Tuloy tuloy itong pumasok at walang kahit anong reaksyon na lumapit sa kanila.
Wala itong sinasabi,walang expresyon,pero sapat na ang tindig at lamig ng asul nitong mata para kabahan si Rhian.
Para itong nanghahatol kahit wala naman silang ginagawa. Dahan dahang bumangon si Chase bago pa makalapit si Gregory at casual na ngumiti.
"Kinausap ko lang siya"
Bungad nito.
Hindi nagsalita ang lalaki.Nakatingin lang ito sa kanila.Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
"I need that b***h to go with me"
Para itong robot kung magsalita.Diretso.Walang tono.Pero mapapasunod ka.
Binalingan siya ni Chase.
"Rhian.Her name is Rhian"
Napataas ng kilay ang huli.Mas lumakas ang kabog ng dibdib niya ng bumaling ang matalim nitong mata sa kabuuan niya.
"I remember her"
Nagulat siya sa sinagot nito.Remember daw?Ibig sabihin naalala parin siya nito at ang pangako niyang pagpapagaling sa pototoy nito.
"Where are you going?"
Pasimpleng tanong ni Chase.Chismoso talaga.
Muling napatingin dito si Gregory na tila ba tinubuan si Chase ng kakaibang sungay.
"Wala kang pakialam"
Nagulat nalang si Rhian ng bigla nitong hinablot ang kamay niya at malakas siyang hinila.Bahagya siyang nasaktan sa ginawa nito.
"Aray Greg.."
Malakas siya nitong hinihila at alam niyang kailangan niyng sumama dito para hindi siya lalong masaktan pero ayaw niyang tumayo dahil naka panty lang siya.
Soen panty ,90 percent cotton,available in shopee and lazada,made in the Philippines ,na medyo basa pa.
Hindi nakatiis si Chase kaya hinawakan na nito ang kamay ni Greg.
"Nasasaktan siya "
Napapikit ito ng mariin na tila ba kanina pa nagtataka sa ikinikilos ng lalaki.
"Back off Chase,I'm already pissed when I saw you here"
Napangisi si Chase imbes na matakot sa babala nito.
"Good"
"Good what?"
Hindi sumagot si Chase at tuluyang natanggal ang kamay ni Gregory sa kanyang braso.Mabilis siyang tinulangan nitong makatayo at inalalayan ang kamay niyang mas higpitan ang hawak sa kumot na nakabalot sa bewang niya.
Nagtataka ang karagatan nitong mata habang nakatingin sa ginagawa nila pero hindi naman ito nagtanong.Muli siya nitong hinila.
"Come with me"
Pero hindi siya humakbang.Kumakabog parin yong dibdib niya.Ayaw niya yong nakikitang kislap ng asul nitong mata.At saan naman siya nito dadalhin?Hindi naman siguro siya nito ipapakain sa buwaya diba?
"Don't make me repeat myself b***h"
Muling nagpantig yong tenga niya.
"Her name is Rhian Greg"malalim narin boses ni Chase .
"The f**k I care"
Huminga ng malalim si Chase at nakita niyang kumuyom ang kamao nito.
"If you cannot call her by her name ,I will take her from you"
Greg's eyes become emptier.Mas tumaas ang lebel ng kaba niya sa dibdib.Kung papipiliin ,mas gusto niyang matulog sa piling ni Chase kaysa sa piling ni Gregory ngayong gabi.Hindi puwedeng sabay.
Ay!Ano ba itong iniisip ko.Apakalande Rhian!
Lumapit si Gregory kay Chase.Nakapamulsa.Kalmado pero nakakatakot ang awra.Huminto ito sa tapat ni Chase at pinakatitigan ang lalaki sa mata.
"That woman is my prey.Mine.I found her.I own her.My property.I hope that's clear.And I don't want dirty,filthy hands touching what's mine.You know that very well...Chase"
Madidiin ang bawat salita nito.Parang abogado.Sigurado ,solido,may bigat.Anong klaseng tao ka ba talaga Gregory?
Bahagyang kumalma si Chase at nagrelax ang mga muscle nito ng tila may maalala.May pag aalalang tinignan siya nito.
