Timmy Aria's POV
I hope one day, makilala sila ng daddy nila. May panahon para mapakilala ko sila kay Eli, pero hindi pa ngayon pero sana lang dumating yung panahon na iyon matanggap niya yung kambal.
Kung ayaw niya sa kambal okay lang dahil hindi ko naman siya ipinagpipilitan sa mga anak ko, kung ganon lang din naman yung mangyayari. Kahit sana tanggapin niya yung dalawa kahit hindi na kami magkaayos okay lang basta sakanila.
Naalala ko nanaman yung sinabi ng boss ko na ako muna daw yung magiging secretary nung bagong papalit sakanya pansamantala. No choice nandyan na ee.
"I just want you remind that the one of the famous visitor is coming today, and he wants you to manage his schedule. He will stay in the company for 1 month." Paalala nito.
"One more thing, don't make him stress. Specially he need to find his long lost wife, and also don't forget to make him an Americano coffee."
Americano coffee? Hindi kaya si eli yun? Hindi naman siguro ganon, madami naman sigurong nagkakagusto sa Americano coffee. Hindi lang si landon eli ang nagkakagusto non. Marami pang iba. Hindi ko alam pero may nararamdaman ako na hindi maganda yung araw ko ngayon. Saka ano daw? Hinahanap niya daw yung asawa niya? Hmmmmm.
"Ms. Romero?"
Hindi ko naman kailangan gamitin yung surname ni Landon dahil matagal na rin naman kaming hiwalay, dahil baka yun ang paraan niya para mahanap ako.
"I'm sorry sir, okay na po." Sagot ko sakanya.
Ilang oras na lang darating na yung bisita, pero mukha akong aligaga dito kakaikot. Hindi ako mapalagay sa iisang pwesto lang. Ewan, basta sobrang kaba yung nararamdaman ko ngayon. Hindi maganda yung nararamdaman ko.
Kung dumating man yung bisita sana naman hindi niya ako pahirapan ng sobra kundi baka magback-out na lang ako bigla, kahit sobrang tagal ko ng nagtatrabaho dito.
Nasa 15th floor ako kung saan yung office table ko, dapat hindi naman ako yung magiging secretary kung hindi lang nagkasakit si Ms. Sandoval. Ako yung pumalit pansamantala sakanya wala naman akong magagawa nandito na ee.
Katabi ko pa naman yung pintuan ng CEO, sa totoo lang kanina pa ako naghihintay dito pero hindi pa dumarating yung visitor na sinasabi ng boss ko.
LANDON ELI's POV
Sabi ng assistant ko nainform na daw yung bagong papalit na secretary dahil nagkasakit daw yung secretary ni Larry. Nagdrive na ako papuntang company, may nararamdaman ako na kakaiba ngayon, pero sana naman maganda yung kalalabasan.
TIMMY ARIA's POV
Hindi ko namalayan na tumunog bigla yung phone ko, kaya dali-dali ko itong sinagot.
"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.
(Aria, pumunta ka muna dito sa lobby)
"Bakit nanaman ba?" Naiinis na tanong ko sakanya.
(Wala lang, sige na kasi) Pagpupumilit na sabi nito. Inayos ko muna yung damit ko bago umalis sa office table ko.
Pagkababa ko sa lobby naabutan ko siya na nakaupo. Si denzel bestfriend ko, isa siya sa pinakamayaman na businessman sa pilipinas.
"Aria." Masayang bati nito.
Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago siya umupo ulit kaya umupo na rin ako sa tabi niya.
Hilig kasi nila yung ganito, yung halikan nila ako sa pisngi lalo na yung mga close friend ko. Isa na to sa mga taong nabibilang sakanila.
"Ano nanaman gusto mo?" Bungad ko kaagad na tanong sakanya.
"Wala naman, wala naman sigurong masama na bisitahin yung bestfriend ko diba?" Nakataas na kilay na sabi niya.
"Hindi naman sa ganon, pero mamaya na lang kasi madami pa akong ginagawa ditto." Pagpapaliwanag ko. Tatalikod na sana ako pero nagsalita siya.
"Kaya lang naman kasi ako pumunta dito dahil makikitulog ako mamaya sa bahay niyo." Paliwanag nito.
"Ano? Loko! May sarili kang bahay!"
"Ano naman? Osige na mamaya na lang, pagkauwi mo nasa bahay mo na ako." Nakangising sabi nito.
"Arrrrggghhh! Kainis ka talaga kahit kailan." Naiinis na sabi ko sakanya, tumawa naman ito.
"Osige na. Bye na." Paalam nito bago ako hinalikan sa pisngi.
Nakakainis talaga yung lalaking yun! Ewan ko ba mukhang nagmana kay Tito Daezel.
Pagkaalis ni Denzel, kaagad akong sumakay sa elevator. Dumeretso kaagad ako sa office table ko paupo na sana ako ng bigla akong kinausap ng katrabaho ko.
"Aria, kanina ka pa hinahanap ni Sir. Nandyan na daw yung bisita." Pahayag nito.
"Nasaan sila?" Tanong ko.
"Nasa loob sila ng office ni Sir." Sabi nito.
"Osige papasok na ako." Paalam ko sakanya.
Lumapit na ako sa pintuan at kumatok, narinig ko naman nagsalita yung boss ko na pwedeng pumasok. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung pinto.
Pagkabukas ko ng pintuan, nakita ko yung boss ko na nakatayo habang may kausap na lalake na nakatalikod at mukhang masaya silang nag-uusap base narin sa mga naririnig ko dahil nagtatawanan sila.
Bigla naman akong tumikhim para kunin yung pansin nila, hindi naman ako nagkamali dahil lumingon yung boss ko dito sa pwesto ko. Ngunit parang huminto yung takbo ng oras dahil lumingon rin yung bisita niya na pinagsisisihan ko na ginawa ko yun.
"Long time no see my lovely wife." Nakangiting bati nito.
P-paanong?
Hindi ako makapaniwala na ang kausap ng boss ko ay ang dating asawa ko, hindi kaagad ako nakareact dahil sa sobrang pagkabigla. Paano? Panaginip ba to? Kung panaginip lang ito kailangan ko ng magising kaagad.
"P-paanong nangyari to?" Nauutal na tanong ko.
"I'm your new boss for a while." Simpleng sagot nito.