AGENT MHARIMAR’s POV Maaga akong nagising. Ramdam ko pa sa balat ko ang init ng huling gabi naming magkasama ni Nikolai. Isang gabi na hindi ko inaasahan. Isang gabing puno ng damdaming matagal ko nang inilibing sa ilalim ng tungkulin. Hindi ko alam how it goes. Pero pagkagising ko, malamig na ang tabi ko. Walang bakas ng presensya niya. Wala ni amoy ng pabango niya. Para bang hindi siya humiga sa kama kagabi. Mabilis akong bumangon. Dumiretso ako sa kwarto niya. Hindi ko alam, pero may kaba akong nararamdaman. Hindi ko pa ako kumatok, pero parang naiwan sa ere ang kamay ko. Ilang buntong hininga ang ginawa ko, hanggang sa pagpasyahan ko na kumatok ng marahan. Masama talaga ang kutob ko. Tatlong mahihinang katok. Walang sagot sa loob kaya, pinihit ko ang doorknob. Hindi naka-lock. Pagb