"Hawakan mong mabuti yang kumot,sumama ka sa kanya."
Malakas siyang umiling kay Chase.Ngayon nag cicircus na sa kaba yong dibdib niya.Aaminin niya ng kahit guwapong guwapo siya kay Gregory ay natatakot siya dito.
"Be yourself Rhian.You are more endearing that way.You can do it"
Sinubukan niyang balingan si Gregory pero hindi niya kayang salubungin ang mga nagtatakang tingin nito.Nagtataka pero walang laman.Walang affection.Walang love and tender and care.
Ipiniling niya ang ulo at humakbang na para hindi na humaba ang usapan at baka mag ka famas award pa ang dalawa niyang kasama.Pero nagulat siya ng muli siyang hawakan ni Chase.Inabot nito ang dulo ng kumot na nakapulupot sa kanya.
Muli siyang lumingon.
"Tandaan mo mga bilin ko sayo"
Tipid siyang tumango kahit sa totoo lang hindi niya alam kung anong mararamdaman .Basta lang siyang sumasabay sa agos.Nagbaba kasakaling pag ginawa niya iyon ay humaba ang kanyang buhay.Mahirap man aminin,nakasalalay sa mga lalaking ito ang pagka babae niya--I mean yong buhay niya.
Muli siyang naglakad pero nagulat siya ng hindi binitawan ni Chase yong kumot kaya hindi siya makahakbang.Muli niya itong nilingon.
"Huwag kang matatakot"
Huminga siya ng malalim at muling tumango.As if naman may choice siya.Matatakot siya pero kailangan niya paring gawin.Ang takot ay kasama lang sa emosyon niya.Pero para sa mga taong gaya ni Gregory-it doesn't matter.Hindi naman ito mag aalala sa kanya kahit anong mangyari sa kahubdan--este sa kaniya.
Akmang hahakbang siya ulit pero muli siyang natigilan ng muling mapaatras dahil hawak parin ni Chase yong kumot.Tinaasan niya ito ng kilay.Anong trip ng gunggong na ito?
"Tumawag ka sa akin pag...kailangan mo ako"
Nabura ang pagkapikon niya dahil sa sinabi nito.Muli siyang tumango.
Nong muli siyang humakbang ,hinila ng malakas ni Gregory yong isa pang dulo ng kumot para mapabilis siya sa paglalakad.Malakas nito iyong hinihila pero hindi parin siya makaalis dahil hawak parin ni Chase ang kabilang dulo.Muli itong nagsalita.
"Kung ikaw ay masaya..tumawa ka"
Tinignan niya si Chase dahil malapit na siyang mawalan ng pasensiya dito.Nangangalay na siya sa pagtayo.
"f**k it,hurry the f**k up!"
Nagkamali siya dahil si Gregory ang unang nawalan ng pasensiya sa kanilang dalawa.Malakas nitong hinila yong kumot at binitawan narin iyon ni Chase para makaalis na sila.Hahakbang na sana siya ulit ng maramdamang nalaglag yong kumot mula sa bewang niya diretso sa sahig dahil sa lakas ng paghila ni Gregory.
Katahimikan.Pati mga mumunting insekto at usapan ng langgam sa paligid ay maririnig.Walang nakapag salita sa kanila sa unang segundo.Nakatitig lang ang dalawang lalaki sa parte niyang iyon na may ilang hibla pa ng bulbol ang nakasilip mula sa kanyang singit.Nagtaas baba ang mga mata nila sa kanyang napaka kinis na hita at sabay na gumalaw ang adams apple dahil sa paglunok.
Agad niyang tinakpan ng palad ang kanyang balbas pusa dahil naka glue na ata ang mga mata nila doon.Aaminin niya namang may bulbol siya pero manipis at smooth iyon.Pero nakakahiya parin.Bumukol kasi iyon sa Soen ,delivered on March 3 2022,1 box yellow panty niya.
Nang muli siyang nag angat ng tingin iba na ang nakikita niya sa mga mukha nila.Napaatras siya ng bahagya.
"Rhian"Magkapanabay nilang sambit.
------