Timmy Aria's POV Pagkatapos niyang pumasok sa elevator, pinindot niya kaagad yung floor kung saan kami dapat. Ang mas malala kami pang dalawa sa elevator at wala ng iba. Bigla siyang humarap sakin at tinignan ako ng masama, bigla naman akong napalunok sa biglang pagtingin niya sakin. "G-good morning sir." Nauutal na bati ko. Naiyuko ko nalang yung ulo ko dahil sa pagkailang. Alam kung nagalit siya dahil sa pagtulak ko sakanya. "Did you know the consequences for what you did yesterday?" May diin na tanong nito. Patay kang bata ka! Wag naman sana niya akong patanggalin sa trabaho. Dahil kailangan ko ito para sa kambal. Hindi ako sumagot sakanya at nakayuko parin dahil baka hindi ko mapigilan baka masapak ko pa siya, at baka lalo siyang magalit kung magawa ko man iyon. "Look at me wif

