Chapter 16

1455 Words
The feeling is off.Hindi mapagkakailang kanina pa may sumusunod sa kanila.Kanina pa sila paikot ikot sa mga detour at bridge ng pagkalawak lawak na highway pero hindi natigil ang pagsunod ng mga van na itim sa kanilang likuran at nadagdagan pa iyon sa paglipas ng oras. Relax lang si Gregory.Walang mabasa sa seryoso nitong mata pero nakikita niya ang mga ugat nito sa leeg sa tuwing liliko sila.Sinubukang kalmahin ni Rhian ang sarili habang nakatingin sa side mirror ng magarang kotse ng lalaki at napansing nadagdaagan na naman ng isa yong mga asungot na kanina pa sila sinusundan "A-apat na sila Boss" Aniya na nagtataas at baba na ang dibdib.Pumasok ang sasakyan sa isang madilim na tunnel at halos wala siyang makita.Patingin tingin lang siya sa kasama pero hindi siya nito kinakausap.Her mind was completely blank.She only knew someone's after them and they are driving to nowhere.Nong muling lumiwanag ang paligid ,napansin niyang nasa gitna na sila ng isang bayan.Pero ang hinayupak at wala atang balak mag menor kahit nasa kahabaan sila ng mga street stalls na nakahilera sa tabi ng kalsada at maraming tao sa paligid. Napahawak siya sa handle ng pinto ng kotse sa sobrang tulin ng pagpapatakbo at biglaang pagliko nito sa mga eskinita sa gitna ng downtown.Ilang stall at tindahan ang nagbagsakan pagkatapos nila itong masagi at nagsimulang magkagulo ang mga taong nadadaanan nila.Nagkalat ang prutas at gulay mula sa mga basket ng mga vendors ng nasagi nilang kariton. Malapit na niyang sigawan ang lalaki na magdahan dahan dahil isang maling liko nalang siguradong mamamatay sila at yong mga tao sa paligid.Pikit mata siya sa tuwing walang habas nitong hinaharurot ang masisikip na peddy road na halos hindi na sila magkasya. "Maghunos dili ka! 'Pag nakabangga ka ng tao,ikaw lang ang makukulong at huwag mo akong idadamay!" Naiinis siya dahil tuluyang nawalan ng kulay yong mga mata nito.Gusto niya ng umiyak.Bakit ba kasi sinama sama pa siya sa lakad ?!Nanahimik yong buhay niya at ang kaligayahan niya lang ay magbenta at kumita !Ngayon nadamay siya sa lahat ng ito at siguradong mamamatay narin siya! Malayo na sila sa airport at alam niyang hindi na sila didiretso doon.Saan na sila pupunta?Mas bumilis ang takbo nila ng halos limang daang metro nalang ang layo ng mga van na humaharurot din sa kanilang likuran. "B-bakit ba nila tayo hinahabol?May kasalanan ka ba sa kanila?!.Lintek !Sandali dahan dahan!" Muling pumasok ang kotse sa napaka sikip at madilim na eskinita sa dulo ng kabahayaan at rinig na rinig niya kung paano kumikiskis ang magkabilang gilid ng kanilang sasakyan sa magaspang na pader.Nag aalalang napapatingin siya kay Gregory pero wala talaga itong pakialam sa kanya.Ipinilit nitong itawid ang kotse sa madilim na eskinita kahit pa puro gasgas na ang palibot nito .Nang marating nila ang dulo,muling bumungad sa kanya ang malawak na high way at matinding sikat ng araw. Akala niya makakahinga na siya ng maluwag pero biglang nag u turn ang lalaki sa gitna ng highway na may nagpapaspasang sasakyan at halos masuka siya sa bilis ng pacing at uyog ng kotse.Bumalik sila sa parehong kalsadang dinaanan nila kanina. Matulin nitong binagtas ang six lane na kalsada ,wala itong balak magmenor kahit mukhang maiipit sila sa dalawang ten wheeler truck na may mga kargang naglalakihang troso at matutulis na buho.She cannot keep it any longer.Napapikit siya ng muntik na silang sumagi sa isang gulong ng malaking truck dahil sa tulin ng sasakyan. "Gregory!Ano ba dahan dahan!" Halos tumalon yong puso ni Rhian ng mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo at ilang sasakyan ang muntik na nilang mabangga dahil sa pagsingit singit ng kotse sa mga pagitan nito. "Ayaw ko pang mamatay!Ahhhh!" She cannot help but to scream at the top of her lungs. Halos lumipad yong kotse at wala na siyang maaninag na tanawin sa labas.Blur na iyon dahil nabulag na ata siya sa sobrang bilis ng takbo.Nahigit niya ang hininga ng umangat yong kotse sa ere at makitang maglaland iyon sa mas mababang bahagi ng elevated na tulay kung nasaan sila ngayon. "Putang ina mo Gregory!Ahhhh!" Pagbagsak nila ,ilang malalakas na kalabog ang narinig niya na tumatama sa sasakyan.Hindi niya na alam kung paano magrereact.Wala na siyang pagkakataon para gawin iyon.Lumingon siya sa likod at nakitang nakasunod parin sa kanila ang mga itim na sasakyan at ilang armadong lalaki ang nakalabas ang kalahati ng katawan sa bintana ng van at binabaril ang direksyon nila.Ilang bala ang tumatama sa kotse pero hindi tumatagos.Nag simula siyang maghysterical ng