AGENT MHARIMAR’s POV Kanina pa mabigat ang dibdib ko. Sa wakas nailipat na rin si Mama sa secured facility, malayo sa mata ng sinuman na posibleng gumamit sa kanya bilang bala laban sa akin. Kahit paano, nakahinga ako nang maluwag, pero hindi pa tuluyang guminhawa ang pakiramdam ko. Lalo na ngayong nakatayo ako sa harap ng salamin, inaayos ang maskara at gown para sa isang gabing alam kong puno ng panganib. “Nakaka-ilang ang suot kong ito,” bulong ko habang inaayos ang itim na gown na may kristal sa balikat. Lumapit si Nikolai mula sa likod, naka-tuxedo at nakamaskara, halatang handa na para sa laban na mas higit pa sa mga bala’t baril. “You look perfect, petals” mahina niyang sabi, tsaka niya inayos ang strap ng maskara ko. “Hindi ako sanay sa ganitong party, laban,” sagot ko, pilit

