin. Sumama ka na lang at di ka masasaktan. May mga katanungan lang kami sa iyo” sabi ng isa Tanong lang? Hindi aasawahin ng pinuno nila? Tanong ko sa isip ko “Alam kong wala akong laban sa inyo! Kaya sasama ako ng matiwasay” sagot ko “Mabuti at nagkakaintindihan tayo” wika naman ng isang pang lalaki Kailangan ko maka alis agad dito. Isa pa , parang hindi naman ako sinundan nung bwisit na Lennox na yun. Tatakasan ko nalang ang mga ito… “Matanong ko lang mga Mister… ano ba ang gusto ninyong malaman” Curious na tanong ko para may idea ako kung alam nila kung sino ako at ang kaya kong gawin. “Magtatanong lamang kami ng impormasyon… pero mamaya mo na malalaman pag dating natin sa aming kuta” sagot naman nito. Tama ang hinala ko, Hindi nila alam kung sino ako. Bka mga pangkaraniwang Rogues lang ang mga ito na gustong makuha ang pamumuno ng isang Pack. Hindi muna ako pwedeng umuwi at baka masundan ako at mapahamak pa si Lola. Hindi ko hahayaang may mapahamak, gaya ng sa istoryang nabasa ko. Tama… kailangan muna naming lumayo ni Jessica at Dakota. Sana lang ay makatakas ako dito…. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD