THIRD PERSON POV
*Present*
Marahang ibinaba ni Nicolai sa ibabaw ng glass center table ang basong may lamang orange juice matapos niyang sumimsim mula roon.
Nicolai: Thank you, Nelson.
Isang tipid na ngiti ang iginawad ni Nicolai kay Nelson na ginantihan naman ng malaking ngiti ng lalaki.
Nelson: Walang anuman, Nicolai. Sure ka bang hindi mo gustong kumain? Bibili ako ng merienda riyan sa labas.
Marahan pang tumawa si Nelson.
Nelson: Hindi ko naman yata hahayaang magutom ang best friend ng misis ko.
Naaaliw na tumawa si Nicolai.
Para kay Nicolai ay napakaswerte ng kanyang matalik na kaibigang si Princess sa napangasawa nitong si Nelson. Bukod sa napakabait na asawa ay isa pang responsableng ama.
Saksi si Nicolai at ang iba nilang mga kaibigan ni Princess sa matiyagang panliligaw ni Nelson kay Princess na halos umabot ng isang taon.
Ganoon na lamang ang kasiyahan nilang magkakaibigan nang maging magkarelasyon sina Princess at Nelson dahil ang lalaki ang naging kauna-unahang kasintahan ng kanyang kaibigan.
Akala nilang magkakaibigan ay wala nang makasusungkit sa mailap na puso ni Princess ngunit hinihintay lamang pala nito ang tamang lalaki para rito.
Kahit kailan noong nasa High School at College pa silang magkakaibigan ay hindi nila nakita si Princess na may in-entertain na ibang lalaki kaya naman laking tuwa nila nang payagan nitong manligaw dito si Nelson.
Akala pa nga ni Nicolai at ng kanyang mga kaibigan na kapwa babae rin ang gusto ni Princess kaya lumakas din ang loob ni Nicolai na magparamdam ng kanyang pagmamahal para kay Princess.
Ngunit kahit kailan ay hindi nagpakita si Princess ng senyales na may katugon ang nararamdaman ni Nicolai para rito.
Mahal na mahal ni Nicolai si Princess at gagawin niya ang lahat ng paraan para makita lang itong masaya kahit pa ang kasiyahang iyon ay hindi sa kanyang piling.
Kaya naman nang maging kasintahan ni Princess si Nelson at mapangasawa ay masaya si Nicolai para kay Princess dahil alam niyang napunta ang kanyang babaeng iniibig sa isang mabuting tao.
Nicolai: Naku, Nelson. Don't bother. Marami akong kinain kanina sa lunch. Nagpunta lang talaga ako rito sa bahay ninyo para makita ang inaanak ko. Kumusta na ba si Kiara? Marami akong dalang gifts for her.
Naiiling na tumawa si Nelson.
Nelson: Ikaw talaga, Nicolai. Masyado mong ini-spoil ang inaanak mong 'yon. Baka masanay si Kiara sa maraming gifts?
Marahang tumawa si Nicolai.
Nicolai: Huwag mong problemahin 'yon. Kaming mga ninang ni Kiara ang bahala sa gifts niya. At saka wala naman akong ibang pinagkakagastusan. Wala akong asawa't mga anak. Wala ring love life.
Sa puntong iyon ay biglang na-curious si Nelson.
Nelson: Eh, bakit nga kasi ayaw mo pang mag-boyfriend? Wala ka pa bang nakikitang kasing-gwapo at kasing-macho ko?
Sabay na nagtawanan sina Nicolai at Nelson.
Nicolai: Sira. Wala lang talagang time. Masyadong busy sa pagtuturo ng mga bata sa art class.
Tumango-tango si Nelson habang nakatingin kay Nicolai.
Nelson: Alam mo, curious ako riyan sa art class mo. Sabihin ko nga kay Princess na i-enroll namin si Kiara sa klase mo para makita ko rin ang mga ginagawa mo.
Sandaling tumawa si Nicolai bago inabot ang basong may lamang juice at muling sumimsim doon.
Pagkatapos ay muling inilapag ni Nicolai ang baso ng orange juice sa ibabaw ng glass center table.
Nicolai: Libre na para kay Kiara ang art class. Anyway, mabo-bored ka lang doon.
Tumaas ang dalawang kilay ni Nelson.
Nelson: Ako, mabo-bored? Paniguradong hindi kung ikaw naman ang teacher. Enjoy ka ngang kausap kaya paniguradong nag-e-enjoy din ang students mo sa iyo.
Natatawang umiling si Nicolai.
Nelson: Magiging estudyante mo na rin ako, Miss Bernardino.