marealize kung ano ang nangyayari. "Ahhhhh!ahhhh!ahhhBinabaril nila tayo bossing!Binabaril nila tayo!!" "Calm down Rhian,s**t!" "Mamatay na tayo Gregory!" Nagsign of the cross si Rhian at nagsimulang manalangin.Nanginginig lahat ng kalamnan niya sa sobrang takot.Pinagsalikop niya ang dalawang kamay at nagsimulang bumulong ng huling dasal. "Ave maria puno ka ng grasya--!" "f**k Rhian ,duck your head down!" Naramdaman niyang malakas siyang hinila ni Gregory at napadausdos siya sa sahig ng kotse.Ang isang kamay nito nasa manibela at ang isa naman ay nasa braso niya.Patuloy parin ang waswasan ng mga sasakyan sa labas at ang pag ulan ng bala sa direksyon nila.Nagsimula siyang kainin ng takot nang marealize kung gaano na kaseryoso yong sitwasyon.Paanong kanina lang ay nakaupo siya sa sofa sa loob ng hotel at ngayo'y hinahabol na sila ng kamatayan?! Binitawan nito yong kamay niya at kumuha ng isang baril at ilang magazine sa binuksan nitong compartment. "Do you know how to drive?" Namutla siya sa sinabi nito. "Hindi ..hindi pa ako nakasubok ng apat ang gulong" Malakas siyang hiniklat ng lalaki at nagpalit sila ng puwesto.Para lang siyang papel kung hila hilain nito.Nangatog yong mga tuhod niya ng mapaharap sa manobelang hindi niya pa nakita sa tanang buhay niya. "A-anong gagawin ko?" "You drive ,ill cut them down." "T-teka hindi ako marunong magdrive!" "Just imagine you're playing some arcades" Napilitan siyang hawakan yong manibela ng akmang liliko iyon at napasigaw ng marealize na hawak na nga niya iyon. "Hindi ako marunong!Tang ina ahhhh!" Muling kumuha yong lalaki ng isang baril at ikinasa iyon.Napaka suwabe ng kilos nito at nagpapasalamat siyang tumatalbog yong mga bala at hindi tumatagos sa loob ng kotse.Bahagya nitong ibinaba yong windshield at tumayming para ilabas ang kalahati ng katawan. Nagsimulang makipag barilan si Gregory sa mga lalaking sumusunod sa kanila at nagsimulang gumewang yong sasakyan dahil hindi niya alam kung saan kakabigin yong manibela. "Gregory ,kaliwa ba o kanan?!" Hindi ito sumagot at nagpalit ng magazine. "Sagutin mo ako kundi ilalaglag kita!" "Just make sure the car stays on the road!" "Stays ang ano ba ?!" Hinigpitan niya ang hawak sa bilugang bagay at nagsimulang pagpipindutin ang mga button doon.Nagpagewang gewang yong kotse sa ibat ibang direksyon at muntik ng mawalan ng balanse yong lalaki . "f**k Rhian!" Mas lalo siyang nataranta lalo na ng magsimula na naman ang ingay ng nagkikiskisang gulong at putukan sa paligid. The adrenaline is rushing through her.May pagkakataong inaabot niya kay Gregory ang nahuhulog nitong magazine. "Focus on that f*****g steering wheel!" Hindi niya na alam kung anong gagawin.Mas lalo siyang nataranta ng makitang kunti nalang maabutan na sila ng mga armadong lalaki. Hinawakan niya ng mahigpit yong manibela at inapakan yong napansing dinudutdot ng paa ni Gregory sa tuwing bibilisan nito yong acceleration nila kanina. Biglang umarangkada yong kotse ng napakatulin pero wala na siyang pakialam dahil siguradong mamatay na siya. Pikit mata niyang idineretso iyon sa gitna ng malawak na highway at wala na siyang pakialam kung may mabangga sila. Nagmulat lang siya ulit ng hinila siya ni Gregory at ibinalik siya sa dati niyang puwesto.Humarap ulit ito sa manibela at naging suwabe na ang takbo nila.Sumilip siya sa side mirror at nakitang nawala na yong mga itim na van. Anong nangyari? Para siyang tinakasan ng sariling kaluluwa at nararamdaman niyang tumatakbo parin yong kotse.Nakatulala lang siya at nakatingin sa dalawang kamay.Tuluyan siyang hindi nakapagsalita. Hindi niya alam kung paano at kailan.Gregory stopped the car and pulled her into him.Gregory's cold lips crushed into her.Nanlaki yong mata niya at parang huminto yong oras.Naglahong parang bula lahat ng nasa isip niya. Napaungol si Rhian at kinalimutan ang pagkabigla ng biglang gumalaw ang malambot nitong labi.She cannot help but to moan giving him some opening. Dinumog siya ng iba't ibang pakiramdam ng maramdamang bahagya nitong kinagat ang pang ibabang labi niya.Para siyang kinuryente at nililipad ng isang daang paro paro.Hindi pa siya nahalikan ng ganito noon.She was confusely paralysed with the strange ,unfamiliar need ,completely captivated by him. "Uhmm you are so sweet Rhian" Hindi niya pa nagagawang gumanti sa sobrang pagkabigla pero naramdaman niyang tumigil sa paggalaw ang labi ng lalaki at alam niyang napangiti ito habang nakadikit ang labi sa kanya. Hinaplos nito yong mukha niya at tsaka siya hinalikan sa noo. "It's okay.You are safe"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD