AGENT MHARIMARâs POV MATAPOS ang mahabang briefing sa matagumpay na pagsakute kay Alvero parang gusto ko rin mag unwind. âParty?â Tanong ko sa kanila kakaalis lang ni General Maximus. Nagkatinginan silang tatlo. Sabay-sabay umiling. âWhat?â Nayayamot kong tanong. Sinuri at sinalubong ko ang mga mata nila pero para silang may nagawang kasalanan at hindi ako matingnan ng maayos. âProblema niyong tatlo?â Wala pa rin silang sagot, kaya sa inis ko napahampas ako sa mesa. âKung ayaw âdi hâwag. Nag walk out na ako sa briefing room pero bago pa ako makalabas ng pintuan dinig ko ang apir nila sa isaât-isa na tila matagumpay silang maitaboy ako sa kung ano man ang plano nila. Napabuntong hinga na lang ako ng malalim. âHindi mo ba man lang ako tanungin kung gusto ko ng party?â Tanong ni Nikolai