Pabiro pang kumindat si Nelson kay Nicolai na ikinailing na lang niya.
Sanay na si Nicolai at ang iba pa nilang kaibigan ni Princess sa mga biro at hirit ni Nelson dahil talaga namang palabiro at masayahing tao si Nelson na isa sa mga katangian nitong nagustuhan nilang magkakaibigan sa lalaki.
Nicolai: Mukhang matatagalan pa sa grocery store ang mag-ina mo, Nelson. Mauna na siguro ako at iwanan ko na lang dito ang mga regalo para kay Kiara. Sana pala tumawag muna ako kay Princess para nalaman niyang pupunta ako rito sa bahay ninyo ngayon.
Nananantiyang tiningnan ni Nelson si Nicolai.
Nelson: Sigurado ka ba, Nicolai? Gusto mo bang tawagan ko si Princess para alamin kung pauwi na sila ni Kiara?
Nakangiting umiling si Nicolai kay Nelson.
Nicolai: Huwag ka nang mag-abala pa. Babalik na lang ako next time. Basta ibigay mo 'yang mga regalo kay Kiara. Kapag hindi mo 'yan ibinigay, babatukan kita.
Sabay pang nagtawanan sina Nicolai at Nelson.
Nelson: Masusunod po, Miss Bernardino.
Pabirong sumaludo pa si Nelson sa harapan ni Nicolai na muling ikinatawa ng babae.
----------
Tumiim-bagang si Nate nang makitang may hawak na blister pack ng birth control pills ang misis na si Gabbie sa loob ng en suite bathroom ng kanilang master's bedroom.
Nanlalaki ang mga mata ni Gabbie habang nakatingin sa matangkad na pigura ng kanyang asawa na nakatayo sa tabi ng pintuan ng banyo. Hindi inaasahan ni Gabbie na uuwi si Nate nang maaga mula sa trabaho ngayong araw.
Nate: So aside from neglecting your duty in bed as my wife, you're also taking contraceptive pills, huh?
Puno ng pagkadismayang tinitigan ni Nate ang asawang si Gabbie.
Umiwas ng tingin si Gabbie mula kay Nate.
Gabbie: I-I just wanted to make sure na hindi na masundan pa si Emmanuel. A-ayokong isipin mo na namang mula sa unintended pregnancy ang magiging anak ko.
Mapaklang tumawa si Nate at umiling-iling.
Nate: Don't talk as if you're the victim here. Alam na alam mo kung bakit ganoon ang iniisip ko rati.
Bumuntung-hininga si Gabbie at taas-noong tumitig kay Nate.
Gabbie: At hanggang ngayon ay ipinararamdam mo pa rin sa akin na mali ang naging desisyon mong pakasalan ako.
Hindi napigilan ni Gabbie ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
Nakita ni Nate ang pagkislap ng mga mata ng asawa nito at parang may kung anong pumiga sa puso nito nang mga oras na iyon.
Gabbie: Pinarurusahan mo pa rin ako sa kasalanang gi-ginawa ko sa 'yo noon.
Doon na tuluyang nabasag ang tinig ng boses ni Gabbie at nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.
Nagmamadaling nilagpasan ni Gabbie ang malaking bulto ni Nate sa tabi ng pintuan ng bathroom.
Si Nate ay nilingon ang asawang nagmamadaling lumabas ng master's bedroom. May pag-aalala sa mga mata nito habang sinusundan ng tanaw si Gabbie.
----------
Tumaas ang isang kilay ni Princess nang makitang may hawak na dalawang maliit na yogurt bottles ang anak na si Kiara habang naglalakad ito palapit sa kanya.
Nagpunta si Kiara sa dairy section ng malaking grocery store kung nasaan ngayon si Princess at ang anak at ngayon ay inilalagay na ni Kiara sa loob ng big cart sa kanyang tabi ang kaninang bitbit nitong dalawang yogurt bottles.
Princess: Bakit kumuha ka niyan, Kiara? Ibalik mo 'yan. Sinabi ng Daddy mo na huwag kang---
Biglang tumigil sa pagsasalita si Princess at nanlaki ang mga mata rahil nadulas siyang sabihin ang hindi rapat marinig ng bata.
Kiara: Sino pong Daddy, Mama? Si Papa Nelson po? Pero favorite po namin ni Papa ang yogurt. Para po sa aming dalawa ito.
Napalunok si Princess at lumingon sa paligid.
Niyuko ni Princess ang anak at binulungan.
Princess: Hayaan mo ang Papa Nelson mo ang bumili ng mga gusto niyang kainin at inumin. Hindi niya tayo utusan, anak. Wa-wala siyang karapatang utusan tayo.
Nang tumuwid ng tayo si Princess ay nakita niyang nalungkot ang mukha ng anak na si Kiara.
Kinuha ni Princess mula sa loob ng big cart ang dalawang yogurt bottles at iniabot kay Kiara.
Princess: Ibalik mo 'yan kung ayaw mong magalit si Mama.
Pabulong lang na sinabi iyon ni Princess para hindi makaagaw ng atensyon ng ibang tao sa loob ng grocery store.
Nang makita ni Princess na malayo na ang kanyang anak na halata na ang kalungkutan sa mukha ay dinukot niya ang burner phone na nasa loob ng bulsa ng kanyang suot na pantalon.
Agad na tinawagan ni Princess ang lalaking matagal na niyang pinoprotektahan.
Lalaki: He-hello?
Kumunot ang noo ni Princess.
Hinihingal ang lalaki mula sa kabilang linya.
Princess: B-busy ka ba ngayon?
Narinig ni Princess na parang may binulungan ang lalaki sa kabilang linya at maya-maya ay sumagot sa kanya.
Lalaki: O-oo. Ma-maraming ginagawa rito sa office. Sorry, babe. Ta-tawag ka na lang mamaya. Si-sige na. Bye na.
Bago pa nakasagot si Princess ay tinapos na ng lalaki mula sa kabilang linya ang tawag.
Nagdilim ang paningin ni Princess at parang madudurog ang burner phone na nasa kanyang kamay sa diin ng kanyang pagkakahawak rito.
----------
Nag-make a face si Katie nang marinig ang boses ng kaibigang si Janine mula sa kabilang linya.
Janine: Iniinom mo pa rin ba ang mga pildoras na ibinibigay ko sa 'yo, Katie?
Napa-eye-roll si Katie sa naririnig na concern sa tinig ng boses ni Janine.
Fake!
Iyon ang gustong isigaw ni Katie kay Janine ngunit hindi niya ginawa.
Katie: Ahm, oo, Janine. Salamat, ha? Talagang tinutulungan mo akong makalimutan ang mga nangyari noon.
Parang gusto na namang sumuka ni Katie rahil sa kanyang pagsisinungaling nang mga oras na iyon ngunit katatapos lamang niyang isuka ang mga kinain kanina.
Janine: Don't mention it, Katie. What friends are for kung hindi ko tutulungan ang aking mga kaibigan sa abot ng aking makakaya. You're all like family to me.
Pangisi-ngisi si Katie habang nakikinig sa mga sinasabi ni Janine.
Yeah, right.
Hanggang sa kanyang isipan lang kayang sagut-sagutin ni Katie ang kaibigang si Janine.
Katie: Thank you once again, Janine. I know I can always count on you.
Narinig ni Katie ang marahang pagtawa ni Janine.
Janine: Same here, Katie. I know na maaasahan kita sa lahat ng bagay.
Biglang nagdilim ang mga mata ni Katie.
Maaasahan mo sa paggawa ng masamang bagay para sa pansarili mong interes, Janine.
May sinabi pa si Janine ngunit hindi na narinig pa ni Katie rahil sa mga ibinubulong niyang salita sa kanyang isipan.
----------
Matapos kausapin si Katie sa phone ay bumaba na si Janine mula sa kanyang kotse at dire-diretsong pumasok sa loob ng two-storey building kung saan naroon ang opisina ng asawang si Marco.
Balak sorpresahin ni Janine ang asawang si Marco at hulihin kung may bago na naman itong babae.
Si Marco ang accounting manager ng rice mill business ng pamilya ni Janine. Ang kanilang negosyo ang isa sa mga malaking rice mill business sa bansa.
Napataas ang isang kilay ni Janine nang parang nagulat ang secretary ng kanyang asawa pagkakita sa kanya.
Si Marcel ang secretary ni Marco at ang isa pang secretary sa building na iyon ay si Diana, ang secretary ng ama ni Janine.
Agad na tumayo si Marcel para salubungin ang anak ng may-ari ng Bolivar Rice Mills.
Marcel: Go-good afternoon, Mrs. Dela Acuesta. H-how may I help you?
Dalawang kilay na ni Janine ang nakataas ngayon dahil sa nakikitang kaba sa mukha ni Marcel.
Janine: I'm here for my husband.
Nilagpasan ni Janine ang nakatayong si Marcel at dire-diretsong naglakad patungo sa nakasaradong pintuan ng opisina ng kanyang mister.
Marcel: Mrs. Dela Acuesta, y-your husband is k-kinda busy right now.
Tumigil sa paglalakad si Janine at nilingon si Marcel.
Janine: Kinda busy? Well, Marcel, if you love your job, kindly remember this. I'm the daughter of the people who own this company. So no one can stop me if I want to pay my husband a sudden office visit.
Iyon lang at tumalikod na si Janine para buksan ang pintuan ng opisina ni Marco.
Kumunot ang noo ni Janine nang makitang nasa loob ng opisina ni Marco ang secretary ng kanyang ama na si Diana.
Lalong kumunot ang noo ni Janine nang makitang ibinubutones ni Marco ang suot nitong long-sleeve polo.
Janine: Marco?
Nakita ni Janine na hindi man lang naapektuhan si Marco pagkakita sa kanya at itinuloy lang ang pagbubutones ng suot nitong polo.
Marco: Nagpalit ako ng polo. Nabasa ang aking suot kanina. Buti na lang I always have a spare one in my drawer.
Tumingin si Marco kay Diana.
Diana: Katatapos ko lang pirmahan ang dalang documents ni Diana kaya ngayon lang ako nakapagbihis. Don't worry. May suot akong sando sa loob.
Nakita ni Janine na nahihiyang yumuko ang sekretaryang si Diana at nagpaalam itong lalabas na.
Nang maisara ni Diana ang pintuan ng opisina ay parang nahahapong umupo si Marco sa high-back executive chair.
Marco: So, whom do I owe this sudden visit from my lovely wife?
Nahihimigan ni Janine ang sarcasm sa tinig ng boses ni Marco.
Janine: I-I just wanted to visit the company.
Painsultong tumawa si Marco.
Marco: Come on, Mrs. Dela Acuesta. You're here to check on me. Kung nambababae ako. Hindi ba at nag-usap na tayo noong nakaraan?
Humalukipkip si Janine at tumiim-bagang.
Janine: Well, it's your fault kung hindi kita kayang pagkatiwalaan, Marco. Ginawa mo na rati kaya hindi malabong gawin mong muli. At hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalay mong pakikipag-usap sa kung sinuman sa phone noong isang araw.
Matalim ang mga matang tinitigan ni Marco si Janine at malalim na nagbuntung-hininga.
Marco: I said that was just nothing to me. Wala lang iyon. I already promised you I won't do it again. Can't you take my word for it, Janine?
Mapaklang tumawa si Janine.
Janine: You're the last person on earth I would entrust my life with, Marco. You've changed a lot since that day you found out I'm barren.
Nahimigan ni Marco ang pait sa tinig ng boses ni Janine.
Pagkasabi niyon ay agad na tumalikod si Janine at lumabas ng opisina ni Marco. Hindi niya gustong makita ni Marco ang mga luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
Pride na lang ang mayroon si Janine na kaya niyang ipagmalaki kay Marco at hindi niya gustong pati iyon ay mawala pa sa kanya.
Padabog na isinara ni Janine ang pintuan ng opisina ni Marco at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.
----------
Nanlalaki ang mga mata ni Margaret habang nakatanaw sa glass wall ng isang malaking coffee shop sa isang bayan sa probinsyang iyon.
Nasa loob na ng kanyang sasakyan si Margaret matapos niyang dumaan sa simbahan para mag-alay ng dasal sa kanyang namayapang ina at stepmother nang malingunan niya ang isang babae na nasa loob ng coffee shop.
Agad na kinuha ni Margaret mula sa kanyang handbag ang kanyang cellphone at tinawagan si Danica.
Danica: Hello? Margaret?
Bumuntung-hininga muna si Margaret bago nagsalita.
Margaret: Hi-hindi ako sigurado sa nakikita ko. Pero kamukhang-kamukha niya.
Nakatingin pa rin si Margaret sa babaeng nasa loob ng coffee shop at prenteng nakaupo sa isa sa mga sofa chair na naroon.
Danica: Wh-what did you mean, Margaret? I don't understand.
Pumikit-pikit pa si Margaret para masigurong hindi siya namamalikmata.
Margaret: I-I really hope my eyes are just p-playing tricks on me, Danica. Because there's no way sh-she's still alive.
Narinig ni Margaret ang malakas na pagsinghap ni Danica mula sa kabilang linya.
Danica: M-Margaret?
Lumunok muna si Margaret bago muling nagsalita.
Margaret: I-I'm looking at Sh-Sharmaine's d-doppelganger right now.
Narinig ni Margaret na parang may bumagsak na gamit mula sa kabilang linya.
Margaret: Danica?
Ilang sandali pa ay isang malakas na sigaw mula kay Danica ang narinig ni Margaret.
Danica: No!
----------
to be continued...